Even if it hurts, he still the one. The only person I want to spent till my life end...
- Nicolaine Irish Perez
NAKANGITING sumakay si Nicolaine sa kaniyang sa sasakyan dahil pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan to celebrate her 26th birthday. Elementary pa lang ay magka klase na sila at naging matalik na magkaibigan hanggang ngayon na pareho na silang may sariling trabaho.
Siya na ang namahala sa kompanya ng kaniyang mga magulang at si Nicolette naman na kaniyang bestfriend ay isang magaling na Veterenarian.
Inihinto niya sa harapan ng gate ang kaniyang sasakyan bago bumaba para pindotin ang doorbell na kaagad naman iyong bumukas.
"Ma'am Nicolaine kayo po pala." Nakangiting sabi sa kaniya ni manong guard. Palagi siyang bumibisita sa bahay ng kaniyang kaibigan kung kaya ay kilala na siya ng guard at kahit mga kasambahay sa loob.
"Hi manong Danny, si Nicolette po?" Nakangiting tanong niya sa guard.
"Wala po dito si ma'am Nicolette, hindi po ba kayo sinabihan na sa Singapore po siya magsi celebrate ng kaniyang birthday?"
Nagtatakang napatingin siya sa guard. Wala siyang maalalang sinabihan siya ng kaniyang kaibigan na sa Singapore ito magsi celebrate ng birthday nito.
"Oooh I forgot." Pagsisinungaling niya. "Salamat sa pagpapaalala sa akin manong Danny aalis na po ako." Nakangiting sabi na lang niya at muling sumakay sa kaniyang sasakyan.
Mabilis na inapakan niya ang preno ng kaniyang sasakyan at napatingin siya sa isang sasakyan na naka park sa gilid ng kalsada medyo kaluyuan sa bahay ng kaniyang kaibigan. Pamilyar ang sasakyan para sa kaniya dahil kapareho iyon ng sasakyan ng kaniyang kasintahan.
Bumaba siya para lapitan ang sasakyan. Kaagad na sinilip niya ang bintana nito at nakita niyang walang tao sa loob ngunit pamilyar sa kaniya ang loob ng sasakyan.
Mabilis na kinuha niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bag at tinawagan ang kaniyang kasintahan. Muli siyang napasilip sa bintana ng sasakyan dahil sa tumutunog na cellphone ngunit hindi niya iyon makita. Sinubukan niyang buksan ang pinto ng sasakyan ngunit naka lock iyon.
Umikot siya para subukan ang ibang pinto ngunit umalingawngaw ang napakalakas na alarm nito.
"s**t! s**t!" Pagmumura niya. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin dahil mas lalong lumakas ang alarm.
"Who the f**k are you?" Galit na sigaw ng isang babae na hindi niya makilala dahil nakatalikod siya. Pero pamilyar sa kaniya ang boses nito. "Hindi mo ba alam na boyfriend ko ang may- ari ng mamahaling sasakyan na iyan?"
"Boyfriend?" Tanong niya sa kaniyang isip. Nakangiting hinarap niya ang babae at kita sa mukha nito ang gulat ng makita siya.
"Bestfriend." Tawag niya. Napatingin din siya sa lalaking kasama nito na gulat din na nakatingin sa kaniya. "Hon?"
"Nicolaine, let me explain." Kaagad na sabi sa kaniya ng kaniyang kaibigan pagkatapos ng ilas oras na pakikipagtitigan nito sa kaniya.
"Explain what? May dapat ba akong malaman?" Seryosong tanong niya.
"I'm sorry." Naiiyak na sabi nito sa kaniya. "Hindi ko sinasadyang mahalin siya."
Muling tumingin sa kaniyang kasintahan na mahigpit na nakahawak sa kamay ng kaniyang kaibigan.
"I thought you love me." Mahinang bulong niya na sapat lang na marinig ng mga ito. Pinigilan niya ang kaniyang sarili na umiyak sa harapan ng dalawa.
"Hindi ko ginustong saktan ka. Mahal kita pero bilang kaibigan lang." Sagot sa kaniya ni Ken. Ken Zaireck Steenly Ford ang buong pangalan nito at Nicolette Swain naman ang buong pangalan ng kaniyang kaibigan.
"For 10 years na magkasintahan tayo at ito lang ang sasabihin mo? Gago ka ba?" Galit na sigaw niya.
"Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin pero wala ka ng magagawa. Kung pwedi umalis ka na at wag ka ng magpakita pa."
Hindi siya makapaniwalang napatingin sa dalawa.
"Bakit? Anong ginawa kong mali para gawin mo sa akin to? For ten years Ken naging mabuti akong kasintahan sa'yo. Wala akong ginawa na hindi mo nagustuhan. Lahat ng sinabi mo ginawa ko. Nang sinabi mong hindi mo ako gustong sumuot ng sexy na damit ay kaagad na ginawa ko kahit na hindi ako komportable sa damit na gusto mong ipasuot sa akin. Isn't it enough to make you stay?"
"No." Sagot naman nito.
"f**k you..." Sigaw niya. Tumingin siya sa kaniyang kaibigan. "Simula ngayon ay kalilimutan ko na naging kaibigan kita." Sabi niya bago siya muling sumakay sa kaniyang sasakyan at umalis. Dumiritso siya sa private Island na pagmamay- ari ng kaniyang pamilya at doon muna palipasin ang sakit na nararamdaman niya.
KASALUKUYANG siyang naglalakad sa dalampasigan habang nababasa ng tubig ang kaniyang paa. Tumigil siya sa paglalakad at tumitig sa malayo. Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan ng bigla na lang may umahon na lalaki sa dagat mimsmo sa kaniyang harapan.
Nakasuot lang ito ng boxer kung kaya ay kitang kita niya ang magandang katawan nito. Para itong model sa isang mens magazine.
"Like what you see?" Parang nangaakit na tanong nito sa kaniya. Wala sa sariling tumango naman siya habang nakatitig sa abuhin nitong mga mata. Para siyang nahihipnotismo sa mga titig nito sa kaniya.
"Can I kiss you?" Muling tanong nito sa kaniya. Napakurap kurap muna siya ng dalawang beses bago muling tumango. Lumapit ito sa kaniya at bigla lang siya nitong niyakap at hinalikan sa kaniyang nakawaang na labi. Nanigas siya dahil sa ginawang paghalik nito sa kaniya.
Bigla niya itong itinulak at malakas na sinapal sa pisngi. Hindi ito makapaniwala sa kaniyang ginawa.
"Who are you? Why did you kiss me?" Sunodsunod na tanong niya sa lalaki. Ngumiti muna ito sa kaniya bago sumagot.
"I'm Keiran West, how about you?"
Nakakunot ang kaniyang nuo habang titig na titig parin siya sa mukha nito.
"Why are you here in our private island?"
Tumawa ito na parang may nakakatawa sa kaniyang tanong.
"Are you serious?" Natatawang tanong nito sa kaniya. "This private island is mine."
"Are you kidding me?" Naiinis na tanong niya. "High School pa lang ako ay binili na ng mga magulang ko itong Nicolaine Island."
"Actually Ms. Beautiful ay lampas ka na." Sagot nito sa kaniya bago itinuro ang medyong malayong Isla kung saan siya nanggaling kanina.
"Ang layo na nga ng nilakad ko." Sabi na lang niya sa kaniyang isip. Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.
"I'm sorry, marami lang akong inisip kanina habang naglalakad at hindi ko namalayang nakarating na pala ako dito sa private island mo." Nakangiwing sabi niya.
"Okay lang, what is you name again?"
"Nicolaine Irish Perez, Nicole or Irish for short." Sagot naman niya.
"Can I call you mine?" Nakangiting tanong nito sa kaniya na ikinailing na lang niya.
"No, just Irish."
"Okay, so Irish may pupuntahan ka ba ngayon? Gusto mo bang gumala sa Isla ko? I can be your bodyguard and tour guide."
"I love that idea." Kaagad na sagot niya dahil wala naman siyang ibang gagawin mamaya.
"So, lets go?"
Sabay silang naglakad palayo sa dalampasigan hanggang sa makarating sila sa rest house nito.
"Magbibihis lang ako." Sabi nito sa kaniya bago ito pumasok sa isang kwarto. Ilang oras din ang kaniyang hinintay niya bago ito muling lumabas at nakasuot na ito ng simpleng white shirt at pinarison nito ng black cargo short. Kaagad na tumaayo at sabay na silang lumabas at sumakay sa sasakyan nito.
"Where are we going?" Tanong niya.
"In our man-made cave and waterfalls." Sagot naman nito.
"Really?" Excited na tanong niya.
"Yep, pinagawa iyon ng mga magulang ko when I was 6 years old. Actually regalo iyon nila sa akin sa birthday ko."
"Ang yaman mo naman." Hindi niya napigilang sabihin.
"No, isa lang naman akong mangingisda."
"Hell No, you owned this freaking private island at isa ka lang na mangingisda?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"My parents are rich, not me." Muling s**o naman nito.
"Sa'yo din naman ito mapupunta." Sagot naman niya.
"Alam ko, pero pinili ko munang dito manirahan."
"Why?" Kaagad na tanong niya.
"Dahil gusto ko lang." Nakangiting sagot nito. Pero ramdam niyang hindi ito nagsasabi ng totoo.
"Pwedi ba akong sumama sa'yo sa pangingisda?"
"Oo naman, bukas ng umaga ay mangingisda ako."
Huminto ang sasakyan sa gilid ng kalsada at kaagad na bumaba si Keiran kung kaya ay bumaba narin siya.
Binuksan nito ang napakataas na gate at sabay silang pumasok. Kaagad na narinig niya ang malakas na agos ng tubig mula sa waterfalls. Excited na sumunod lang siya sa likuran ni Keiran hanggang sa makarating sila sa isang ilog. Napakalinis ng tubig at napakaganda ng mga bulaklak sa paligid at napakataas din ng waterfalls.
"Just wow." Mahinang bulong niya habang nakatingin sa magandang view sa kaniyang harapan. Parang gusto niyang maligo ngunit hindi niya pweding gawin iyon dahil wala naman siyang dalang damit.
"Pwedi tayong maligo, kung gusto mo pang bumalik dito." Biglang sabi nito sa kaniya.
"Gusto ko." Mabilis na sagot niya na ikinatawa nito.
"Kailangan na nating umuwi dahil gabi na at ihahatid na lang kita sa rest house mo."
"Sige, anong oras ka pala mangingisda bukas?"
"Bukas pa ng gabi. Don't worry susunduin kita bukas at babalik tayo dito para maligo bukas ng umaga." Sagot naman nito.
"Sige, excited na akong maligo."
Naglakad na sila hanggang sa sumakay sila sa sasakyan nito at umalis na sila. Talagang hinatid siya ni Keiran sa kanilang rest house.
"See you tomorrow." Nakangiting sabi nito sa kaniya.
"OKay,good night."
Kaagad itong sumakay sa sasakyan nito at siya naman ay pumasok na sa kaniyang kwarto. Nagbihis muna siya bago humiga sa kaniyang kama at natulog.
Nagising siya sa ingay sa labas ng kaniyang kwarto. Narinig niya ang boses ni Keiran kung kaya ay mabilis siyang bumangon at mabilis na naligo bago lumabas sa kaniyang kwarto.
Nadatnan niya si Keiran na tahimik na umuopo sa couch nila. Kaagad itong tumayo ng makita siya nito.
"Hi." Nakangiting bati nito sa kaniya.
"Good morning." Nakangiting bati naman niya.
"Good morning beautiful, are you ready?" Nakangiting tanong nito sa kaniya.
"Oum, wait me a second." Sagot niya sabay balik sa kaniyang kwarto at mabilis na kinuha ang kaniyang bag at nilagyan niya ng damit at lahat ng personal niyang mga gamit. Pagkatapos niyang ayosin ay kaagad na lumabas siya.
Kaagad na kinuha ni Keiran ang dala niyang bag at sabay na silang lumabas at sumakay sa sasakyan nito. Napalingon siya sa backseat at nanlaki ang dalawang mata niya sa dami ng pagkain.
"Para hindi tayo gutomin." Nakangiting sabi nito sa kaniya.
Lumuhod siya sa kaniyang upuan at inabot ang paborito niyang junkfoods na cheese rolls at kaagad niya iyong binuksan at kinain na ikinatingin sa kaniya ni Keiran.
Nahihiyang sinuklian niya din ito ng ngiti. "Favorite ko to." Sabi na lang niya. Pakiramdam niya ay umiinit ang kaniyang mukha dahil sa uri ng tingin nito sa kaniya.
"You're so cute." Nakangiting sabi nito sa kaniya.
"Yes I am, I'm super cute." Proud namang sagot niya.
Subrang lakas ng tawa nito sa kaniyang sagot. Tinitigan niya ang gwapong mukha nito habang tumatawa at lumalabas ang cute na dimples nito sa magkabilang pisngi.
"Sana all may cute dimples." Sabi niya sa kaniyang isip.
"I love your confidence." Natatawa paring sagot nito sa kaniya.
"Yeah,yeah I love myself too." Nakangising sagot naman niya.
Kumalma muna ito bago muling nagsalita.
"Thank you." Seryosong sabi nito sa kaniya.
"For what?" Nagtatakang tanong niya.
"For making me happy." Sagot naman nito.
Ngitian lang niya ito bilang sagot. Huminto na ang sasakyan nito sa kilid ng kalsada at sabay silang lumabas. Pinagtulungan nilang buhatin ang kanilang dala.
Tumungo sila sa isang maliit na kubo at nilapag ang kanilang mga dala.
"Kakain muna tayo bago maligo." Sabi nito sa kaniya.
"Sige." Sagot naman niya.
Tinulungan niya itong inayos ang kanilang pagkain at sabay na kumain. Magana siyang kumain dahil lahat ng dala nito ay kaniyang paborito. Pagkatapos nilang kumain ay umupo muna sila ng ilang oras bago tumungo sa ilog at naligo.
Ang laki ng kaniyang ngiti habang sinasabuyan si Keiran ng tubig. Para silang mga batang naglalaro. Mabilis siyang lumangoy palayo ng lumapit sa kaniya si Keiran ngunit naabutan din siya nito at mahigpit na niyakap.
Kumawala din ito sa pagkakayakap sa kaniya at tinitigan siya.
"Keiran." Tawag niya sa pangalan nito.
Sinapo nito ang kaniyang mukha at dahandahan nitong nilalapit ang mukha nito sa mukha niya hanggang sa lumapat ang labi nito sa kaniyang labi na kaniya. Sa una ay nanigas muna siya hanggang sa dahandahan niyang tinugon ang halik nito.
Pareho silang habol ang hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Pakiramdam niya ay subrang pula ng kaniyang mukha at hindi makatingin sa binata.
"Bakit kasi hinayaan niya itong halikan siya?" Naiinis na tanong niya sa kaniyang sarili.
Napahiyaw siya ng malakas ng bigla na lang siyang sinabuyan ni Keiran ng tubig. Mabilis niya itong hinabol na para bang walang nangyaring halikan na naganap kanina.
Sabay silang napaupo sa damuhan dahil sa pagod sa paghahabulan.
"Salamat."
"Para saan?" Nagtatakang tanong nito sa kaniya.
"Sa pagsama mo sa akin dito." Nakangiting sagot niya.
"Nag enjoy ka ba?" Muling tanong nito sa kaniya.
"Subra,bukas babalik na ako sa Manila." Malungkot na sabi niya.
"Babalik ka pa naman dito diba?" Malungkot na tanong nito sa kaniya.
"Oo naman." Kaagad na sagot niya.
Ngumiti ito. "Iyon naman pala eh."
Sinapo niya ang kaniyang tiyan at tumayo.
"Nagugutom na ako,kumain na tayo?"
Kaagad na tumayo ito at sabay silang kumain. Pagkatapos nilang kumain ay kaagad na nagbihis sila. Dumidilim na kasi at kailangan pa nilang mangisda mamaya. Tinulungan nilang dalhin sa sasakyan ang mga dala nila at kaagad na sumakay.
Dumiritso sila sa rest house ni Keiran at doon muna siya magpapahinga dahil mamaya pa naman sila mangingisda.
Kasalukuyan siyang humihiga sa kama at ramdam niya ang pagod sa kaniyang katawan. Bukas ay kailangan na niyang bumalik sa Manila dahil may kompaniya din siyang naghihintay sa kaniya.
Napangiti siya dahil pansamantala niyang nakalimutan ang panluluko sa kaniya ng kaniyang Ex kapag kasama niya si Keiran.
Mabait ito at masipag din pero hindi pa siya handang pumasok sa relasyon.
"Hindi naman siya nanliligaw sa'yo ah." Sabi sa kaniya ng kaniyang isip.
Napangiwi siya dahil totoo naman iyon. Bakit iyon na ang kaniyang iniisip.
"Wala pa naman siguro itong kasintahan, right?" Tanong niya sa kaniya sarili.
Dahil hindi naman siya makatulog ay bumangon siya at lumabas. Kaagad na hinanap niya si Keiran at natagpuan niya itong inaayos na ang mga gagamitin nila mamaya sa pangingisda.
"Aalis na ba tayo?" Nakangiting tanong niya. Tumango lang ito bilang sagot. Sabay na silang naglakad papuntang dalampasigan at marami na ring mangingisda ang nasa gitna ng laot.
"Are you ready?" Nakangiting tanong nito sa kaniya.
"Yes." Excited naman na sagot niya. Kaagad siya nitong inalalayan na sumakay sa bangka nito bago ito sumakay.
Nasa malalim na sila ng parte ng dagat. Kinuha nito ang net at itinapon iyon sa dagat. Ilang oras muna ang hinintay niya bago nito hinila pa taas ang net. Tinulungan niya ito sa paghila dahil sa daming isdang nakuha nito.
"Omg ang daming isda." Masayang sabi niya na ikinatawa lang nito.
Muli nitong itinapon sa dagat ang net at muli na naman silang maghihintay.
"Saan mo dinadala ang isdang nahuhuli mo?" Tanong niya.
"Benibenta sa palengke." Sagot naman nito.
Muli naman nitong hinila ang net pa taas at kaagad niya itong tinulungan. Dahil sa marami na silang nahuli ay bumalik na sila sa dalampasigan at nilagay sa isang malaking kahon na may lamang nagyeyelong tubig ang isdang nahuli nila.
Diniritso ang mga hinuli nilang isda sa palengke at binili iyon mg isang mayamang negosyante sa hindi niya malamang halaga dahil si Keiran lang ang kinausap nito.
Kaagad na umalis sila at kumain muna bago siya hinatid ni Keiran sa kanilang rest house.
"Aalis ka na bukas." Sabi nito sa kaniya.
"Oo nga, pero babalik din ako dito kapag hindi na ako busy." Sagot naman niya.
"Sige, hihintayin kita sa pagbabalik mo." Sagot naman nito.
"Mami miss mo ako noh?" Pagbibiro niya.
"Hindi." Kaagad na sagot nito at medyo na saktan.
"Okay." Sagot na lang niya.
"Hindi kita mami miss dahil alam kong babalik ka." Dugtong nito sa sinabi. Nilapitan niya ito at niyakap ng mahigpit.
"Mami miss kita Keiran." Bulong niya. Naramdaman niyang niyakap din siya nito.
Ilang oras din silang nagyakapan bago ito umalis at iniwan siya. Kaagad na pumasok siya at dumiritso sa kaniyang kwarto. Nagbihis muna siya bago humiga sa kaniyang kama at natulog.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising at kaagad na naligo. Hindi na siya kumain at lumabas na. Kaagad na hinanap niya si Keiran ngunit hindi niya ito nakita. Umaaasa pa naman siya na makikita niya ito bago siya bumalik sa Manila.
Sasakay na sana siya sa kaniyang sasakyan ngunit may pumigil sa kaniyang braso. Kaagad na tiningnan niya kung sino ito.
"Keiran." Naiiyak na niyakap niya ito.
"Why are you crying?" Tanong nito sa kaniya.
"Akala ko kasi hindi ka magpapakita ngayon sa akin." Sagot naman niya.
Ngumiti lang ito at niyakap din siya ng mahigpit.
"Mag- iingat ka sa pag- uwi at tuparin mo ang pangako mong babalik ka." Buong nito sa kaniya. Kaagad na tumango siya.
Umalis ito sa pagkakayakap sa kaniya at pinagbuksan siya nito ng sasakyan. Bago siya sumakay ay halikan niya muna ito sa labi at kaagad naman nitong tinugon hanggang lumalim ang halik na pinagsaluhan nila.
Nakangiting pumasok siya sa kaniyang sasakyan pagkataos magpaalam at kaagad na umalis siya.
Pagdating niya sa Manila ay dumiritso siya sa kaniyang kompaniya at dumiritso sa kaniyang opisina. Nadatnan niya ang isang tao na Hindi niya aakalaing makikita pa niya. Tumayo ito at sinalubong siya ng yakap sabay sabing....
"I'm sorry hon, please give a second chance."
Dahil sa ginawa nito ay hindi na niya alam ang kaniyang gagawin. Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan at hindi siya makakilos. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang magiging reaction.
"Alam kong nasaktan kita at kasalanan ko iyon, simula nang mawala ka sa buhay ko ay hindi na ako naging masaya." Muling sabi nito sa kaniya. Ang totoo ay mahal parin niya ito. Inalis niya ang kamay nitong nakayakap sa kaniya.
"Patunayan mo muna sa akin na karapatdapat ka bang bigyan ng pangalawang pagkakataon. Masiyado akong nasaktan sa ginawa mo." Umiiyak na sagot niya.
"Pangako, gagawin ko ang lahat bumalik lang ang pagmamahal mo sa akin at ang tiwala mo." Sabi naman nito. Kinuha nito ang bulaklak sa mesa at ibingay nito iyon sa kaniya bago lumabas sa kaniyang opisina.
"Ken Zaireck Steenly Ford, tama bang bigyan kita ng pangalwang pagkakaon na bumalik sa buhay ko?" Tanong niya sa kaniyang isip.
Pagod na umupo siya sa kaniyang upuan habang hawak parin ang bulaklak na ibinigay sa kaniya ni Ken. Inilapag niya iyon sa mesa.
Tumayo siya at lumabas sa kaniyang opisina. Napatigil siya sa paglalakad dahil sa mga bulaklak na nagkalat sa kaniyang dinadaanan. Mayamaya ay lumabas si Ken sa pinagtaguan nito at may dala bouquet at ibinigay sa kaniya.
"Nagustuhan mo ba ang surprise ko?" Nakangiting tanong nito sa kaniya.
"Salamat." Sagot niya bago tinanggap ang bouquet na bigay nito sa kaniya.
"Gagawin ko ang lahat para sa'yo." Madamdaming sagot naman nito sa kaniya.
"Maniniwala na ba siya? Tanong niya sa kaniyang sarili?
"Okay." Sagot na lang niya.
Sabay na silang lumabas sumakay siya sa sarili niyang sasakyan matapos tanggihan ang imbitasyon ni Ken na kumain sa labas. Hindi niya pa ito kayang makasama at hanggang ngayon ay nasasaktan parin siya.
At nagdadalawang isip pa siya kung bibigyan niya ba ito ng second chance dahil kapag nagkamali siya ay muli na naman siyang masasaktan sa pangalawang pagkakataon at baka hindi na niya kakayanin pa sa pagkakataong iyon.
End of Prologue....