"COME in." Binuksan ni Amarah ang pinto sa opisina ni Daxton nang marinig niya ang baritonong boses nito. Nang makapasok ay agad niyang nakita ang lalaki na nakaupo sa swivel chair nito habang nakatutok ang atensiyon sa harap ng laptop. Daxton was really a workaholic. Alas sinco na ng hapon pero mukhang wala pa din itong balak na umuwi. Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito. "Five na. Hindi ka pa uuwi?" tanong niya ng mag-angat ito ng tingin. Napansin naman niya ang pagtingin nito sa wristwatch na suot, mukhang doon lang nito napansin ang oras. "I have a lot things to do," sagot nito sa kanya. "Mauna ka ng umuwi, pahatid ka na lang kay Manong Chito," dagdag pa na wika nito sa kanya. "Okay lang na mauna na akong umuwi?" tanong niya. "Wala ka nang ipapagawa?" Umiling ito. "I

