Chapter #2

3268 Words
KASALUKUYANG nasa kwarto siya ni Keiran dahil dito siya nito pinatulog kagabi. Bumangon siya at ginising si Keiran na kasalukuyang natutulog sa mahabang sofa. Nagising din ito at nakangiting napatingin sa kaniya. "Good morning beautiful." Nakangiting bati nito sa kaniya bago siya nito sa labi at mabilis na pumasok sa banyo. Lumabas na lang siya at tumungo sa kusina para magluto ng kanilang breakfast. Napatingin siya kay Keiran na kapapasok lang sa kusina at mukhang bagong ligo ito. Lumapit ito sa kaniya at niyakap siya nito sa likuran dahil nagluluto siya. "Ang bango ah." Bulong nito sa kaniya habang hinahalikan siya nito sa kaniyang leeg. "Keiran." Reklamo niya dahil nakikiliti siya sa ginagawa nito at may iba pa siyang nararamdaman sa paghalik nito sa kaniyang leeg. Pinatay nito ang stove at pumunta ito sa kaniyang harapan at hinalikan siya sa kaniyang labi na kaagad naman niyang tinugon. "I love you." Nakangiting sabi nito sa kaniya. Ngumiti lang siya. "Kumain na tayo." Sagot niya. Napailing lang ito at tinulungan siyang ayosin ang mesa at sabay silang kumain. Pagkatapos nilang kumain ay hinatid siya nito sa rest house niya at mabilis siyang naligo at nagbihis dahil isasama siya ni Keiran sa palengke sa bayan. "I'm ready." Nakangiting sabi niya kay Keiran na maghihintay sa kaniya sa labas. Nakangiting lumapit ito sa kaniya at dinampian muna siya ng halik sa labi bago siya nito pinagbuksan ng pinto. "You look so beautiful." Nakangiting sabi nito sa kaniya. Napailing na lang siya at hindi na sumagot. Pinaandar na nito ang sasakyan at umalis na sila. NAKANGITING kumakain siya ng fishball na binili ni Keiran kanina sa labas ng palengke. Kasalukuyan silang namimili ng mga gulay. "Magkano po ang kilo nitong talong?" Tanong niya sa tindera habang tinuturo ang talong na nasa mesa. "30 per kilo ma'am." Sagot naman sa kaniya ng tindera. "1kl. nga po." Kukunin niya sana ang kaniyang wallet niya para magbayad ngunit naunahan na siya ni Keiran. "Salamat." Sabi na lang niya. Bumili din siya ng isang tray na itlog dahil magluluto siya mamaya ng tortang talong ang kaniyang paboritong ulam. Pagkatapos nilang mamili ay hinatid muna siya ni Keiran sa kaniyang rest house bago ito dumiritso sa rest house nito. Binutasan niya muna ang talong na binili niya gamit ang tinidor bago iyon ipinatong sa nagbabagang uling. Pagkatapos niyang lutuin ang sinugbang talong ay kaagad na binalatan niya iyon at pinalapad at isinawsaw sa itlog at inilagay sa kawali na may mainit na mantika. Pagkatapos niyang magluto ay kaagad na kumain siya. Magana siyang kumain dahil paborito niya ang kaniyang nilutong ulam. Pagkatapos niyang kumain ay kaagad na hinugasan niya ang kaniyang pinagkainan bago lumabas at naglakad sa dalampasigan. Nakangiting kinawayan niya si Keiran na naglalakad na mag-isa at mukhang pupunta din ito sa kaniya. Sinalubong niya ito at kaagad na niyakap siya nito ng mahigpit ng magkaharap na silang dalawa. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at sabay silang naglakad hanggang sa makarating sila sa isang kubo na may maraming tanim na gulay at prutas paligid. Napatingin siya sa puno ng mangga na hitik sa bunga. "Gusto mo bang kumain ng mangga?" Tanong nito sa kaniya. Mabilis siyang tumango na ikinatawa lang nito. Kaagad na kumuha ito ng panungkit at sinungkit ang hinog na mangga. Pagkatapos nilang manungkit ay pumasok na sila sa loob ng kubo. Hinuhasan niya ang mangga at binalatan muna bago kainin. "Salamat Keiran." Nakangiting sabi niya. "Your welcome." Sagot naman nito. Inubos niya ang mangga sa plato at muling nagbalat ng panibago. "Bakit nga pala tayo nandito?" Nagtatakang tanong niya. "Gusto ko lang ipakita sa'yo ang small farm ng family ko." Sagot naman nito. "Subrang ang yaman niyo nga." Nakangiting sabi niya. "Hindi naman." Nahihiyang sagot nito sa kaniya. Napailing na lang siya at muling kumain ng mangga. Pagkatapos niyang kumain ng mangga ay lumabas na sila sa kubo at pumunta sa gulayan. May dala siyang basket at doon niya nilalagay ang mga gulay na kinukuha niya at syempre ay hindi makakalimutan ang talong na paborito niya. "Nag enjoy ka ba?" Tanong sa kaniya ni Keiran. "Subra,maraming salamat talaga Keiran." Ngitian lang siya nito at kinuha ang dala niyang basket na puno ng gulay at prutas at hinatid siya nito sa kaniyang rest house. "Gusto mo bang pumasok muna?" "Saka na siguro dahil may pupuntahan pa akong importante." Sagot nito. "Pwedi ba akong sumama?" "Hindi. I mean masiyado iyong malayo." Kaagad na sagot nito sa kaniya. "Okay, mag- iingat ka." Sabi na lang niya at hinayaan na lang niya itong umalis. Pumasok na siya sa kaniyang rest house habang dala ang basket at ipinatong iyon sa mesa. Nilagay niya sa loob ng ref ang gulay at prutas pagkatapos ay nagbalat siya ng singkamas at isinawsaw niya iyon sa maanghang na suka bago kainin. Dalawang singkamas din ang naubos niya bago siya pumasok sa kaniyang kwarto at nagbihis. Dahil maaga pa naman ay lumabas muna siya habang may dalang mansanas at kinakain niya iyon habang naglalakad. Sumakay siya sa nakataling bangka na pagmamay- ari ni Keiran habang nakatingin sa asul na karagatan. Umupo lang siya doon hanggang sa dumilim na ang paligid. Bumalik na lang siya sa kaniyang rest house dahil nilalamig na siya sa labas. Dumiritso siya sa kusina at nagluto ng adobong sitaw at nilagyan niya iyon ng karne ng baboy. Nagluto din siya ng fried chicken. Dalawang putahe ang kaniyang niluto dahil balak niyang puntahan si Keiran sa rest house nito para dalhan ng pagkain. Pagkatapos niyang magluto ay nilagay na niya sa Tupperware ang kaniyang niluto at ipinasok sa recycled bag na gawa niya. Mabilis siyang nagbihis muna sa kaniyang kwarto bago binitbit ang bag at lumabas na. Naglakad lang siya dahil wala naman siyang masasakyan hanggang sa makarating sa rest house ni Keiran. Napatigil siya sa paglalakad ng makita si Keiran na tumatakbo ng mabilis at kaagad na sumakay ito sa bangka at mabilis na umalis. "Ano kaya ang nangyayari sa kaniya?" Tanong niya sa kaniyang sarili. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa at tinawagan niya ito ngunit hindi niya ito ma contact. Hinintay niya ito sa labas ng gate ng rest house nito. Umupo siya sa buhangin dahil nangangalay na ang kaniyang paa sa katatayo at nararamdaman na niya ang matinding gutom. Tiningnan niya ang oras sa kaniyang cellphone at 10:45 pm na. Apat na oras na pala siyang naghihintay kay Keiran pero hanggang ngayon ay hindi parin ito dumadating. Tumayo na lang siya at muling naglakad pabalik sa rest house niya. Kaagad na kumain siya pagdating niya sa kaniyang rest house. Naubos niya ang lahat ng niluto niya dahil sa subrang gutom. "Saan kaya pumunta si Keiran?" Muling tanong niya sa kaniyang isip. Dahil wala siyang makuhang sagot sa sarili niyang tanong ay pumasok na lang siya sa kaniyang kwarto at nagbihis muna at nagsepilyo bago humiga sa kanilang kama at natulog. NAGISING siya dahil may malamig na kamay na humahaplos sa kaniyang mukha. Idinilat niya ang dalawang mata niya at nakita niyang nakangiting nakatitig sa kaniya si Keiran. "Good morning." Nakangiting bati nito sa kaniya bago siya nito hinalikan sa labi. "Good morning din." Nakangiting sagot niya. Gusto niya sana itong tankngin kung saan ito pumunta kagabi pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Hinhintayin na lang niya ito na kusang magsabi sa kaniya kagabi. Bumangon na siya at pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos niyang maligo ay sabay na silang lumabas at pumunta sa kusina. Napangiti siya ng makita ang mga pagkain na nakahain sa mesa at halos mga paborito pa niya ang ulam. Umupo na sila at sabay na kumain. Hinintay niyang sabihin nito sa kaniya kung saan ito pumunta kagabi ngunit wala itong nabanggit kaya siya na lang ang nagtanong. "Saan ka pala pumunta kagabi?" Natigilan ito sa kaniyang tanong. "Ahmm sa rest house lang." Sagot nito. "He's lying." Sabi niya sa kaniyang isip. "Bakit ito magsisinungaling sa kaniya?" "Ah okay." Sagot na lang niya at hindi na muna pinansin ang pagsisinungaling nito sa kaniya. Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na naman sa kaniya si Keiran na aalis ito papuntang Cebu at ilang araw din itong hindi makakauwi. Gusto niya sanang sumama ngunit hindi siya nito tinatanong kong sasama ba siya o hindi. "Sino ang kasama mong pumunta sa Cebu?" Tanong niya habang umaasa siyang isasama siya nito. "Ako lang, nagka problema kasi ang negosyo ng mga magulang ko doom kung kaya ay kailangan ko talagang puntahan doon." Sagot naman nito. "Wala ka bang balak na isama ako? Iyan ang tanong na kanina pa niya gustong itanong kay Keiran ngunit nahihiya siya. "Sige, mag-iingat ka na lang doon." Sabi na lang niya. Hinalikan muna siya nito sa pisngi bago ito nagpaalam sa kaniya at umalis. "Ikakagalit kaya nito kung susundan ko siya sa Cebu?" Tanong niya sa kaniyang isip. "At bakit ko naman iyon gagawin?" Napailing na lang siya dahil mukhang nababaliw na siya sa pakikipag usap niya sa kaniyang sarili. Hunugasan na lang niya ang kanilang pinagkainan bago bumalik sa kaniyang kwarto at nagbihis. Balak niya kasing umuwi muna sa Manila. Pinadalhan kasi siya kaniyang kuya Lester ng mensahe na nasa Pilipinas ang kanilang ama at hinahanap siya nito. Kaagad na lumabas siya at sumakay siya sa sasakyan na sumundo sa kaniya. Habang nasa biyahe siya ay tinawagan niya si Keiran ngunit hindi niya ito ma contact kung kaya ay pinadalhan na lang niya ito ng text message. To Keiran Uuwi muna ako sa Manila dahil kakausapin ako ni Daddy.... Kaagad na senend niya ang message bago nilagay sa kaniyang bag ang kaniyang cellphone. Sa bahay ng kuya Lester niya sila dumiritso at nadatnan niya ang kaniyang ama na masayang nakikipaglaro sa dalawang apo nito na kambal. "Ate Nic." Masayang tawag sa kaniya ng kaniyang mga pamangkin ng makita siya. Sabay siyang niyakap ng dalawa. Nakangiting napatingin siya sa kaniyang ama na matagal niya ding hindi nito nakita. "Papa,how are you?" Tanong niya sa kaniyang ama. Kahit sa Korea nanirahan ang kaniyang ama ay marunong parin itong magsalita ng Tagalog. "I'm okay Princess." Nakangiting sagot nito sa kaniya. Hanggang ngayon ay Princess parin ang tawag nito sa kaniya kahit na matanda na siya. I mean 24 years old na siya at hindi na siya pweding tawagin na Princess. "I miss you papa." Lumapit sa kaniya ang kaniyang ama at niyakap siya. Tumakbo naman ang dalawang bata ng makita ang kuya Lester niya. "I miss you,sabi ng kuya mo ay nagbabakasyon ka sa private island natin." "Yes papa." Kaagad na sagot niya. "Okay, nandito lang ako para kamustahin ka anak at ang mama mo naman ay hindi nakauwi dahil busy sa mga kliyente niya. Pero bukas ay babalik din kaagad ako sa South Korea para tulungan ang mommy mo." "Okay po papa." Muli niyang niyakap ang kaniyang ama bago nag paalam na babalik sa private island nila. Dumiritso siya sa kaniyang rest house at pumasok sa kaniyang kwarto. Nagbihis muna siya bago humiga sa kaniyang kama. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa mesa at tiningnan kung tumawag ba si Keiran sa kaniya o nagpadala ng message ngunit wala. Walang missed calls or unread message na dumating. Dinaial niya ang cellphone number ni Keiran ngunit unattended ang cellphone nito. Naiinis na ibinalik niya sa mesa ang kaniyang cellphone bago bumangon at lumabas sa kaniyang kwarto at pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Gusto niya sanang lumabas at naglakad sa dalampasigan ngunit masiyado pang mainit sa labas. Kumuha na lang siya ng mansanas sa ref at kumain. Bored na bored na siya dahil wala manlang siyang makakausap. Muli siyang bumalik sa kaniyang kwarto at humiga na lang dahil wala naman siyang ibang gagawin. Muli niyang kinuha ang kaniyang cellphone at ipinapatuloy ang paglalaro ng Candy crash. Napatigil siya sa paglalaro ng bigla na lang tumunog ang kaniyang cellphone dabil tumawag sa kaniya si Keiran na kaagad niyang sinagot. "Hey." Nakangiting sabi niya. "How are you?" Tanong nito sa kaniya. "Dito na ako sa rest house ko at subrang na bored na ako dito dahil wala akong makakausap dito. Kailan ka ba babalik dito?" "Next week pa, marami pa kasi akong inaasikaso ngayon." "Sige, mag- iingat ka." Napakunot ang kaniyang nuo ng bigla nitong pinutol ang tawag. Hinintay niyang muling tatawag sa kaniya ngunit hindi iyon nangyari. Kaya siya na lang ang tumawag ngunit unattended na ang cellphone nito. Tumayo na siya binuksan ang bintana. "Gabi na pala." Lumabas siya sa kaniyang kwarto at pumunta sa kusina at nagluto. Pagkatapos niyang magluto ay hindi muna siya kumain. Lumabas muna siya at nagpahangin. Sa kalayuan ay nakita niya si Aleng Mina ang katiwala ni Keiran sa rest house nito. "Aleng Mina." Malakas na tawag niya at huminto naman ito sa paglalakad. Kaagad niya itong nilapitan. "Ma'am Nicole kayo po pala." Nakangiting sabi nito sa kaniya. "Saan ka po pupunta?" Nakangiting tanong niya din. "Sa rest house ni Sir Keiran doon po ako matutulog." Sagot nito sa kaniya. "Pwedi po ba akong sumama?" "Oo naman ma'am." Sabay na silang naglakad papunta sa rest house nitotoo.... .an. Sabay na silang naglakad hanggang sa makarating sila sa harapan ng gate. In open ni aleng Mina ang gate at kaagad na pumasok sila. "Matagal na po ba kayong nagtatrabaho kay Keiran aleng Mina?" Curious na tanong niya sa ginang. "Bata pa lang si Sir Keiran ay ako na ang nag- aalaga sa kaniya ma'am hanggang ngayon." Nakangiting sagot naman nito sa kaniya. "Alam niyo po ba kung anong ginagawa ni Keiran sa Cebu?" Muling tanong niya. Gusto niya kasing malaman kong nagsasabi sa kaniya si Keiran ng totoo. "Nagkasakit po kasi ang anak niya." Sagot nito. "Anak?" "Hindi po ba sinabi sa'yo ni sir ang tungkol sa anak niya?" Nagtatakang tanong nito sa kaniya. Ngumiti lang siya upang itago ang totoo niyang nararamdaman. "Hindi po baka po may rason siya kung bakit hindi pa niya sinabi sa akin ang tungkol sa anak niya." Sagot na lang niya. "Hindi ko dapat sinabi ito sa'yo." Sabi naman ni aleng Mina habang nakatakip sa bibig nito ang dalawang palad at nag-aalalang nakatingin sa kaniya. "Wag po kayong mag-alala aleng Mina dahil sigurado akong hindi magagalit si Keiran sa'yo." Pagpapakalma niya sa ginang. "Galit ka ba sa kaniya?" Tanong nito sa kaniya. "Bakit naman po ako magagalit aleng Mina? Wala naman po akong karapatan na magalit dahil wala naman po kaming relasyon." Nakangiting sagot niya. "Kung ganun, magkaibigan lang kayo ni Sir. Keiran?" "Opo aleng Mina, ahmm kumain na po ba kayo?" Pag-iiba niya ng usapan. "Oo iha, ikaw ba ay kumain narin ba?" Tanong din nito sa kaniya. "Hindi pa nga po pero nakapagluto po ako sa rest house ko kaya doon na lang po ako kakain." Kaagad na sagot niya. "Akala ko pa naman ay dito ka matutulog." "Hindi po aleng Mina,sinamahan ko lang po talaga kayo dito. Kailangan ko na pong umalis kasi lumalalim na po ang gabi." Magalang na sabi niya sa ginang. "Sige at mag- iingat ka." Tumango lang siya bilang sagot. Kaagad na lumabas siya at mag-isang umuwi sa kaniyang rest house. Kasalukuyang nakaupo siya sa kaniyang kama habang hawak ang kaniyang cellphone. Nagdadalawang isip siya kung tatawagan ba niya si Keiran o hindi. Gusto niyang malaman ang totoo. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit nasaktan siya sa nalaman. Dahil ba umasa siyang maging tapat ito sa kaniya? Dahil siya makatulog ay lumabas siya sa kaniyang kwarto at tumungo sa dalampasigan. Umupo siya sa buhangin habang nakatingin sa malayo. "Wala ba akong karapatan na malaman ang totoo?" Tanong niya sa kaniyang isip. "Nicole." Napalingon siya sa lalaking tumawag sa kaniya. Muli siyang tumalikod at mabilis na pinunasan ang kaniyang luha. Muli niya itong nilingon na may ngiti sa kaniyang labi. "Keiran." Lumapit ito sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. "I'm sorry." Bulong nito sa kaniya. "Bakit ka nagso sorry?" Kunwaring nagtatakang tanong niya kahit alam naman niya talaga ang totoo. "Sorry dahil hindi ko sinabi sa'yo ang tungkol sa anak ko." Sagot nito. "Wala iyon Keiran at karapatan mong gawin iyon." Nakangiting sagot niya. "Karapatan mong malaman iyon." Giit nito sa kaniya. "Bakit?" Nagtatakang tanong niya. "Dahil nililigawan kita." Kaagad na sagot nito na ikinataas ng dalawa niyang kilay. "Pumayag na ba akong manligaw ka sa akin? Wala akong natatandaang pinayagan kita." "Papayag ka ba na ligawan kita?" Tanong nito sa kaniya. "Noon oo pero ngayon ay nagdadalawang isip na ako." Iyan ang gusto niyang sabihin ngunit hindi niya masabi. "Wala pa sa isip ko ang bagay na iyan Keiran." Sagot na lang niya. "May boyfriend ka na ba Nicole?" Muling tanong nito sa kaniya. Naalala na naman niya ang panluluko sa kaniya ni Zaireck. Ilang araw ng wala silang komunikasyon at matagal narin na hindi niya in open ang kaniyang f*******: account kaya wala na siyang alam kung ano na ang nangyayari sa buhay nito at wala siyang balak na alamin pa. "Inaantok na ako Keiran, sige paalam." Mabilis siyang tumakbo at hindi pinakinggan ang pagtawag sa kaniya ni Keiran. She even turned off her cellphone para hindi din ito makatawag sa kaniya. Dumiritso siya sa kaniyang kwarto at nagbihis muna bago humiga sa kaniyang kama hanggang sa nakatulog siya. KINABUKASAN ay maaga siyang gumising dahil balak na niyang umuwi sa Manila. Wala na siyang ibang rason para manatili dito sa Isla. Bumangon siya at naligo bago lumabas at kaagad na sumakay sa kaniyang sasakyan. Hindi na siya nagpaalam Kay Keiran dahil ayaw niya itong makita. Ngunit ang pag- alis niya ay naudlot dahil bigla na lang humarang si Keiran sa harapan ng kaniyang sasakyan. Lumapit ito sa pinto ng kaniyang sasakyan at sumilip. Binuksan niya ang pintuan at lumabas siya. "Anong kailangan mo?" Tanong niya. "Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong nito sa kaniya. "Uuwi na ako sa Manila Keiran." Sagot niya. "Why?" Malungkot na tanong nito. "Kailangan ko ng magtrabaho sa kompaniya namin. Hindi naman kasi pwedi na manatili lang ako dito." "Babalik ka pa ba dito?" Muling tanong nito sa kaniya. "Hindi ko alam." Sagot niya. "Aalis na ako." Sabi niya bago sumakay sa kaniyang sasakyan at umalis. Dumiritso siys sa kaniyang bahay at kaagad na pumasok sa kaniyang kwarto. Nagbihis muna siya bago lumabas muli at tumungo sa kusina para magluto dahil kanina pa siya nagugutom. Dahil sa subrang gutom na niya ay nagluto lang siya ng pagkaing madali lang lutuin. Pagkatapos niyang magluto ay kaagad siyang kumain. Napatigil ang kaniyang pagsubo ng biglang tumunog ang doorbell sa labas. "Sino kaya iyon?" Tanong niya sa kaniyang sarili. Binitawan niya muna ang hawak na kutsara bago tumayo at binuksan ang pinto at pumunta sa gate. Binuksan niya ang gate at napakunot ang kaniyang nuo dahil wala namang tao sa labas. Napatingin siya sa lupa at nakita niya ang isang bouquet ng White roses. Kaagad na kinuha niya iyon at dinala sa loob ng bahay niya. Bumalik siya sa mesa at doon binasa ang maliit na papel na nakasabit sa bulaklak. Hi hon, I miss you so much.... -Z Iyan ang nakasulat sa maliit na papel. Mabilis siyang tumayo at galit na itinapon niya sa basurahan ang bulaklak. "How dare him." Galit na sabi niya. Wala namang ibang tao ang tumawag sa kaniya ng hon kundi ang walang hiya at manluluko niyang ex na si Ken Zaireck Steenly Ford. "Ano na naman ba ang kailangan nito sa kaniya?" Tanong niya sa kaniyang sarili. Pera kahit anong gagawin nito ay wala na siyang balak na balikan ito. "Over my sexy and beautiful body." Sabi pa niya bago muling umupo at kumain. Hindi siya iyong tipong babae na magpapagutom dahil lang sa iniwan ng kasintahan. Dahil para sa kaniya. "Food is life." End of chapter #2
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD