"f**k!" Hindi napigilan ni Danielle ang mahinang mapamura nang pumugak-pugak ang minamanehong kotse. At bago pa iyon tumirik sa gitna ng kalsada ay kinabig na niya ang manibela para igilid iyon. At saktong pagkagilid ay tuluyan na iyong namatay. She cursed again in her mind. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga bago niya tinanggal ang suot na seatbelt ng sandaling iyon. Pagkatapos niyon ay binuksan niya ang pinto at saka siya bumaba ng kotse. Lumapit naman si Danielle sa hood ng kanyang kotse pero napamaywang siya sa frustration nang ma-realize na hindi niya alam tumingin ng makina ng sasakyan, hindi nga din niya alam kung paano iyon ayusin. May sasakyan naman siyang pwedeng gamitin pero ang kotseng luma pa ang ginamit niya. It was her old car. Regalo ito sa kanya ni Daddy

