NAPATIGIL si Amarah sa akmang paglalakad nang bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Mabilis nga din siyang kumapit sa pader para doon kumuha ng lakas. Nanatili siyang nasa ganoong posisyon. Inisip naman niya kung bakit siya nakaramdam ng pagkahilo? At agad naman niyang naisip ang dahilan ng pagkahilo niya. Wala pala siyang masyadong tulog kagabi. Napuyat siya dahil sa kakaisip. Idagdag pa na konti lang ang nakakain niya dahil wala siyang gana. Idinahilan na nga lang niya na busog siya para hindi magtaka ang mga magulang. At nang mawala ang pagkahilo na nararamdaman ay doon lang siya nagpatuloy sa paglabas ng kwarto. Medyo nakakaramdam na din kasi siya ng gutom, mukhang bumalik na ang gana niya sa pagkain. At kailangan din niyang kumain dahil magsisimula na siyang maghanap ng trabaho. A

