SOBRANG bilis ng t***k ng puso ni Amarah habang sinasalubong niya ang titig ni Daxton sa kanya. Daxton was still staring at her intently. Hanggang ngayon ay bakas pa din sa ekspresyon ng mga mata nito ang pangulilala habang nakatingin sa kanya. "Saan nakatingin si Sir Daxton?" mayamaya ay narinig ni Amarah na wika ng katabi niya. Sa pagkakataong iyon ay doon lang naman inalis ni Amarah ang tingin sa lalaki. At bago pa mahuli ng iba kung sino ang tinitingnan ni Daxton ay pasimple siyang umatras at nagtago siya sa likod ng babae na nasa tabi niya. Nag-angat nga siya ulit ng tingin at nakita niyang nakatingin pa din si Daxton sa dereksiyon niya. Anong problema ng lalaking ito? Bakit ayaw nitong i-alis ang tingin sa kanya. Baka mapansin ng empleyado na siya ang tinitingnan ni Daxton.

