NAGDADALAWANG isip si Amarah na katukin si Daxton sa kwarto nito. May gusto kasi siyang itanong sa lalaki. Pero nang maalala niya ang sinabi nito sa kanya na kung may kailangan siya ay huwag siyang mahihiya na katukin ito sa kwarto. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay tumaas ang isa niyang kamay para kumatok sa pinto. Naghintay naman siyang pagbuksan siya ni Daxton ng pinto. At makalipas ng ilang segundo ay bumukas iyon. Pero ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Amarah nang bumungad sa kanyang mga mata ang hubad-barong si Daxton. Wala itong suot na pang-itaas na damit at tanging puting pajama lang ang suot nito ng sandaling iyon. At mukhang katatapos lang nitong maligo dahil basa pa ang buhok nito at may tumutulo pa doong tubig. At hindi nga din nap

