NAPAKURAP-kurap si Amarah nang mga mata nang makita niya ang sariling hitsura sa salamin pagkatapos siyang ayusan ni Miss Chelsea ng dalhin siya doon ni Daxton dahil may pupuntahan silang dalawa na party ng sandaling iyon. Isasama siya ni Daxton sa party na dadaluhan nito dahil kailangan daw na may partner ito sa pagpunta nito doon. Ang pagkakaalam niya ay isang corporate party iyon. Mga CEO ng kompanya ang mga imbitado sa nasabing party. "Wow, Amarah. You're really gorgeous," komento ni Miss Chelsea sa kanya. "My gown really suits you. Mukhang gustong-gusto ng mga gown ko na i-model mo sila Amarah," dagdag pa na wika ni Miss Chelsea. "I have upcoming fashion show. And I want fresh face. Baka naman gusto mong maging isang model ko, Amarah?" alok nito sa kanya. Nang sulyapan niya i

