"REALLY?" wika ni Ate Danielle na may asumement sa mga mata nang ikwento niya dito na si Daxton ang bagong namamahala sa kompanya na bagong pinagta-trabahuan niya ng magpunta siya sa condo nito pagkatapos siya nitong tawagan dahil gusto nitong makipagkita sa kanya. Sa lahat ng pamilya ni Daxton ay kay Ate Danielle lang siya nakikipagkita kahit na gusto nina Tita Dana at Ate Denisse na makausap siya. Hindi pa din kasi siya handa na makipag-usap sa mga ito dahil nga sa kalagayan niya. Natatakot siyang ma-i-kwento niya kay Tita Dana na buntis siya at baka sabihin nito iyon kay Daxton. Noong nakaraang araw nga ay muntik na siyang mabuking ni Daxton ng hinalukay ang kanyang tiyan sa harap nito. At hindi lang siya umalis palabas ng opisina nito ay baka naduwal na siya sa harap nito. At hin

