3.2

1657 Words
3.2   "Welcome sa Palasyo Del' Valle."                   Napanganga ako sa ganda ng palasyo sa harapan namin. Nang tumapak ako sa loob para sundan ang babae, nawala ang pinto sa likuran ko na kinagulat ko na lang ng bahagya. Parang Narnia... Ang daming paru-paro... Cute.                   "Empress! Hindi ka dapat naglalakad sa tindi ng sikat ng araw! Magkakasakit ka!" Sigaw ng grupong sumasalubong sa'min.                   N-Nice... Tumatakbo siya dala ang magarang kasuotan. A power red rose dress robe-like na may matching red doll shoes na makintab. Meron din siyang korona ngayon. She deserve the title. She looks elegant and very beautiful.                   *lunok*                   Hinawakan niya ang kamay ko nang makalapit siya sa'kin. Bahagya pa siyang huminga bago ako nginitian. "Maligayang pagdating! Wife of Kaiser, the wife of God! Welcome sa aking munting palasyo!"   Back then, I called him... repeatedly.                   "K-Kaiser?” “K-Kaiser?" "K-Kaiser?"I uttered.                   There was no saving me. Tumungo ako at nilublob ang sarili sa sariling mga braso, feeling scared and sad at the same time. This place...                   "Apo, alam mo ba na minsan makikita mo ang ilaw ng mga bituin diyan sa templo?" Sabi ni lolo sa isang ala-ala ko habang nakatingin kami sa isla kung saan nga nandu'n ang templo.                   "Talaga?!" Tuwang-tuwa kong tugon. Kasi bata pa ako. Mga ten years old siguro. I don't know. Masyado akong bata pero medyo may muwang na.                   "Hmm! Sabi nila may kagitingan raw ang lalaking nakatira diyan, at kung sino man ang makakita sa kaniya, matutupad ang hiling nito."                   "Talaga? Pero bakit walang napunta?"                   "Kasi hindi na sila nakabalik."                   Nawala ako nu'n sa pagmumuni nang nagsalita ulit ang nasa kabilang rehas. "W-wala?"                   Umiling ako ng malungkot. Biglang bumagsak ang balikat ng lalaki. Binata siya at may kasama siyang babae na nakahiga sa kaniyang lap.                   "Sino siya?" Tanong ko at tinutukoy ko ang babae na kasama niya.                   "Kapatid ko."                   Kapatid...                   "Mag-iisang taon na ata nang napadpad kami sa isla. Bata pa kami n'un..."                   "Tapos?"                   "Pumasok kami sa templo. Una, maganda ang greetings sa'min... Ang treatment... Kaya hindi muna kami umalis. Hanggang, may nagkagustong Lord sa kapatid ko. Sinuyo siya nang sinuyo..." Napahinto siya.                   Anong nangyari?                   "Hindi alam ng Lord na 'yun na... May nagsabi na pa la’ng ibang Lord na asawa niya ang kapatid ko... Ng walang paalam... Kaya nagkaroon ng paglilitis at... Heto kami? Hindi kami nailigtas ng Lord na 'yun. Dahil siya rin ay guilty. 'Yung asawa niya naman, hindi namin nakilala." This is weird! This place is weird! They can marry a girl with words and without consent? Seriously!? "Ano nga pala ang pangalan mo?"                   "Lienel."                   "Tao ka?"                   "Siyempre naman." Natawa ako.                   "Bakit ka natawa? Konti lang tayo dito."                   "Hindi ako tumawa dahil natatawa ako..."                   Bigla kaming tumahimik nu'n. At eto si Nice, ang daming sinasabi pero wala akong naririnig ni isa. The world is spinning. Bakit gan'on? Ah... Baka wala lang akong kain—                   "Lienel! Lienel!" Sigaw ni Nice.                   Nagising ako sa sobrang lambot na kama at nag-unat pa habang nakahiga. Pagdilat ko… "Good morning sleepy head. Time for you lessons." Dilat kong mata na tumugon kay Jealousy.                   "J-Jealousy!"                   "You will be serving me in this palace. As a seventh ranked slave!"                   *tugsh*                   Binuhusan ako ng tubig at napabangon tuloy ako bigla sa kama.                   "Lousy!" Nice.                   "I am empress Jealousy 'Lousy' of Empire Ol' De' Mayon. I deserve to choose my slave in this trip, Empress Nice."                   "S-stop it. I owned her now. I have the right to where and when she should be designated according to my will," sabi niya kay Lousy bago lingunin ang mga servant na nakahilera sa likuran niya. "Please, guide the empress carefully in her room."                   "Kahit na bayad mo siya Empress Nice... I will see to it... Na itong seventh ranked servant, na gawin ang trabaho niya. Else, you will answer me to the court." Last word niya bago lisanin ang mata ko. Napahinto pa siya kay Nice at tiningnan ito ng masama. Hindi siya nilingon ni Nice na halata ang tapang-tapangan sa mukha. Umalis na ito pagkatapos magbigay ng death glare.                   Nice scene. Pagkatapos mailagay sa kulungan, nabuhusan pa ng tubig. Natatawa ako, seriously? For real? Sinampal ko pa ang sarili ko. Masakit. I'm not dreaming. Napatingin ako kay Nice at halos mamutla siya sa naging usapan nila. I guess, she's weak-hearted. Mabait ba...                   "I will be always grateful to you, Empress Nice..." Nawala 'yung takot sa mata niya nang sinimulan kong maglakad pababa. "Wala akong hiningi sa'yo pero... Kung ano mang intention mo sa pagtulong sa'kin... Gagawin ko ang lahat, makabawi lang sa'yo. Cheer up Empress Nice... Empress ka rin." Humawak ako sa mga braso niya. "Hindi ka dapat matakot," sabi ko pagkalapit. Hindi ko kasi alam kung paano rumespeto dito e? Ito lang ang ginagawa sa mga taong natatakot.                   "T-thank you..."                   "No, I thank you."                   Napangiti siya at tiningnan ang kabuuan ko.                   "But first, you have to change your clothes." Napatawa siya. "You're wet."                   "Huh? Hindi ah! Hindi ako wet! Wala ngang lalaki dito," sabi ko na may ibang ibig-sabihin. "Wala ngang macho paano ako mababasa," biro ko pa.                   "H-hoy! Watch your mouth! She's the Empress!" Sabi ng isang alagad.                   "It's okay Kale,” aniya at pigil na tumawa. “It’s funny," natatawang sabi ni Nice pero with manners pa rin na mahina o mahinhin lang. "Pero si Kaiser, gwapo 'yun."                   Napaisip ako. Natural naman ang gwapo niya. Pero, "may tanong ako."                   "Ano 'yun?"                   "Bakit minsan Kaiser lang ang tawag niyo sa kaniya? He's the God of this temple 'di ba?"                   "Humble kasi siya... Ayaw niyang tinatawag siyang Diyos."                   Char, pero nu'ng nagpakilala siya sa'kin, inamin niya sa'kin na Diyos siya. Binatukan ko ang sarili kong noo sa isip ko. Tingnan mo pinaggagawa mo sa Diyos! Inasar mong baho! Naalala ko pa tuloy na inamoy niya ang sariling kili-kili. Tapos, tinulak mo paalis sa kama, naumpog! Ta's binasted mo pa! Tch, tch, tch! Kasalanan ko rin kung bakit e. E sa hindi niya naman sinabi eh… Sinabi niya pala pero wala kasing pruweba eh... Meron pala! Pero bakit wala ka naman ngayon?                   "Ah... P-puwede ko bang m-malaman kung p-paano ako makakaalis—" No! No! No, wrong question. I have to ask something that could also benefit her, as a thank for saving me. Also, para hindi siya manghinayang sa pagligtas niya sa'kin on whatever reason she is planning.  "makakaalis sa status ko..." Buti na lang, hindi ko sinabing makaalis dito sa templo. Wala akong nasabi! Buti na lang mabilis akong nakapag-isip.                   "You mean para makaraos ka sa slave status mo?"                   "Uhm," tumango ako. "Sinabi mo kanina, na binili mo'ko. Does that mean na, puwede na akong makalaya? Basta mabayaran lang ang nakapatong sa ulo ko?"                   "No, you can't pay for your lift. Pero, kung sasabihin mismo ni Envy na wala at tinanggal niya na ang slave status mo, saka ka lang makakawala. Hindi ko rin maitataas ang ranggo mo gamit ang kapangyarihan ng salita ko, dahil magkasingtaas lang kami ni Envy kung ibabatay mo sa level of status. We can't manipulate words of the same level. Only of those lower level."                   Very detailed. Napa buntong-hininga ako sa laki ng problema ko.                   "So you mean, only Kaiser can lift me from slavery?"                   "Yes, you're right at one fact. Kaiser can lift you, but there are others out there that can lift you from slavery."                   "Sino?"                   "The Three Kings of Kingdom."                   "So you mean... Mas mataas pa sila sa'yo? Empress ka? E 'yung Lord? Hindi puwede? I heard Tony—"                   "No, hindi puwede si Tony. We, the Empress are of same level status to Lords na ranggo rin ni Tony... There is another way of lifting you. But, hindi ito puwede sa'yo."                   "Huh? Ano 'yun? Please?" Atat na tanong ko na nagpangiti lang sa kaniya.                   "I'll answer you kung magpapalit ka muna," sabi niya at ngumiti pa. "We'll have some tea sa garden Kale. Paki prepare." Sabay lumingon siya sa'kin. "Dadalhin ka ng isa sa mga servant ko sa iyong silid. Stay and take your time as much as you want. I will wait for you."                   Tumango na lang ako. "This way po," sabi ng isang katulong na nakatingin sa'kin. Sumunod naman ako at nilagpasan na si Nice.                   Magmamadali ako. I can't wait. I will fight for my freedom!                   "Dito na ang kuwarto mo." Napahinto ang lakad namin ng mga servant. Yes, I'm one of them. Kaya nga nakahelera rin ako sa lakad nila kanina.                   "Huwag k-ka pong he-helera sa amin—" sabi ng leader ata ng mga katulong. Nakita niya kasi ako sa line nila nang matapos na ang aming lakad. Akala niya siguro nakasunod lang ako sa kaniya.                   "I am a servant too. Please drop the courtesy."                   "Na-orient po kami, to take care of your being. Y-you don't deserve to be in that lane—"                   "Bring me the rightful room for 7th rank slave—" 'di pa siya natapos sumabat na ako.                   "P-pero—!"                   "Please... If Lousy heard of this, mailalagay ko si Nice sa mahirap na posisyon. Please treat me the way I deserve."                   I'm starting to regret why. Kung bakit kita tinanggihan. But at the same time, hindi niya ito pagkakamali. Simula't sapul, ako ang pumunta dito... Knowing na hindi na ako maaring makabalik... No, na hindi ako makakabalik. Maybe, I want this kind of torment. To forget some hurtful moments of my life. Naglakad na kami at nililingon ako ng punong katulong kanina pa. Lalo na nang bumaba kami sa parang dungeon na torch lang ang ilaw namin at pababa na ng hagdan ang kUwarto.                   "I-if y-you say, seventh rank slave... D-dito lang puwede... Sa kulungan."                   Napahinto kami sa isang kulungan pagkatapos niya ilagay ang torch sa kabilang side ng pader. Napasigaw pa siya nang may dumaang ipis sa bandang paanan namin. Nagtatatalon pa siya. "P-please! We can't stay here!"                   "You can leave now."                   Nagulat siya sa tila pautos kong sabi.                   "P-pero! Magagalit si Nice--!"                   "Keep this a secret from her."                   "I I— c-can't... Her command is absolute in the palace."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD