bc

Temptation Temple

book_age0+
111
FOLLOW
1K
READ
Girl Power Counterattack
like
intro-logo
Blurb

LIENEL ang pangalan ng babaeng pumunta sa templo. Sa kabiguan dulot ng pagkawala ng asawa't mga anak, tinungo niya ang hinihinalang templo para mag-isip kung gusto niya bang mamatay.

KAISER, ang lalaki sa templo. Siya ang lalaking nag-aabang sa kaniya na napupuno ng misteryo at kagitingan.

Ano bang meron sa templo? Bakit ba ginusto ni Lienel pumunta dito. Anong ginagawa ni Kaiser sa templo? At ano SIYA.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Lienel Teodora's Point of View                   Merong templo dito sa isla namin, sa gitna ng dagat. Simula pagkabata ko, may mga kuwento nang kumakalat tungkol sa templo.                  Una, 'pag pumasok ka raw diyan may makikita kang lalaki. Lalaki na sobrang gwapo raw behind your imagination. Ibibigay niya raw ang pinakahihiling mo sa buhay. Alam niya kung ano ang pinakagusto mo sa buhay. Nawalan ako ng asawa't mga anak. Natural, gusto kong ibalik niya ang pamilya ko. Kaya, naaalala ko ang kuwentong ito dito sa probinsiya namin. Susubukan ko nga, kung totoo ba.                 Pangalawa, hindi ka na raw  makakalabas sa templo. Wala raw pumunta roon na nakabalik pa. Maraming nagsabi, ginusto nila ang hindi pagbalik dahil nasunod raw nito ang gusto nila. Marami ring nagsabi na tinangay daw sila ng malakas na alon nang sinubukan nilang lumabas. Kaya okay lang. Gusto ko rin naman lang mamatay. Kahit ano sa dalawa... will benefit me. Hindi ko kayang patayin ang sarili ko kaya...                  Sana ng bagyong ‘yun sinama Niya na ako sa asawa't anak ko... Anong ginawa Niya?... Tinira Niya pa ako?                 Biglang nag-ring ang cellphone ko. May signal pa pala sa gitna ng dagat. Tinapon ko na lang ang cellphone ko sa dagat. Kuya ko ayung tumawag.                 Malapit na ako sa templo. May anyong taong anino na nag-aabang sa pangpang ng templo. Parang nakapamulsa siya. Pinilit kong ngumiti. Sige nga, anong pinakahiling ko.                 Paglapit ng bangka ko sa pangpang, naaninag ko na ang inaakala kong lalaki sa templo. Matangkad siya at ang mukha niya habang sinusulong ang dagat palapit...                 Hindi siya tagarito. Mataas ang ilong at may kurba ang labi niya. Ang mata niya e, malungkot pero nakangiti siya. Nang hawakan niya ang bangka ko para itulak, nakita ko kung gaano siya kalakas. Oh, nakapikit pala ang isang mata niya. Pagdating namin sa pangpang, tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko na nasa bag sa likod ko.                 Inabot niya ang kamay niya para alalayan ako pababa at tinanggap ko naman ito. Hindi ko siya nginitian sa kabila ng pag-welcome niya sa akin. May nakakatakot sa kaniya...                 Moreno siya pero parang maputi siya dati. Nahahawakan ko siya so, hindi siya kuwento lang. Pero dapat matanda na siya kasi bata pa ako ng narinig ko ang kuwento. Pero kalabaliktaran. Mukhang nasa middle age lang naman siya. For short... kaedaran ko lang.                 Napapikit ako sa isang malakas na hangin na may dalang buhangin ng dagat. Pagdilat ko, nasa loob na ako ng templo. Nagulat ako kaya napabitaw ako sa kaniya at natumba.                 "Alam ko ang gusto mo," aniya.                 Ang gusto ko? Nawalan ako ng pamilya. Ang pinaghirapan ko sa buhay. Ang lahat-lahat sa'kin nawala.                 "Puwede tayong gumawa ng bago," aniya.                 Bago? Anong ibig niyang sabihin?                 "Masaya ako dahil may bago akong kasama."                 "Salamat sa pag-alay ng buhay mo sa'kin."                 T-tama...                 Alam ko ang mangyayari sa'kin nu'ng simulan kong mamangka papunta dito. Buo ang loob ko. Tumayo ako at napatingin sa ngiti niya.                 "B-bakit p-papatayin mo'ko?" Utal ko.                 "Pero patay ka na," aniya.                 "H-huh?" Gulat ko.                 "Wala nang nakakalabas dito ng buhay. Kasi, mas gugustuhin nilang manatili kaysa umalis."                 "Bakit ko naman gugustuhing mag-stay?"                 "Kasi ang tanging hiling mo... ay ako."                 "I-ikaw?!"                  Napatawa ako sa sinabi niya. Gusto kong masuka pero...                 'Pag titingnan mo siya...                 Siya...                 Siya...                 May itsura siya.                 "Mamahalin mo rin ako."                 Napatingin ako sa puti niyang t-shirt na nililipad ng hangin. Nakatayo rin ako at nakatingin sa kaniya sideway. May budha sa harapan ko at may insence na nasusunog.                 Hindi masama para sa kuwento n'ung bata pa ako. Isa kang legend. Pero parang mas malungkot ka pa sa akin. Nagkatinginan kami mata sa mata. Isa pa lang ng mata niya ang nakatingin sa akin. Pero maganda na siya tingnan.                 "Bakit hindi mo idilat ang isa mong mata?"                 "Wala lang."                 "Anong wala lang, puwede ba ‘yun?"                 "Ipapakita ko sayo sa tamang panahon," aniya at tinalikuran ako.                 "O-ooh."                  "Magpakasal muna tayo," aniya at hinarap ako at dahan-dahan na lumuhod.                 May tinaas siyang hawak na bilugang bulaklak na nilalagay sa ulo, sabay yuko.                 "Kalokohan. Hindi pa natutupad ang hiling ko. Aalis na'ko."                 Isang katarantaduhan.                 "Ang makalimot. Iyan ang natatangi mong hiling," aniya na nagpahinto sa akin palabas sa templo.                 Makalimot.                 "Kaya gusto mong mamatay... Kasi hindi dahil sa gusto mong mamatay... Pero dahil sa gusto mong makalimot."                 Lumingon ako sa kaniya agad. Nakatayo na siya.                 "Mali ka, hindi ko gustong makalimot. Marami kaming masasayang ala-ala. Kaya ganito kasakit. Sobrang sakit na gusto kong mamatay."                 Pinunasan ko agad ang tumakas na luha sa mata ko. Habang lumalakad siya palapit sa akin.                 "Kaya nga kakalimutan mo... Hindi ang ala-ala." Ewan ko pero napayuko ako nang ilalagay niya na ang bulaklak sa ulo ko. "Kundi..." Napatingin ako sa mata niya. "Ang sakit." Naluha ako lalo. Alam niya. "Kaya hayaan mong yakapin kita."                  Niyakap niya ako. Umiiyak ako sa likod ng balikat niya. Hindi ako makapaniwala. Isang araw gusto kong mawala na sa mundo. Pero ngayon, dahil lang sa sinabi niya...                 Siya ang hiling ko? Paano? Anong gagawin niya? Inaantok ako. Sa pagod siguro.                 "Ako si Kaiser, ang Diyos ng templo. Maligayang pagdating."                 "Diyos..."                 Nagising na lang ako sa isang old japanese style na kuwarto. Parang ang weird. May ganito bang lugar dito.                 I passed out?                 Tumayo ako at nalaglag ang kumot na nakatalukbong sa'kin. Agad akong napatingin sa katawan ko. Baka nahubaran na ako. To my disappointment, wala. Walang nangyari. Bakit? Do I expect na may gawin sa'kin si K-kaiser? D-Diyos daw siya ng templo. Diyos ng alin? Diyos nga raw ng templo my God!                  Now, anong gagawin ko? Tumayo ako at parang ang sama ng pakiramdam ko. Nahihilo ako at nananamlay. Bakit ganito ang pakiramdam ko?                  "Gising ka na?" Boses sa labas na kinagulat ko. My God! Ang laki kasi ng boses. Umuugong. Baho ka? Baho?                  Nagmadali akong bumalik sa pagkakahiga na sakto lang na narinig kong bumukas ang sliding wooden door ng japanese style na room na'to.                  Napapikit naman ako nang naramdaman kong nakalapit na siya at nakatayo banda sa harapan ko. Now, I regret kung bakit hindi ko sinama ang ulo ko sa pagkatalukbong ng kumot! Ya! 'Wag kang lalapit. Halimaw ka! Napapikit talaga ako ng sobra.                 Naramdaman kong umupo siya sa harapan ko at parang may narinig akong nilapag niya na kung anong tumunog na kahoy sa sahig na kahoy rin.                 "Asawa, gising na. Hindi pa kita kilala," magiliw na banggit niya.                                 Na-imagine ko pa siyang ngumiti. Gosh! Bakit ka pala nakangiti.                 "Nakalimutan mo na ba sila?"                  H-hindi pa! Huh? Baliw ba siya? Sinong makakalimot? Chupi! Chupi! Alis! Uuwi na'ko. Isa kang fraud! Manloloko. Wala kang kuwenta! Hindi natupad ang hiling ko!                  Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ako kinakabahan?                 "Mukha kang masarap," sabi niya lang na lalo kong kinakaba. Hindi ko alam kung bakit biglang dumidilim ang kaunting aninag na nakikita ng mata ko sa kabila ng sobrang pagpikit ko dahil sa mga sinasabi niya. Sabay parang may kumalabit na basa sa itaaas na loob na parte ng tenga ko.                 B-bakit ang lagkit at parang basa ang tenga ko? Nawawala ang anino… anino... nino... Hindi naman tama ang hinala ko pero, feeling ko... dinilaan niya ako. Napaupo ako sa gulat. At hinawakan ang tenga ko.                 "M-manyakis ka!"                  Tumayo pa'ko.                 "Good morning, asawa ko," sabay ngiti niya ulit na pikit pa ang mata.                  "A-asawa?! Anong p-pinagsasabi mo!?"                  Baliw ba siya?                 "Hindi ba, yumuko ka sa proposal ko? E 'di kasal na tayo. Saksi ang budha sa kasal na'tin, asawa ko," nakangiti niya pang sabi.                 "H-hoy Baho!" Dinuro ko pa siya. "'Wag kang gan'yan... w-walang ganiyan... 'wag kang manamantala ng kahinaan ng babae! Wala akong naalalang may pinakasalan akong baho! Kaya alis diyan! Uuwi na'ko! Alis! Ang baho-baho mo."                  "H-huh?" Sabay inamoy niya ang sariling kili-kili pagtaas ng braso niya. Sinamantala ko na rin ‘yun para lumabas ng kuwarto. "Wala namang amoy--" pero nagulat ako nang sinimulan kong maglakad, nanghina ang tuhod ko at halos mahimatay akong nahilo. Nakaramdam naman ako ng may sumalo sa'kin. Bakit ang hina-hina ko?                 "Asawa ko, saan ka naman pupunta sa lagay mo na’yan?"                 Hinarap niya ako paharap sa kaniya at kinarga ng parang asawa niya nga ako.                 "B-bakit ang hina ko?"                 Wala na rin akong lakas pa.                 "Magdamag kang umiyak sa templo. Nilalagnat ka siguro. E-ito gamot o. Ano ba gusto mong kainin? Meron akong sopas dito."                 Napangisi ako. Mabait naman pala ito. Pero bakit niya 'ko dinilaan kanina? Para sa'n 'yun? May balak ba siyang kainin ako, 'pag tumaba-taba na ako?                 "W-wala kang balak k-kainin ako no? H-hindi ka lamang l-lupa o engkanto? D-Diyos k-ka kuno sabi mo... P-paano ka n-naging D-Diyos? I-isa lang ang kilala kong Diyos," Sabi ko pa.                 "Huwag mo akong katakutan. Hindi kita kakainin,” sabi niya at tumawa.  “Hindi ayung literal..." Sabi pa niya na may parang malalim na ibig-sabihin.                 "M-meaning?"                 "Honeymoon natin. Excited na kaya ako. Kaya magpagaling ka, asawa ko."                 Ayan nanaman siya, Diyos ko po. Patawarin ka ng totoong Diyos. Tigilan mo ako ng pick up lines na ‘yan. Laos na ‘yan. Hiniga niya na ako ulit sa kama at talagang wala na akong lakas pa para bulyawan siya.                  Parang hindi ko namang naramdaman na umiyak ako buong magdamag para himatayin pa ako? Bad trip. Hindi ko ata napansin ang oras.                 "'W-wag mo'kong d-didilaan ulit ah! B-baho ka!" Sabi ko na lang sa kaniya na nagpakamot lang sa kaniya.                 "E? P-pero asawa mo 'ko--"                   Hindi ko siya pinatapos sumabat na'ko.                 "Divorce na tayo."                 Naiwan ko siyang nakanganga bago ako pumikit. I need silence... Please.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Last (Tagalog)

read
487.0K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
321.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
326.4K
bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

My Stranger Husband

read
7.3M
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
404.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook