"SIR, hihintayin ko pa ba kayo?" Napatingin si Daxton kay Kuya Chito ng marinig niya ang tanong nito sa kanya ng ihinto nito ang minamanehong kotse sa lugar kung saan nakatira si Amarah. "Hindi na, Kuya Chito," sagot niya dito. "I'll just call you," dagdag pa na wika niya. Hindi kasi niya alam kung hanggang anong oras siya mananatili sa bahay nina Amarah. Pero sa tingin niya ay magtatagal siya doon dahil gusto niyang makausap ang pamilya nito, pero bago ang lahat ay gusto muna niyang makausap si Amarah tungkol sa gagawin niyang pagkausap sa pamilya nito. Gusto kasi niyang aminin sa mga magulang ni Amarah na siya ang ama ng pinagbubuntis nito. Hindi lang iyon, gusto din niyang humingi ng sorry sa mga ito dahil sa kasalanan na nagawa niya. Gusto ni Daxton na makuha ang kapatawaran ng

