"AMARAH." Nag-angat ng tingin si Amarah ng marinig niya ang boses ng Papa niya na tinawag ang pangalan niya. At nang magtama ang mga mata nila ay napansin niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito habang nakatitig sa kanya. "Po?" "May sakit ka ba?" tanong nito sa kanya. Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay napansin niya ang paninitig ng Mama niya sa kanya. Bahagya naman siyang natigilan sa tanong nitong iyon. Pero nang makabawi ay mabilis naman siyang umiling. "Wala naman po, Pa," sagot naman niya. At mukhang hindi kombinsido ang Papa niya sa sagot niya ng magsalita muli ito. "Napapansin ko kasi na parang wala kang ganang kumain. At malaki ang nabawas sa timbang mo," dagdag pa na komento nito. Napalunok si Amarah dahil sa kabang naramdaman. Mabilis nga din siyang nag-isip na pwed

