"AMARAH." Iniwas ni Amarah ang tingin kay Daxton nang tawagin nito ang pangalan niya nang makita siya nito na nasa loob ng condo ni Ate Danielle. Hindi inaasahan ni Amarah na makikita niya ito ngayong araw. At lalong hindi niya inaasahan ang mararamdaman ng puso niya ng sandaling iyon. Hindi pa din kasi iyon bumabalik sa normal, ang bilis pa din ng t***k ng puso niya na para bang tumakbo siya ng ilang kilometro kahit na nakaupo lang naman siya. At hindi niya nagugustuhan ang nararamdaman ng puso. Akala ba niya ay kakalimutan na niya si Daxton? Why her heart still beating darn fast for him? Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos ay kinuha niya ang bag at isinukbit na niya iyon sa balikat. Tumayo na nga din siya mula sa pagkakaupo niya sa sofa. At agad siyang tumingin

