Chapter Three
Masarap ang tunog ng mga ibon na nagkakantahan sa isang puno sa labas ng bintana. Gising nanaman ako. Pag-upo ko, nag-unat ako ng kamay.
"Gusto kong mamatay..."
Pero natakot ako kagabi sa nangyari. Kung sakaling papatayin ako ng multong 'yun, bakit ako natakot?
"Zzz..." Napalingon ako sa pinaggalingan ng hilik. Wow, nakahiga siya sa kama. Sa kama, kung saan talaga ako natulog. For short, magkatabi kami! Magkatabi kami!
*sipa*
*toogsh*
Sinipa ko siya pababa at rinig ko ang ulo niya na tumunog kaya napatakip ako ng bibig. "O my God."
Umupo siya dahan-dahan habang hawak ang ulo niyang nasaktan.
"S-sorry!"
"G-good morning asawa ko. Ganda ng gising mo a. Sweet," sabi niya ng nakangiti.
"Ha-ha-ha. Masakit ba?"
Nasasaktan siya? Tao siya. Namumula nga 'yung noo niya o! Nasasaktan siya!
"Isang halik lang, wala na 'to," sabi niya at ngumuso na para sa halik.
"Excuse me, wala sa nguso ang sakit," binato ko ng unan 'yung nguso niya at agad naman siyang napakunot nang tanggalin ito.
Tumayo ako at hindi ko inaasahang...
*truuoooooooot*
Tumunog ang tiyan ko.
"Gutom ka na?"
Crap! Nakakahiya ka, Lienel! "M-mukhang okay ka naman... K-kakain muna ako bago umalis," sabi ko.
"Aalis ka? Iiwan mo'ko?" Sabi niya at ramdam ko ang pagtayo niya sa gulat. Napatingin naman ako sa expression niya. Malungkot ang isa niyang mata at seryoso ang gwapo niyang mukha. Sobrang nagdikit ang mga labi niya. Umiwas lang ako ng tingin nang tumingin siya sa'kin. God, anong meron sa'kin na bigla ata akong nahiya sa tingin niya. Crap!
"Tara, kain na tayo," sabi niya na lang at nagsimula nang maglakad.
"O-oh... susunod ba'ko?" Tanong ko na hindi niya sinagot. Pero sinundan ko pa rin siya. Naglakad kami sa dinaanan ko kagabi. Kaya, napahawak ako sa laylayan ng damit niya. Napatingin naman siya sa 'kin. Hindi pala sa 'kin, sa kamay ko. Tinanggal ko naman ito dahan-dahan. Awkward.
"Please... feel free to do so," sabi niya.
Kinabahan ako sa paghawak niya sa kamay ko na nilagay niya ang pagkakahawak sa braso niya. Nakaabresiyete na tuloy kami.
"Humawak ka ng walang alinlangan. Hindi kita pababayaan."
*lunok*
Kapag sinabi mo 'yan ng gan'yan... Wala akong magagawa kundi... Tanggapin 'yan. Napayuko ako at pinaranas ko sa braso niya ang takot ko. Na parang tatapak pa lang kami sa tapat ng kuwartong 'yun, nanginginig na ako. Please, paki-usap... Napapikit ako.
*yakap*
Biglang yumakap siya sa likod ko.
"Lumakad ka na. Dito lang ako," bulong niya sa likod ng tenga ko.
Tinayuan ako ng balahibo pero, hindi ko na naisip pa ang takot ko. Parang nararamdaman kong...
"Safe ka dito..." Safe ako dito, sabay na sabi niya at nang sabi sa isip ko.
Naglakad na ako paabante. Kahit hirap sa sitwasyon ng lakad namin, alam kong nakasunod siya sa'kin. Nakayakap siya sa'kin e. Hindi niya ako iiwan. Ililigtas niya ako. ‘Yan ang gustong ipahiwatig ng mga yakap na'to.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang yakap nang marating namin ang hagdan. Meron pa palang taas. Pang ilang palapag 'to? Naalala ko ang ginawa niya sa'kin, bago bumaba sa bangka.
"Tara na," bumaba siya una para imbitahin ang kamay ko.
"B-bakit kailangan pa kasi maglakad tayo doon. Kaya mo naman akong dalhin agad sa patutunguhan natin... instantly," sabi ko nang makabawi ako.
"Kung hindi ko gagawin 'yan. Hindi kita mayayakap. Pikit mo ang mata mo."
"B-bakit?"
"Gusto mo makapunta instantly 'di ba?"
Pumikit ako sandali, pero dumilat ako ulit agad ng nakaramdam ako ng matinding ihip ng hangin sa paligid. Hindi ko rin inaasahang makita ang mata niyang nakapikit na dumilat.
"Y-yung mata mo. H-hindi!"
Napaupo ako at hindi ko inaasahan ang magiging reaksyon ko. Marami na biglang tao. Tumingin ako sa paligid. Paglinga ko, may mga babae na naka uniporme na nakaupo sa isa sa mga table ng parang cafeteria. Akala mo mga sailor moon. Pero mga magaganda.
"Master!" Sigaw ng mga babae na nakatingin kay Kaiser.
Hindi ko inaasahan na makakakita ako ng cafeteria na puno ng tao. Templo ba'to? May lalaki ring tumakbo sa'min na may dalang tray.
"Kaiser! O-- wow! Ang ganda ng asawa mo! Siya ba ang asawa mo? Hello! I'm Tony, short for Gluttony. Nice to meet you."
"Sinabi mo na ngang asawa ko. Nagtanong ka pa?!" Pabarang na tugon ni Kaiser at naglakad na paalis.
Ang mata niya... Walang laman.
"Kuawaaaaaa! Master! Isang tingin lang please!"
*tilian sa cafeteria*
"Master Kaiser! Bisitahin mo naman ang kuwarto ko aaaaaah!"
"Master! Isang sulyap lang!"
"Ang guwapu-guwapo mo!"
"Gwapo ni Kaiser no?" Tanong nitong si Tony.
Nag-alok si Tony ng kamay at inabot ko naman ito para makatayo.
Hindi ko siya sinagot at pinagtulak niya ako ng upuan sa isang lamesa na napupuno ng pagkain. Dalawa lang ang upuan at sobrang enggrande ng table setting.
"Sit down please. Ayo’kong may ireklamo si Kaiser kaya... Eto. Ano pa la’ng pangalan ng asawa ni Kaiser?"
"L-Lienel... At hindi ako ang asawa ni Kaiser," sabi ko na kinahinto ng lahat. Nawala ang sigawan. Nawala ang tiliian. Nawala ang mga usapan. Wala na ring bulungan.
"H-huh?" Tony.
Bakit kayo nagulat lahat? Anong nakakagulat du'n?
Nawala rin bigla na parang bula si Kaiser.
"Did I heard her rejecting our God? OUR GOD?" Sabi ng isa sa sailor moon girls.
"Huy, 'wag kayong gan'yan. Maririnig ni Master. Alam niyo naman ang tenga nu'n," usapan pa rin ng mga sailor girls. Nakatingin ako sa kanila.
"Hindi pa rin kasi ako makapaniwala e. Kahit na sabihin nating maganda siya. He don't deserve this treatment. He's a God for God's sake."
"Hala, paano na 'yan... E 'di malulungkot si Master?"
"Malulungkot? Ano ka ba Nice, hindi 'yun malulungkot sa isang normal na tao. Look--"
Nagulat ako nang itinutok ng nagsalita ang hintuturo niya sa sa'kin.
"I-itigil mo 'yan Envy. M-masakit 'yan," pagpigil nitong Nice daw.
"Hoy, Envy!" Sigaw ni Tony
Bigla akong kinabahan sa sinabi nu'ng Nice. Anong gagawin nitong Envy sa'kin. Nagugulat ako at kinakabahan.
"Si Envy ako, kaya ko 'to gagawin."
"Let me help you," sabi pa ng isa pang katabi niya.
"Jealousy... P-pati rin ikaw?" Sabi ni Nice sa tumutok rin ng daliri sa mukha ko.
Don't tell me, may power sila. Cut the crap. I do believe na si Kaiser meron. Pero sila... You're kidding me. Bigla akong kinabahan. Ano 'yung masakit diyan sa turo?
"H-hoy… Girls! D-don't do this h-ha? A-asawa pa rin 'to ni Kaiser." Pagsabat ni Tony.
"Shoot," sabi ng Envy.
Parang nakakita ako ng pulang Laser na biglang lumagpas sa katawan ko na galing sa kanilang dalawa. Naramdaman kong tumalsik ako sa pader. Biglang sumakit ang magkabilaang balikat ko. May paso na nagpapikit sa'kin. Sakit din ng impact sa likod ko.
"Envy!" Sigaw ni Tony.
"Shut up Tony! Words are powerful here. She said it herself. She's not a God's wife. Then she's a slave! You don't deserve to sit on that stage, where only Gods and Goddesses can eat!"
"S-stop it." Nice.
"Mga alagad! Dakpin ang babaeng 'yan! At ilagay 'yan sa Slave's Chamber."
Napapikit ako sa sakit. Pati likod ko masakit. Lumipad pala ako sa pagtira ng dalawa. A-ang sakit... Sobrang sakit.
"O-okay ka lang?" N-naaalala ko siya. Si Nice ka 'di ba?
"No, h-hindi. Ba-bakit ganito sila?" Tanong ko sa kaniya.
"T-tawagin mo siya... Ang Diyos. Tawagin mo ang asawa mo! Bilisan mo," pagkumbinsi sa'kin ni Nice.
"H-hindi ko nga sabi siya asawa. B-bakit ba ang kulit niyo."
Napahinto si Nice at puno ng awa ang mga mata niya. Nginitian ko lang siya ng pilit. "Maraming salamat."
Gusto kong gumanti... Pero wala akong magawa... s**t! Kung normal 'to pinagsusuntok ko na sila. Bad trip. Napatiim naman siya ng bibig at naluha. "M-mahirap maging s-slave sa templo. Y-you can't... hindi mo kakayanin."
Mamamatay ba'ko? I am fearless. Sige, let them kill me. Sinamaan ko ng tingin 'yung Envy at nilipat ko naman kay Jealousy. Hindi ko makakalimutan ang mga pangalan niyo.
"Dakpin siya! Ako na ang nagsasabi! Isa na siyang aliping namamahay, sa ranggong pampito. She will serve the slave of the 6th rank."
"T-that's too low! I refuse! I dare request for petition! W-who's with me?" Sabi ni Nice at tumayo para harangin ang mga parang alagad na nakasunod kay Envy at Jealousy na dapat kukunin na ako.
Tumaas ng kamay si Tony pero napalinga ako sa iba. Walang tumaas ng kamay maliban kay Tony at Nice.
"Listen! Pagbalik ni Kaiser! Hahanapin niya si Lienel! Ang dineklara niyang asawa! Isa ako sa testigo na sinabi niyang asawa niya na ang babaeng ito! Wala tayong magagawa kundi sundin ang utos ng Diyos natin 'di ba?" Sabi ni Tony sabay turo sa'kin.
Ano ba? Mag-uusap lang ba kayo diyan. I-I'm dying! M-marami ng dugo ang nawawala-- nagulat ako dahil nawawala ang sakit. At nakatapat ang kamay ni Nice sa dalawang sugat ko.
"I'm healing you." Kinindatan ako ni Nice.
"Pero Lord Tony, hindi ba sinabi niya mismo na hindi siya ang asawa ni God Kaiser. Alam mong makapangyarihan ang salita dito. Sinabi niya na 'hindi siya asawa ni God Kaiser na nasa pinakamataas siyang posisyon. Maraming nakarinig na nawalan siya ng kapangyarihang binigay sa kaniya, dahil sa sinabi niya. Isa itong disposisyon. Tinanggal niya ang sarili niya sa posisyon. And it is valid. Hindi na ito mababago ng isang petition. She lost her title and position," sabi ng isang tumayong nakasalamin. Napangisi si Jealousy at napangiti naman si Envy.