"CAN we talk, Amarah?" Hindi napigilan ni Amarah ang mapakuyom ng mga kamay habang nakatitig siya kay Daxton na nagsusumamo ang mga mata habang nakatingin sa akin. At habang nakatitig siya dito ay do'n din naging malinaw sa kanya ang lahat. Hindi si Ate Danielle ang nagpadala ng text message sa kanya kanina, kundi si Daxton. Mukhang hiniram nito ang cellphone ni Ate Danielle para ma-i-text siya nito. Dahil alam nito na kapag unknown number ang tatawag at magpapadala ng text mesage sa kanya ay i-ignore niya iyon dahil alam niyang si Daxton iyon. So, he used Ate Danielle's number just so he could text her. At alam nitong hindi niya mahihindihan si Ate Danielle kaya ito ang ginamit nitong kasangkapan para makausap siya. At mukhang nabasa ni Daxton ang nasa isip niya dahil nagpatuloy ito sa

