HUMUGOT ng malalim na buntong-hininga si Amarah bago siya kumatok ng tatlong beses sa pinto ng meeting room para ipaalam ang presensiya niya. Pagkatapos niyon ay pinihit na niya ang seradura pabukas at pumasok. Hindi nga niya napigilan na mapalunok nang mapansin na sa kanya natuon ang atensiyon ng mga Board of Director. "Good afternoon po," magalang na bati niya sa mga ito. Pagkatapos niyon ay hinanap ng tingin niya si Daxton. At hindi niya napigilan ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso nang magtama ang mga mata nila. Daxton was looking in her direction right now. His face was void of expression, but his stare made her shiver down to her spine. Lalo yatang bumilis ang t***k ng puso ni Amarah nang maalala na naman ang nakita niya sa monitor ng computer nito. Hindi niya mapigilan an

