TAHIMIK lang si Amarah habang nakaupo siya sa sofa sa private room kung saan naka-confine si Mommy Dana. Kompleto ang buong pamilya De Asis, except kay Frank. Kita niya ang pag-alala na bumalatay sa mga mata ng mga ito. Lalo na sa nga mata ni Daddy Franco na halos hindi umalis sa tabi ni Mommy Dana, halos ayaw nga nitong bitiwan ang kamay ng asawa. Na-aksidente kasi si Tita Dana. At ayon sa imbestigasyon ng nga pulis ay hit and run ang nangyari. Tinakbuhan kasi ng driver si Mommy Dana matapos nitong mabangga. And now the police are searching for the driver. At alam niyang mahahanap ang naka-hit and run kay Mommy Dana dahil lahat yata ng anak nito ay kumilos. Gustong mapanagot ang may gawa niyon sa ina. At mayamaya ay napatigin si Amarah sa gawi ng pinto ng bumukas iyon at pumasok doon

