MABILIS na tumayo si Amarah mula sa pagkakandong niya sa hita ni Daxton. At kahit na hindi siya nakatingin sa harap ng salamin ng sandaling iyon ay alam niyang pulang-pula ang magkabilang pinsgi niya. And right now, she could still feel the hardness of his arousal on her hand. At mas lalong nag-init ang pisngi ni Amarah dahil doon. "K-kukuha lang ako ng tubig," wika niya, halos hindi siya makatingin ng deretso siya mga mata nito dahil sa sobrang kahihiyan. Sa nangyari ay hindi niya alam kung makakatingin pa ba siya ng deretso sa mga mata ni Daxton. Hindi na nga din niya hinintay na magsalita ito dahil umalis na siya sa harap nito at nagmamadali siyang humakbang palapit sa kinaroroonan ng water dispenser. Mula nga din sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang biglang pagtayo nito

