"GET ready within five minutes, Amarah. May pupuntahan tayo." Agad naman tiningnan ni Amarah ang notes niya kung may appointment ba sa labas si Daxton ngayong araw nang marinig niya ang sinabi nito ng tawagan siya nito. Pero nang tingnan niya ang kanyang notes ay nakita niyang wala naman itong schedule ngayong araw. Dito lang sa opisina ang lalaki. "May imi-meet ba tayo?" tanong naman ni Amarah kay Daxton. "Yeah," sagot naman nito sa kanya. "Get ready within five minutes," ulit na wika ni Daxton sa kanya. Nang ibinaba ni Daxton ang tawag ay agad niyang naghanda sa pag-alis nila. Hindi niya alam kung saan sila pupunta na dalawa, baka may nabanggit ito sa kanya pero hindi lang niya maalala. Inayos na lang naman ni Amarah ang gamit sa ibabaw ng cubicle. Pagkatapos ay kinuha niya ang

