Chapter 131

1793 Words

MUKHANG napasarap ang tulog ni Amarah dahil nang magising siya ay magtatanghali na. Sinabi niya sa kapatid na magpapahinga lang siya saglit dahil pakiramdam niya ay pagod na pagod siya kahit wala naman siyang ginagawa. Pero iyong sinabi niyang saglit niyang pagpapahinga ay inabot ng dalawang oras. Bumangon naman na si Amarah mula sa pagkakahiga niya sa kama dahil kailangan niyang asikasuhin ang kakainin nilang magkakapatid. Wala kasi ang magulang nila dahil umuwi ang mga ito sa probinsiya dahil namatayan ng kamag-anak ang Papa niya. At limang araw ang mga ito doon. Sa linggo pa ang balik ng mga ito. At sa kanya ibinilin ang dalawang kapatid niya. Pinasadahan naman ni Amarah ang mahabang buhok na nagulo dahil sa pagkakahiga niya ng habang naglalakad siya palabas ng kwarto niya. Dumir

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD