Chapter 08

1615 Words
KENNY’s POV Nandito ako ngayon sa school, nag-aaral syempre ano pa ba. Di joke lang, ito na talaga. Take two... Nandito ako ngayon sa school , kakagaling ko lang sa room ni Yohan , tinanong ko yung mga kaklase nya na pumasok na ba si Yohan, ngunit hindi pa daw ito pumapasok isang linggo na ang nakalipas simula nung Birthday nya. Ano na kaya ang nangyayari sa baklang 'yon, hindi man lang nagparamdam sa akin ni call o text wala, hindi ko rin naman sya mapuntahan sa Boarding House nya kasi hindi ko maiwan-iwan si daddy sa hospital walang magbabantay, nasa ibang bansa kasi yung step mom ko ina-asikaso yung naiwang trabaho ni daddy sa kompanya namin don. Oo mayaman kami, pinili ko lang talagang sumama kay Yohan na tumira sa Boarding House nya kasi naaawa ako sa bespren kong yun mag-isa na nga sa buhay mataman pa mabigyan ng kanyang tita ng penansyal na pangangailangan, sa totoo lang mayaman din yan sila kaso nung namatay ang mga magulang niya ay nalipat ang lahat ng kanilang mga ari-arian sa kanyang tita habang hindi pa sya tumutongtong sa 21 years old. Minomonitor naman sya ng bangko pati na rin ng family lawyer nila kaso lang masyadong magaling magpanggap yung tita nya, sarap nga pakuluan eh. - - Naglalakad na ako papunta sa classroom ko ng biglang nagvibrate yung cellphone sa bulsa ko agad ko itong kinuha at nakita kong si Yohan yung tumatawag, sa wakas nagparamdam din tong baklang dinosaur na'to. "Hoy! Bakit ngayon kalang nagparamdam!? Ang tagal mo nang hindi pumapasok, may balak ka pa bang bumalik dito sa school o wala na? Nagkaboardmate ka lang ng sobrang hot at sobrang yummy hindi ka na pumapasok, ano, nadevirginize ka na ba!? Hindi ka na virgin no?! Asan na yung padalagang pilipinang motto mo na parang pagong sa hinhin pagdating sa mga ganyang bagay, nalibing na ba, ano, sumagot ka!" pambungad kong sigaw sa kanya at oo alam ko yung boardmate nya ay sobrang hot at yummy dahil kwenento nya sa akin kinabukasan ng matapos yung big event dun sa Garden of Flower. ("Pwede ba ,hinay-hinay lang di na kita mareach eh!, anong pinagsasabi mong nadevirginize, hoy! Wag mo kong itulad sayo lukarit ka, tsaka FYI kaya hindi ako nakapasok ng isang linggo dahil may nangyari sa akin. Kaya ganun," ) ganti na bulyaw nya din sa akin, kinabahan naman ako sa sinabi nyang may nangyari sa kanya. "Ano! May nangyari sa'yo asan ka ngayon, nasa hospital ka ba?! Palipat ka sa ospital ni daddy para ma bisita kita!" taranta kong tanong sa kanya. ("Hoy bakla wag kang OA hindi naman ako nadisgrasya o nagkasakit no,,yung birthday ko lang eh nilagnat ako ng todo pero ok naman ako ngayon, iba yung nangyari sa akin, wag kang masyadong nega. Kaloka ka,") embyerna nyang sabi sa akin. "Huh. Anong iba, hindi kita ma-intindihan," sabi ko ("Hindi talaga, kaya kailangan kitang maka-usap personally, kaya hali ka sa BH mahaba-haba din yung ikwe-kwento ko.") "Ehhh! Hindi pwede— " ("Anong hindi?!") "Hindi ko kasi maiwan si Daddy walang magbabantay sa kanya, nandito nga lang ako sa school ngayon para I-follow up yung mga assignments at excuse letters ko, at saka matalino ka naman eh kaya isummarize mo na lang. " Nag-isip sya ng ilang segundo saka nagsalita. ("OK, medyo intense to kaya ihanda mo ang sarili mo— —inhale (humigop ako ng hangin) exhale (saka ibinuga) "ok ito na ...huwag kang mabibigla") "Okay." ("May powers ako!" ) bulalas nya. Isang minutong katahimikan. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. At agad na lang akong hugalpak ng tawa. "Ano namang kababalaghan ang nangyari sa'yo at pati ako ay dinadamay mo na sa mga kalokohan mo? " Bigla naman akong naging seryoso. "Ikaw, umamin ka nga sa akin, dahil siguro yan sa puting likido ng kaboardmate mo no at kaya ka nagkakaganyan? Umamin ka at wag mong susubukang magsinungaling dahil kilala na kita malalaman ko kung nagsasabi ka ng totoo o hindi, " sabi ko sa kanya ng may pagbabanta. ("Nagsasabi talaga ako ng totoo, kaya nga sinabi ko sa'yo na mag-usap tayo sa personal para ma-ipaliwanag ko sa'yo ng mabuti, at anong sinasabi mong puting likido, ang bastos talaga ng bunganga mo kahit kailan. Wag mo kung itulad sa iyo na may gwapo lang na matipuhan, tuwad agad, ") halata sa boses nya na napikon sya sa sinabi ko. "Oyy eh di sorry na, oh ipagpalagay na natin na totoo yung sinasabi mo, ano naman yung kongkretong paliwanag mo para sa mga nangyari sa'yo. At ipinaliwanag nya sa akin ang lahat-lahat yung kaboardmate nya na nag ngangalang Martin ay hindi daw taga earth tapos nandito daw para bantayan sya, haba ng hair ni ateng may papabols na tagabantay, pati na rin yung mga nangyayari sa katawan nya at pati na rin daw yung weird na lumalabas na usok sa katawan ni Martin, lahat-lahat talaga as in. Wala naman akong magawa kundi makinig lang sa kanya, kahit na may parte din sa akin na naniniwala at meron ding hindi pero isa lang ang kailangan kong gawin. Ang supportahan at intindihin sya. Itutuloy... KENNY’s POV Nandito ako ngayon sa school, nag-aaral syempre ano pa ba. Di joke lang, ito na talaga. Take two... Nandito ako ngayon sa school , kakagaling ko lang sa room ni Yohan , tinanong ko yung mga kaklase nya na pumasok na ba si Yohan, ngunit hindi pa daw ito pumapasok isang linggo na ang nakalipas simula nung Birthday nya. Ano na kaya ang nangyayari sa baklang 'yon, hindi man lang nagparamdam sa akin ni call o text wala, hindi ko rin naman sya mapuntahan sa Boarding House nya kasi hindi ko maiwan-iwan si daddy sa hospital walang magbabantay, nasa ibang bansa kasi yung step mom ko ina-asikaso yung naiwang trabaho ni daddy sa kompanya namin don. Oo mayaman kami, pinili ko lang talagang sumama kay Yohan na tumira sa Boarding House nya kasi naaawa ako sa bespren kong yun mag-isa na nga sa buhay mataman pa mabigyan ng kanyang tita ng penansyal na pangangailangan, sa totoo lang mayaman din yan sila kaso nung namatay ang mga magulang niya ay nalipat ang lahat ng kanilang mga ari-arian sa kanyang tita habang hindi pa sya tumutongtong sa 21 years old. Minomonitor naman sya ng bangko pati na rin ng family lawyer nila kaso lang masyadong magaling magpanggap yung tita nya, sarap nga pakuluan eh. - - Naglalakad na ako papunta sa classroom ko ng biglang nagvibrate yung cellphone sa bulsa ko agad ko itong kinuha at nakita kong si Yohan yung tumatawag, sa wakas nagparamdam din tong baklang dinosaur na'to. "Hoy! Bakit ngayon kalang nagparamdam!? Ang tagal mo nang hindi pumapasok, may balak ka pa bang bumalik dito sa school o wala na? Nagkaboardmate ka lang ng sobrang hot at sobrang yummy hindi ka na pumapasok, ano, nadevirginize ka na ba!? Hindi ka na virgin no?! Asan na yung padalagang pilipinang motto mo na parang pagong sa hinhin pagdating sa mga ganyang bagay, nalibing na ba, ano, sumagot ka!" pambungad kong sigaw sa kanya at oo alam ko yung boardmate nya ay sobrang hot at yummy dahil kwenento nya sa akin kinabukasan ng matapos yung big event dun sa Garden of Flower. ("Pwede ba ,hinay-hinay lang di na kita mareach eh!, anong pinagsasabi mong nadevirginize, hoy! Wag mo kong itulad sayo lukarit ka, tsaka FYI kaya hindi ako nakapasok ng isang linggo dahil may nangyari sa akin. Kaya ganun," ) ganti na bulyaw nya din sa akin, kinabahan naman ako sa sinabi nyang may nangyari sa kanya. "Ano! May nangyari sa'yo asan ka ngayon, nasa hospital ka ba?! Palipat ka sa ospital ni daddy para ma bisita kita!" taranta kong tanong sa kanya. ("Hoy bakla wag kang OA hindi naman ako nadisgrasya o nagkasakit no,,yung birthday ko lang eh nilagnat ako ng todo pero ok naman ako ngayon, iba yung nangyari sa akin, wag kang masyadong nega. Kaloka ka,") embyerna nyang sabi sa akin. "Huh. Anong iba, hindi kita ma-intindihan," sabi ko ("Hindi talaga, kaya kailangan kitang maka-usap personally, kaya hali ka sa BH mahaba-haba din yung ikwe-kwento ko.") "Ehhh! Hindi pwede— " ("Anong hindi?!") "Hindi ko kasi maiwan si Daddy walang magbabantay sa kanya, nandito nga lang ako sa school ngayon para I-follow up yung mga assignments at excuse letters ko, at saka matalino ka naman eh kaya isummarize mo na lang. " Nag-isip sya ng ilang segundo saka nagsalita. ("OK, medyo intense to kaya ihanda mo ang sarili mo— —inhale (humigop ako ng hangin) exhale (saka ibinuga) "ok ito na ...huwag kang mabibigla") "Okay." ("May powers ako!" ) bulalas nya. Isang minutong katahimikan. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. At agad na lang akong hugalpak ng tawa. "Ano namang kababalaghan ang nangyari sa'yo at pati ako ay dinadamay mo na sa mga kalokohan mo? " Bigla naman akong naging seryoso. "Ikaw, umamin ka nga sa akin, dahil siguro yan sa puting likido ng kaboardmate mo no at kaya ka nagkakaganyan? Umamin ka at wag mong susubukang magsinungaling dahil kilala na kita malalaman ko kung nagsasabi ka ng totoo o hindi, " sabi ko sa kanya ng may pagbabanta. ("Nagsasabi talaga ako ng totoo, kaya nga sinabi ko sa'yo na mag-usap tayo sa personal para ma-ipaliwanag ko sa'yo ng mabuti, at anong sinasabi mong puting likido, ang bastos talaga ng bunganga mo kahit kailan. Wag mo kung itulad sa iyo na may gwapo lang na matipuhan, tuwad agad, ") halata sa boses nya na napikon sya sa sinabi ko. "Oyy eh di sorry na, oh ipagpalagay na natin na totoo yung sinasabi mo, ano naman yung kongkretong paliwanag mo para sa mga nangyari sa'yo. At ipinaliwanag nya sa akin ang lahat-lahat yung kaboardmate nya na nag ngangalang Martin ay hindi daw taga earth tapos nandito daw para bantayan sya, haba ng hair ni ateng may papabols na tagabantay, pati na rin yung mga nangyayari sa katawan nya at pati na rin daw yung weird na lumalabas na usok sa katawan ni Martin, lahat-lahat talaga as in. Wala naman akong magawa kundi makinig lang sa kanya, kahit na may parte din sa akin na naniniwala at meron ding hindi pero isa lang ang kailangan kong gawin. Ang supportahan at intindihin sya. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD