"DAVIEN?" tawag ni Daxton sa pamangkin na kasama niya ngayon sa kusina ng condo ng Ate Danielle niya. Kung kanina ay si Ate Danielle at Amarah ang nasa kusina at silang dalawa ng pamangkin ang nasa sala ay nagkabaliktad na ngayon. Naroon na ang dalawa sa sala at sila naman ni Davien ay nasa kusina. Nang malapit na kasing mag-lunch ay nag-presenta siyang magluto. Gusto kasi niyang lutuan si Amarah ng paborito nito. At nang sabihin niya iyon kay Ate Danielle ay agad itong pumayag sa gusto niyang mangyari. Seafood sana ang lulutuin ni Daxton pero akmang ilalabas niya iyon sa mga fridge ng lapitan siya ng Ate Danielle at sinabi nitong sinigang ang iluto niya. At pinagtakahan nga din niya ng sa halip na baboy, isda o hipon ang gamitin niya ay ni-request nitong manok. Pero hindi na din siy

