Chapter Two
Lienel Teodora’s Point of View
Paggising ko, napabangon ako at ulit nahulog ang kumot ko sa pagbangon ko sa kama. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi niya. Asawa ko. Asawa ko. Asawa ko. Asawa ko. Asawa ko. T-teka?! Baliw ba siya? Dahil lang sa pagyuko ko, nakasal na kami? Baliw...
Wala na ang masamang pakiramdam ko. I'm back. At walang mangyayari sa'kin dito kung uupo lang ako buong magdamag.
Tumayo ako para tingnan ang paligid. Kandila lang ang ilaw ng kuwarto. Walang masyadong design. Pero may bulaklak sa side table ng kamang tinulugan ko. May picture frame din ni Budha na marami siyang kamay sa likod.
Naglakad ako papunta sa pinto para lumabas. Medyo marumi ang hallway ng mga kuwarto at parang haunted kasi, may mga vase na puwedeng magkasya ang isang tao. D-don't tell me, diyan siya nag-iimbak ng mga pagkain niya? A-at ako ang susunod? Grr. Nakakatayo ng balahibo. Napayakap ako sa sarili ko.