GUSTONG magpaalam ni Amarah kay Daxton dahil gusto niyang magtungo ng restroom pero hindi niya magawa dahil abala pa ito sa pakikipag-usap nito sa ilang businessman na naroon sa party. Tahimik lang naman siya sa tabi habang nakikinig siya sa pinag-uusapan ng mga ito. As usual ay tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan ng mga ito. Pero nang hindi na siya makatiis ay hinawakan niya ang laylayan ng suot nitong tuxedo dahilan para sulyapan siya nito. Napansin ulit niya ang pagsasalubong ng mga kilay ni Daxton nang magtama ang mga mata nila. Kanina pa niya napapansin ang pagsasalubong ng mga kilay nito. Noong nasa boutique pa sila ni Chelsea at ngayong nasa party sila. Hindi naman niya alam kung ano ang ikinagagalit nito. O, baka sa kanya ito galit? Eh, kanina pa siya nito hindi iniimik pero

