PAGKAUPO ni Daxton sa swivel chair pagkatapos niyang magtungo sa banyo ay sa halip na ituon niya ang atensiyon sa mga dokumentong nasa ibabaw ng mesa ay itinuon niya ang atensiyon sa computer at binuksan niya ang CCTV footage doon para tingnan kung ano ang ginagawa ni Amarah ng sandaling iyon. He wants to watch what she's doing right now. At hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makita niya ang seryosong ekspresyon ng mukha nito habang nakatutok ito sa computer nito. Old habits died hard indeed. Hindi pa din kasi nagbabago si Amarah, ganoon na ganoon kasi ito simula noong unang trabaho nito bilang secretary niya sa Daxton Corp. Masyado itong tutok sa trabaho, isang dahilan kung bakit nagtagal ito bilang secretary niya. Binibigay nito ang hundred percent best n

