2.1

568 Words
2.1   *dug*                   Napasigaw ako ng biglang nagsara ang pinto ng kuwartong pinanggalingan ko.                   "A-ano ba ayan... K-Kaiser... H-hindi n-na ako tatakas. P-promise."                   "Awooooooooo!"                   Napatalon nanaman ako. Ya! Napalakad ako pabalik sa kuwarto ko na nagmamadali. Para ngang napatakbo na ako eh. Bakit kasi walang ilaw dito. W-walang ilaw? Sinara ko ang pinto at sumandal pa ako dito. T-teka... H-hindi ito ang kuwarto ko. Wala ang bulaklak sa side table. Wala ring kumot ang kama. Hindi rin mukha ng tigre ang nakasabit sa dingding dito. H-hindi rin p-pula ang i-ilaw ng kandila. W-wala ring scarecrow d-du'n na may strawhat pa. Napalunok ako ng laway. Mas lalo akong kinabahan ng nilipad ng hangin ang pulang bintana. May naaninag pa akong babae sa labas ng pangpang. Nililipad ang buhok niya sa ilalim ng ilaw ng buwan. M-may ibang b-babae d-dito? Kaso nakaputi siya’ng dress eh. Napakisap ako at pagdilat ko wala ng hangin at natatakpan na ang labas ng pulang kurtina. Du'n naman mas lumakas ang t***k ng puso ko. Ayung parang gusto nang lumabas sa dibdib. W-woah! Diyos ko na makapangyarihan sa l-lahat. P-patawaarin--! Napasigaw talaga ako sa isip ko! M-may ulong b-bumabakat papasok sa b-bintana! Kumukorte siya sa k-kurtina! Napasigaw ako at ang lalaking hindi ko inakalang tatawagin ko ang tinawag ko.                   "K-Kaiser!"                   May nagtakip ng bibig ko at pagpikit ko sandali sa takot, nagulat ako pagdilat ko nasa tamang kuwarto na ako... Sa kwartong hinigaan ko. Malakas pa rin ang t***k ng puso ko sa dibdib ko, nang unti-unting tinanggal ng magaspang na kamay ang pagkakahawak niya sa bibig ko. Hindi ko alam na naghahabol na ako ng hininga.                   "Okay ka lang, asawa ko?" Sabi ng boses na kilala ko at may humawak sa'kin sa magkabilaang braso ko.                   "K-Kaiser..." Pagtingin ko sa kaniya puno ang mata niya ng pag-aalala.                   "Ano ba kasing ginagawa mo du'n?" Tanong niya.                   *hick* *hick* *hick*                   Sininok ako sa takot kaya hindi ako nakapagsalita. Napapunas na lang ako ng luhang tumakas nang pabigla.                   "A-ayoko na dito... G-gusto ko na umuwi," pagmamakaawa ko.                   Natakot talaga ako. May kakaiba talaga sa lugar na 'to. At may mas nakakatakot talaga sa kaniya.                   "Sabi ng hindi ka puwede umuwi. Nakatadhana ka dito."                   *hik*                   "Huh?" Mukhang tangang tanong ko sa kaniya.                   "Ikaw ang bagong asawa ko, ng Diyos ng templo. M-mukhang may hindi pa kumikilala sa'yo. Ipapakilala kita."                   "Pakikilala?"                   Isang tanong na bumagabag sa'kin.                   "Uhm." Tango niya. "Babalik tayo sa kuwartong ‘yun."                   Babalik tayo sa kuwartong ‘yun. Babalik tayo sa kuwartong ‘yun. Babalik tayo sa kuwartong ‘yun. Babalik tayo sa kuwartong ‘yun. Papatayin niya ba ako sa sindak! Hindi ako si Barbara! Hindi ako immune sa gan’yan!                   "A-ayo’ko! A-ayo’ko! Uuwi na 'ko. Bitawan mo 'ko."                   Natulak ko siya at napasandal ako sa pader.                   "Hindi ka naman kasi dapat pumapasok sa kuwarto ng may kuwarto e," pakamot niya pa sa ulo na parang naguguluhan kung ano bang sasabihin o ano bang ibig niyang sabihin.                   E sa hindi ko naman sinasadya?                   Tumalikod na lang siya at naglakad papunta sa pinto at binuksan ito. Lumabas siya at bahagya pang sumilip sa'kin, bago niya tuluyang isara ang pinto.                   "Matulog ka na muna," sabi niya na maugong ulit.                   Saka ko lang napansin na nanginginig na pala ang tuhod ko. Sa pagod ko, napa-upo ako agad sa sahig. Naubos ang lakas ko. Napasandal ako sa pader at napapikit. Grabe ang pawis ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD