MABILIS natutop ni Amarah ang ilong ng makaamoy siya ng mabaho paglapit niya sa kusina kung nasaan ang Mama niya na abala sa pagluluto ng almusal. "Arthur, may naamoy ka bang mabaho?" tanong ni Amarah sa kapatid na naroon din sa kusina. Nag-angat naman ito ng tingin patungo sa kanya ng marinig nito ang tanong niya. Mula nga din sa gilid ng mga mata ay nakita niya ang paglingon sa kanya ng Mama niya, mukhang narinit din siya. Napansin niya ang bahagyang pagkunot ng noo ng kapatid. "Mabaho, Ate?" balik tanong niya. Akmang bubuka ang bibig niya para magsalita ng mapatigil ng may ma-realize. Mabilis din niyang tinanggal ang kamay na nakatakip sa ilong niya. "W-wala pala," sagot na lang ni Amarah. Na-realize kasi ni Amarah na dahil sa pagbubuntis kung bakit may naamoy siyang mabaho.

