"S-SORRY po," paghingi ni Amarah ng paunmanhin kina Mommy Dana at Ate Denisse nang maiwan ang mga ito sa hospital room kung saan siya naka-admit, naroon din si Ate Danielle at tahimik lang itomg nakaupo sa sofa. Wala si Daxton dahil nagpaalam itong may bibilhin. At bago nga ito umalis ng kwarto ay mahigpit nitong binilinan ang pamilya na bantayan siyang mabuti. At kapag may problema ay tawagan daw agad ito. Pinagtawanan nga ito ni Ate Denisse, masyado daw kasi itong OA, pero hindi naman ito pinansin ni Daxton. Basta tawagan daw ito agad kapag may problema. "S-sorry po kung nagpanggap po kaming mag-asawa ni Daxton. S-sorry po kung nagsinungaling po-- Hindi na natapos ni Amarah ang ibang sasabihin nang makita niya ang pag-upo ni Mommy Dana sa gilid ng kama. Kinagat nga din niya ang ibab

