SINAPO ni Amarah ang ulo nang maramdaman niya ang pananakit niyon ng magising siya. Saglit nga siyang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa nagmulat siya ng mga mata. At nang magmulat ay hindi niya maiwasan ang magsalubong ng mga kilay nang makita niya ang kisame. Nasaan siya? Hindi kasi puti ang bubong ng kisame nila. Inilibot ni Amarag ang tingin sa paligid at ganoon na lang ang pagsasalubong ng kilay niya nang makita ang dextrose na nakakabit sa kamay niya. She's in the hospital right now. Pero anong ginagawa niya doon? Mabilis namang inalala ni Amarah kung ano ang nangyari, kung paano siya napunta doon. Ang huling natatandaan niya ay ang naging pag-uusap nila ni Daxton, masyado siyang emosyonal ng sandaling iyon. Ang pagtakbo niya palayo dito at ang biglang pag-ikot ng pa

