"MAY narinig akong balita." Pasimpleng nag-angat ng tingin si Amarah sa babaeng nakasabayan niya na sumakay sa elevator mg marinig niya na nagsalita ito. Mukhang empleyado ang dalawang babae base na din sa suot ng mga itong uniform. "Anong balita ang narinig mo?" tanong naman ng kasama nitong babae. "I'm not sure kung totoo, ha? Pero narinig ko sa HR Office na magbabakasyon daw si Sir Ronald sa ibang bansa ng dalawang buwan, kasama ang asawa at pamilya. At rinig ko ay may pansamantala daw na papalit sa kanya," dagdag pa na wika nito. Hindi naman napigilan ni Amarah ang pagsasalubong ng mga kilay sa narinig. Apat na araw na siyang nagta-trabaho bilang secretary ni Sir Ronald pero wala siyang naririnig o sinasabi sa kanya na magbabakasyon ito at may pansamantalang papalit dito para m

