ISANG linggo na mula ng umuwi siya galing sa kanilang private island at isang linggo narin nanliligaw sa kaniya si Keiran. Panay ang dalaw nito sa kaniya sa kaniyang opisina at may dala pang bouquet.
"Pwedi ba tayong mag- usap?" Tanong nito sa kaniya pagkatapos ibigay sa kaniya ang dala nitong bouquet na may ibat ibang chocolate.
"Sige." Sagot naman niya.
"Wala na ba talaga akong pag- asa sa'yo?"
Ngitian niya ito. Isang linggo pa lang itong nanunuyo sa kaniya at mukhang na pagod na ito.
"Napapagod ka na ba?" Tanong niya.
Umupo ito sa visitor chair na sa kaniyang harapan.
"Hindi naman pero kailangan pa ba nating patagalin ito? Masiyado na tayong matanda at malaki na ang nasayang nating oras." Sagot naman nito.
Napailing siya sa sagot nito.
"Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng pampakapal ng mukha para sabihin iyan sa akin ngayon. Isang linggo pa lang mula ng niluko mo ako at ngayon babalik ka para humingi ng second chance? Are you f*****g serious?" Galit na sagot niya.
"Alam kong nagkamali ako kaya nga pinagsisihan ko na iyon. Kaya nga nandito ako sa harapan mo at humihingi ng second chance."
Tinitigan niya muna ito bago siya sumagot.
"Hindi ko alam dahil maraming what if ang pumapasok sa aking isipan tuwing iniisip ko kung pagbibigyan ba kita sa hinihiling mo."
"Gagawin ko ang lahat para maging masaya ka lang. Hindi na kita iiwan." Sagot naman nito.
Napatayo siya dahil bigla na lang itong lumuhod sa kaniyang harapan habang umiiyak.
"Zaireck."
"Please give me a second chance. Mahal na mahal kita Nicolaine."
Sinapo niya ang mukha nito at kaagad na niyakap niya ito ng mahigpit.
"I love you too Zaireck." Umiiyak na sagot niya.
Tumayo ito at nakangiting hinalikan sa labi.
"Thank you hon, hindi ko na hahayaang masaktan ka."
"Aasahan ko iyan ah." Naka ngiting sagot na niya.
"Lets go? We need to celebrate this."
"Okay." Sagot niya. Kinuha muna niya ang kaniyang bag at sabay na silang lumabas sa kaniyang opisina. Dumiritso sila sa isang mamahaling restaurant.
Nakangiti na lang siya sa pagiging sweet ni Keiran sa kaniya. Hinayaan niya lang itong umorder para sa kaniya.
"I miss you." Nakangiting sabi sa kaniya ni Zaireck habang hawak ang kaniyang kamay.
"I miss you too hon." Sagot naman niya.
Sa wakas ay dumating na ang kanilang order at sabay na silang kumain.
"May gusto ka bang puntahan pagkatapos nating kumain?" Tanong nito sa kaniya.
"Pwedi mo ba akong samahan sa Mall? May bibilhin kasi akong importante." Sagot naman niya.
Napatigil ito sa pagsagot sana sa kaniya dahil biglang tumunog ang cellphone nito. Tumayo ito habang hawak ang cellphone.
"Excuse me." Sabi nito sa kaniya at mabilis na umalis sa kaniyang harapan at sa labas pa talaga sinagot ang tawag nito. Napailing na lang siya sa ginawi ng kaniyang kasintahan. Kumain na lang siya at inubos ang inoreder sa kaniya ni Zaireck.
Napakunot ang kaniyang nuo dahil hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik si Zaireck. Tumayo siya para sana puntahan ang kaniyang kasintahan sa labas ngunit may lumapit sa kaniya ang isang waitress at ibinigay nito sa kaniya ang receipt ng kanilang inorder. Tinanggap niya iyon at nanlaki ang dalawang mata niya ng mabasa ang receipt na hawak niya dahil sa laki ng kanilang babayaran.
"Wait lang Miss,pupuntahan ko lang ang kasama ko sa labas." Nakangiting sabi niya sa waitress.
"Pero ma'am kakaalis lang po ni Sir at ang sabi niya ay kayo po ang magbabayad dahil nagmamadali daw po siya."
Muli na naman siyang napatingin sa labas. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang cellphone at akmang tatawagan si Zaireck ngunit nagpadala ito ng message sa kaniya.
From honey:
Sorry kung umalis kaagad ako hon. Emergency kasi kaya hindi na ako bumalik kanina. Babawi ako sa'yo.
Napailing na lang siya habang kinukuha ang kaniyang walet sa kaniyang bag at nagbayad bago lumabas sa restaurant. Nagpapasalamat siya dahil dala niya kanina ang kaniyang sasakyan.
Kaagad na sumakay siya sa kaniyang sasakyan at dumiritso na sa kaniyang bahay. Nagbihis muna siya bago humiga sa kaniyang kama habang hawak ang kaniyang cellphone. Hinihintay niya kasi ang tawag ni Zaireck.
Dahil bored na siya sa kahihintay ay in open niya ang kaniyang f*******: account. Pinindot niya ang search bar at hinanap ang pangalang Keiran West.
Kaagad na pinadlhan niya ito ng friend request at napangiti siya dahil kaagad nitong inaccept ang kaniyang friend request.
Keiran West
Hi beautiful...
Napangiwi siya ng mabasa ang message nito sa kaniyang inbox. Sigurado siyang magagalit sa kaniya si Zaireck kapag nabasa nito ang message.
Nicolaine Perez
Don't call me beautiful Keir magagalit ang boyfriend ko...
Kaagad na reply niya. Ilang oras din ang kaniyang hinintay ngunit hindi na ito nag reply sa kaniya kung kaya nilog out na niya ang kaniyang f*******: account. Tiningnan ang oras at 11:30 pm na ngunit hindi parin tumatawag si Zaireck sa kaniya.
Disappointed na inalapag niya ang kaniyang cellphone sa mesa. Pipikit na sana siya ngunit biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Mabilis siyang bumangon at kaagad na sinagot ang tawag na hindi tinitingnan kung sino ang tumawag.
"Honey." Kaagad na sabi niya ng masagot niya ang tawag.
"Hey beautiful." Napakunot ang kaniyang nuo ng marinig ang boses ng nasa kabilang linya. Nasisiguro niyang hindi ganun ang boses ng kaniyang kasintahan at isa lang ang kilala niyang lalaki na tumatawag sa kaniya na beautiful at si Keiran iyon.
"Keiran?" Patanong na tawag niya sa panagalan nito.
"Yes, how are you?"
Napangiti siya. Na miss narin niya ito.
"Okay lang, ikaw?" Nakangiting tanong niya.
"I'm not okay." Sagot naman nito.
"Why? What happened?" Nag-aalalang tanong niya.
"May nakilala kasi akong isang magandang babae." Sagot nito.
"And?"
"Nagustuhan ko siya at hindi na siya mawala sa aking isip. Gusto ko sana siyang ligawan."
"Kung gusto mo talaga siya bakit hindi mo ligawan?"
"Dahil may iba na siyang mahal." Sagot nito. Napakunot ang kaniyang nuo dahil bigla na lang siya nitong binabaan ng tawag. Sinubukan niyang tawagan ito ngunit unattended na ang cellphone nito.
"Ang weird." Naiiling na sabi niya. Muli niyang inilapag sa kaniyang mesa ang kaniyang cellphone at humiga sa kaniyang kama at natulog.
KINABUKASAN ay maaga siyang nagising at kaagad na naligo. Hindi muna siya pupuntah sa kaniyang opisina dahil balak niyang pumunta sa mall. Paubos na kasi ang kaniyang groceries.
Tiningnan niya ang kaniyang cellphone para tinganan kung may pinadala ba sa kaniya na message ang kaniyang kasintahan ngunit message ni Keiran ang kaniyang nakita.
Keiran:
Good morning beautiful.... ( insert smiley emoji)
Hindi niya ito nireplyan. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang bag at lumabas. Kaagad na sumakay siya sa kaniyang sasakyan at dumiritso sa mall.
Dumiritso siya sa grocery store bago siya pumunta sa meat area at bumili lang ng karne ng manok at baboy. Pagkatapos niyang mamili ay kaagad niya iyong binayaran sa cashier. Kumain muna bago umuwi sa kaniyang bahay.
Kaagad na inayos niya ang kaniyang pinamili bago nilinis ang buong bahay niya. Wala siyang kasambahay dahil kaya naman niyang gawin ang lahat ng mga gawaing bahay. Bata pa lang siya ay tinuturaun na siya ng kaniyang mahal na ina sa lahat ng mga gawaing bahay kahit na marami naman silang kasambahay. Ngunit ayos lang sa kaniya dahil gusto niya din naman na matuto habang maaaga pa.
Pagkatapos niyang maglinis ay kaagad niyang tiningnan ang kaniyang cellphone at nagbabasakaling may text na dumating galing kay Zaireck. Pero wala ni isang message na dumating. Pagod na umupo siya sa sofa habang dina dial ang number ni Zaireck ngunit unattended ang cellphone nito.
"Bakit nakapatay ang cellphone nito? Niluluko mo na naman ba ako Ken Zaireck Steenly Ford?" Tanong niya sa kaniyang isip.
Tumayo siya at pumasok sa kaniyang kwarto at nagbihis. Pupuntan niya ang kaniyang kasintahan sa bahay nito. Kailangan niya itong makausap.
Kaagad na sumakay siya sa kaniyang sasakyan at dumiritso sa bahay ng kaniyang kasintahan.
Kaagad na bumaba siya sa kaniyang sasakyan at pumunta sa harap ng gate. Pinindot niya ang doorbell ngunit wala man lang ni isang tao lumabas para kausapin siya.
"Excuse me."
Napalingon siya sa babaeng nagsalita sa kaniyang likuran. Nakita niya ang magandang babae na may dalang kahoy.
"Po?" Tanong niya.
"Wala na pong nakatira sa bahay na iyan." Sagot nito sa kaniya.
"Saan po sila pumunta?" Kaagad na tanong niya.
"Sa narinig kong usap usapan ay sa America na daw sila titira." Sagot naman nito sa kaniya.
"Maraming salamat po." Sabi niya bago pumasok sa kaniyang sasakyan.
"Bakit hindi siya tinawagan ni Zaireck? Bakit hindi nito pinaalam sa kaniya na aalis ito?" Tanong niya sa kaniyang isip.
Umiiyak na dumiritso siya sa kaniyang at kaagad na pumasok sa kaniyang kwarto. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at muling tinawagan si Zaireck at nagpapasalamst siya dahil sinagot na nito ang kaniyang tawag.
"Honey."
"I'm sorry hon kung hindi ako nakapag paalam sa'yo. Isinugod kasi si mommy sa hospital at kailangan na niyang operahan sa puso. My mom needs me hon,sana maintindihan mo ako." Umiiyak na sagot nito.
"I understand hon, mag-iingat ka diyan." Umiiyak din na sabi niya.
"Babalik ako hon pangako,just wait for me."
Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.
"Of course hon, hinintayin kita."
"Tatawagan kita mamaya hon, I love you always remember that...
"I love you too hon..."
Umiiyak na nilapag niya ang kaniyang celebrate sa mesa at lumabas sa kaniyang kwarto. Dumiritso siya sa kusina at nagluto ng kaniyang dinner. Pagkatapos niyang magluto ay mag-isa din siyang kumain. Pagkatapos niyang kumain ay bumalik na siya sa kaniyang kwarto at dumiritso sa banyo at nagsepilyo.
Mabilis niyang tinapos ang kaniyang pagsesipilyo ng marinig na nag-iingay ang kaniyang cellphone. Lumabas siya at tiningnan niya muna ang caller ID bago sinagot ang tawa at si Keiran ang tumatawag sa kaniya.
"Hey beautiful." Kaagad na bati nito sa kaniya.
"Okay ka na?" Nag- aalalang tanong niya. Huli kasi nitong tawag sa kaniya ay mukhang brokenhearted ito.
"Yeah, wag mo na lang pansinin iyong mga sinabi ko sa'yo." Natatawang sagot nito.
"Okay, bakit ka pala napatawag?"
"I miss you Nicole." Sagot nito. Hindi niya alam pero bigla na lang bumilis ang t***k ng kaniyang puso ng marinig ang sinabi nito.
"I miss you too." Sagot naman niya.
Pilit niyang pinapakalma ang kaniyang sarili. Hindi siya dapat makaramdam ng ganun dahil may kasintahan na siya.
"Kailan ka babalik dito?"
"Hindi ko pa alam Keiran dahil subrang busy ko pa kasi." Sagot naman niya.
"Ako na lang ang dadalaw diyan sa inyo, papayag ka ba?"
"Keiran my boyfriend na ako at hindi ito tama." Sagot naman niya.
"Wala naman tayong ginagawang mali." Sagot naman nito and he's sounds irritated.
"Kahit na mali parin to at kahit pumunta ka pa dito ay hindi parin kita maasikaso dahil gaya ng sinabi ko kanina masiyado akong busy." Paliwanag niya.
Matagal din bago ito sumagot.
"Okay." Maikling sagot nito sa kaniya.
"Fine, you can visit here." Biglang bawi niya. Gusto din naman niya kasi itong makita.
"Thank you and See you tomorrow..." Masayang sabi nito at pinutol na ang tawag.
Nakangiting humiga siya sa kaniyang kama habang hawak parin ang kaniyang cellphone. Biglang tumunog iyon dahil may dumating na message na galing Kay Keiran.
Keiran:
Good night beautiful...
Mabilis siyang nag type at nireplyan ito.
To Keiran:
Good night din...
Dahil hindi na ito nag reply sa kaniya ay natulog na lang siya dahil hindi naman tumatawag sa kaniya ang kaniyang kasintahan.
NAGISING siya sa ingay ng kaniyang cellphone. Bumangon siya at kaagad na sinagot ang tawag ng kaniyang kasintahan.
"Good morning hon." Bati nito sa kaniya.
"Good evening sa'yo diyan sa America." Nakangiting sagot niya. "Kamusta ka na at ang mommy mo?"
"I'm okay hon and my mom she'll be okay." Sagot naman nito.
"Just pray hon,babalik din sa dating sigla ang mommy mo."
"Thank you hon, hindi na ako magtatagal hon. Please take care of yourself. I love you."
"Mahal din kita hon." Sagot niya bago naputol ang tawag. Tumayo na siya at pumasok sa banyo at naligo muna bago lumabas sa kaniyang kwarto at dumiritso sa kusina at nagluto ng kaniyang breakfast at nagtimpla ng kaniyang kape. Kailangan na magtrabaho ngayon dahil absent siya kahapon. Pagkatapos niyang kumain ay kaagad na umalis siya at dumiritso sa kaniyang kompaniya.
Sa South Korea na namalagi ang kaniyang mga magulang dahil marami silang negosyo sa South Korea. Ang kaniyang ama ay pure Korean at ang kaniyang ina naman ay pinay. Pero sa Pilipinas siya ipinanganak ng kaniyang ina at pinalaki.
Dumiritso siya sa kaniyang opisina at kaagad na nagtrabaho. Napatigil siya sa pagpiperma ng may tumawag sa kaniyang cellphone at si Keiran iyon.
"Bakit ka napatawag?" Kaagad na tanong niya.
"Pwedi ba tayong magkita?" Tanong nito sa kaniya.
"Nandito ka na sa Manila?"
"Yep, so pwedi ba tayong magkita?" Pag- uulit nito.
"Sure, saan tayo mahakikita?"
Sinabi nito kung saan sila magkikta bago tinapos ang tawag. Nilagay niya muna sa desk niya ang mga papeles bago tumayo at kinuha ang kaniyang at lumabas sa kaniyang opisina. Kaagad na sumakay siya sa kaniyang sasakyan at dumiritso sa restaurant kung saan sila magkikita ni Keiran.
Napatigil siya sa paglalakad ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone at tumawag sa kaniya si Zaireck. Kaagad niya iyong sinagot.
"Hon,how are you?" Nakangiting tanong niya.
"I'm fine hon, ikaw?"
"Okay lang din hon, kamusta ang mommy mo?"
"Okay na siya hon pero hindi parin makakauwi diyan hon dahil ako muna ang mamahala sa negosyo namin dito sa America."
"Okay lang hon basta mag- ingat ka palagi." Nakangiting sabi niya.
"Okay hon,bye."
"Bye."
Pumasok na siya sa loob ng restaurant at hinanap si Keiran. Mabuti na lang at kaagad na nakita niya ito. Nakangiti itong sinalubong nito.
"Hey, beautiful." Nakangiting tawag nito sa kaniya na ikinailing na lang niya. Tumayo ito at pinaghila siya nito ng upuan at kaagad siyang umupo.
"Salamat." Nakangiting sabi niya.
"I miss you." Sabi nito habang nakatitig sa kaniya.
"So, bakit ka pala lumuwas dito sa Manila?" Pag-iiba niya ng topic nila.
"Para makita ka." Kaagad na sagot naman nito.
"Keiran."
"Alam kong may boyfriend ka na at wala akong pakialam. Gusto kita Nicole at gagawin ko ang lahat para makuha ka lang."
"Walang patutunguhan itong pag- uusapan natin. Mas mabuti sigurong umalis na lang ako dahil marami pa akong trabaho sa opisina." Sabi niya. Tumayo siya para sana umalis ito ngunit pinigilan siya ni Keiran sa braso.
"Keiran,don't touch me." Galit na sabi niya. Kaagad naman nitong inalis sa kaniyang braso ang kamay nito. Mabilis siyang lumabas sa restaurant at kaagad na sumakay sa kaniyang sasakyan at dumiritso na sa kaniyang bahay dahil nawalan na siya ng ganang magtrabaho.
Kinuha niya ang kaniyang cellphone at binasa niya ang message na galing kay Keiran.
Keiran
I'm sorry sa sinabi ko kanina...
Napabuntong hininga na lang siya at hindi nag reply. Pumasok siya sa kaniyang kwarto at nagbihis muna bago humiga sa kaniyang kama habang hawak ang kaniyang cellphone.
Dahil wala naman siyang ibang gagawin ay naglaro na lang siya ng candy crash sa kaniyang cellphone at nasa level 100 na siya.
Dahil naka focus siya sa paglalaro ay hindi man lang niya namalayang gabi kung hindi sumakit ang kaniyang tiyan dahil sa gutom na siya. Tinatamad na bumangon siya at lumabas sa kaniyang kwarto at pumunta sa kusina para magluto ng instant noodles.
Mag- isa niyang kinain ang kaniyang niluto habang nakatingin sa kaniyang cellphone at umaasang tatawag si Zaireck sa kaniya.
Natapos lang siya sa pagkain ng instant noodles ay hindi parin ito tumawag kung kaya ay lumabas muna siya para magpahangin dahil hindi pa naman siya inaantok.
Pumunta siya sa harden niya na nasa likuran lang ng kaniyang bahay. Napatingin siya sa kaniyang cellphone na hawak niya. Gusto niya sanang tawagan si Keiran para humingi ng tawad sa kaniyang inasal kanina. Ngunit hindi na niya iyon Kailangan gawin dahil ito mismo ang tumawag sa kaniya na kaagad naman niyang sinagot.
"Hey..." Kaagad na sabi niya.
"Galit ka parin ba?" Tanong nito sa kaniya.
"No,sorry nga pala sa inasal ko kanina."
"Its okay, alam ko namang nabigla ka sa mga ipinagtapat ko sa'yo pero totoo ang lahat ng sinabi ko at welling akong hintayin ka."
"Keiran."
"Please, hayaan mo lang akong magustuhan ka." Pagmamakaawa nito sa kaniya.
"Pero masasaktan ka." Malungkot na sagot niya. "Marami pa namang ibang babae diyan."
"Pero ikaw lang ang gusto ko Nicolaine." Sagot naman nito.
"Keiran please don't...."
"I love you Nicolaine Irish Perez."
Sabi nito bago pinutol ang tawag. Nasasaktan siya para kay Keiran. Napakabait nitong at hindi ito mahirap mahalin.
Muli siyang pumasok sa loob ng kaniyang bahay at dumiritso sa kaniyang kwarto. Humiga siya sa kaniyang kama habang iniisip parin ang mga ipinagtapat sa kaniya ni Keiran.
Hindi siya dapat makaramdam ng ganito dahil may kasintahan na siya. Ano ang kaniyang gagawin?
Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang kaniyang kasintahan na kaagad naman nitong sinagot. Pinakalma niya muna ang kaniyang sarili bago nagsalita.
"Hello hon." Nakangiting sabi niya.
"Hello."
Napakunot ang kaniyang nuo dahil babae ang sumagot sa kaniyang tawag. Mabilis niyang pinutol ang tawag at pinatay ang kaniyang cellphone.
"Ang tanga ko para maniwala sa'yo Zaireck" Naiiyak na sabi niya.
Malakas na tinapon niya ang kaniyang cellphone sa sahig at nawasak iyon saka sumigaw siya ng malakas dahil sa subrang galit na nararamdaman.
Bumangon siya at inayos ang kaniyang mga damit at nilagay niya sa kaniyang maleta at lumabas sa kaniyang kwarto at sumakay sa kaniyang sasakyan at dumiritso sa private island na pagmamay- ari ng mga magulang niya. Bumili din siya ng bagong cellphone at simcard.
Pinadalhan na niya ng text message ang kaniyang kuya Lester na ito muna ang bahala sa kanilang kompaniya dahil magbabakasyon muna siya at nagpapasalamat siya dahil kaagad itong pumayag kahit busy din ito sa sarili nitong business.
Dumiritso siya sa kaniyang rest house at pumasok sa kaniyang kwarto. Inilapag niya sa sahig ang dala niyang maleta at muling lumabas at tumungo sa dalampasigan.
Naglakad lang siya habang umiiyak. Hindi niya aakalain na muli siyang sasaktan ni Zaireck.
"Nicole."
Napatingin siya sa lalaking tumawag sa kaniya.
"Keiran." Niyakap niya ito ng mahigpit habang umiiyak parin.
"Anong nangyari sa'yo? Why are you crying?". Nag- aalalang tanong nito sa kaniya. Umupo sila sa buhangin at kinuwento niya ang ginawang panluluko sa kaniya ni Zaireck. Nagtatagis ang bagang nito at halata sa mukha nito ang galit.
"That bastard." Galit na sabi nito.
"Calm down." Pagpapakalma niya sa lalaki.
Tumingin ito sa kaniya at pinunasan ang kaniyang luha.
"I'm here for you Nicole." Sabi nito at niyakap siya. "Hindi kita sasaktan at pababayaan."
Hinawakan nito ang kaniyang balikat at hinalikan siya nito sa labi na kaagad niyang tinugon. Habang tumatagal ay mas lalong lumalim ang halik na pinagsaluhan nila hanggang sa pareho silang habol ang hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi.
"Keiran."
"Mahal kita Nicole at handa akong hintayin ka hanggang matutunan mo din akong mahalin."
Ngitian lang niya ito at muling niyakap ng mahigpit. Kapag kasama niya si Keiran feeling niya ay safe siya. Magaan ang kaniyang pakiramdam at masaya siya kapag kasama niya ito.
"Salamat Keiran."
Bumitaw na siya sa pagkakayakap kay Keiran at mabilis siyang tumakbo. Mabilis naman siya nitong hinabol hanggang sa makarating sila sa private island na pagmamay- ari ni Keiran. Mabilis nama siya nitong naabutan at natatawang niyakap siya.
Sinapo nito ang kaniyang mukha at sa pangalawang pagkakataon ay muling nagtagpo ang kanilang mga labi.
End of chapter #1...