"Oh paano? Sorry talaga girl ha! Bawi ako next time!"
"Sige na! Wala yun! Ingat ka sure ka ba na di na kita samahan sa condo mo? Baka kailangan mo ng back up at ano pang gawin sayo ng ex mo?"
"Di na! Kaya ko na yun! May mga guards naman! Sige alis na ako ah!"
"Sige ingat!"
Papasok na sana ng bahay si Tina pagka alis ng sasakyan ni Lucy matapos siyang maihatid pabalik sa kanyang bahay, Ngunit nakareceive siya ng text mula sa ina na gagabihin ito ng uwi. Kaya naman ipinasya nalamang niyang puntahan ito sa shop.
Bago pa man ito makarating sa shop ay naisipan muna niyang dumaan sa isang jewelry boutique, Magbi-birthday na nga pala sa isang buwan ang kanyang ina at gusto niya itong surpresahin at regalohan ng isang alahas.
"Hi Ma'am! Ano pong hanap nila?"
"Ahmm Miss... Magkano yung ganung kuwintas?"
"Eto po? 86,800 po mam pero nagbibigay naman po kami ng discount"
Napalunok ng laway si Tina mukhang sosobra sa kanyang budget ang halaga niyon.
"Ahh sige next time nalang balikan ko yan!"
"Naku Ma'am, Baka wala na po ito next time lalo na po at naka promo po kami marami narin pong tumingin nito"
"Ahh... Sige ok lang! Baka may ibang designs pa naman kayong ilalabas medyo kulang sa budget eh"
"Meron naman po kaming mura sa loob kung medyo kulang po ang budget nyo puwede nyo po tignan"
"Ahh ganun ba? Si.."
"Miss Tina!"
Susunod na sana sa sales lady si Tina ng tawagin siya ng babae
"Maria? Este... Miss Dominique?"
"Hi!"- Agad na bumeso si Dominique sa kanya
"Hello! Anong ginagawa mo dito?"
"Namimili ako ng mga jewelries na gagamitin ng mga guests sa wedding ko"
"Ahh... Talaga? Pati pala yun sagot ninyo?"
"Actually hindi naman sa mga piling friends and relatives lang naman, Ikaw? anong ginagawa mo? Kasama mo ba si Miss Lucy?"
"Ahh hindi! Ako lang mag-isa! Tumitingin lang din ako na puwedeng ipang regalo sa Mama ko para sa Birthday nya!"
"Really? Nakapili ka na ba?"
"Ahh... Hindi pa! Medyo kulang kasi sa budget yung nagugustuhan ko, Medyo pricy kasi eh kaya next time nalang pag-iipunan ko muna"
"Nasan ba? Babayaran ko na para sayo"
"Ha? No! No! No O...Ok lang Miss Dominique"
"Dominique nalang!"
"Ahh... Do.. Dominique!"
"Ano ka ba! Ok lang nasan ba yun?"
"Hindi na! Kasi.. Ahmm... Mas magaan sa puso ko kung manggagaling sakin mismo yung perang ipambabayad ko para dun alam mo na! Iba pa rin kapag nakita mong naibigay mo yung pinaka espesyal na regalo mo sa mother mo na sa pinag paguran mo mismo nanggaling!"
"Edi mag advance ka na muna!"
"Ha?"
"Eh diba nga may job pa kayo samin atleast masasabi mo na galing talaga sa pinag paguran mo, na iadvance nga lang yung pyment?"
"Ahh.. Naku.. Hindi na! Tsaka makapag hihintay pa naman yun! Next month pa naman ang birthday ni Mama"
"Sure ka?"
"Oo! Sure ako! Ok lang talaga!"
"Ok.. Kung hindi talaga kita mapipilit eh sige, Ahmm... By the way since nandito ka rin naman at nagkita narin naman na tayo eh samahan mo nalang ako mag dinner"
"Di mo ba kasama yung fiance mo?"
"Busy siya ngayon eh may inaasikaso"
"Ahh.. I see"
"Tara? I don't take No for an answer ha! Dinecline mo na ako ng isang beses huwag na sanang pumangalawa pa!"
Nangiti naman si Atheena sa sinabing iyon ni Dominique
"Ok... Tara!"
"Very Good!"
Hinila na agad ni Dominique si Atheena
"Teka! Akala ko ba bibili ka muna ng mga alahas?" - Agad na pigil pa niya kay Dominique ng maalala ang una nitong sinabi kanina
"I changed my mind! Maybe some other day nalang siguro!"
"Sayang naman! Andito ka na eh!"
"No worries ano ka ba! Siguro isasama ko nalang din sila dito para makapamili sila ng maigi I mean my family and friends alam mo na! Baka kasi di rin nila magustuhan yung pipiliin ko para sa kanila eh!''
"Ayy choosy pa?"
"Hahaha echos lang! Gusto lang kita makasama mag dinner kaya mas priority kita tonight!"
"Hahaha ang sweet naman sige na nga!"
Maya maya nga ay tuluyan na nilang nilisan ang boutique at nag hanap na nang makakainan, Nagtext na rin si Tina sa kanyang inang si Merly at ipinaalam na nakasalubong si Dominique sa daan at niyaya siyang kumain. Pumayag naman ang ina at sinabing matatagalan din naman daw siya sa pag uwi dahil dagsa pa rin ang tao sa kanilang shop.
Sa isang kilalang Japnese restaurant naisipang kumain nila Dominique at Tina.
Palibhasay magaan ang loob nila sa isat-isa kaya naman tila matagal na magkaibigan na sila kung mag-usap.
"Alam mo bagay kayo ni Kuya Simon! Tingin ko magkakasundo kayong dalawa! Nakikita ko yung similarities ninyo sa maraming bagay eh!"
"Ha? Simon?"
"Oo! Yung kuya ng fiancee kong si Sirc!''
"Ahh.. Bakit mo naman nasabi yun?"
"Pareho kasi kayong mabait at dedicated sa work and passion nyo! Pareho din kayong mapagmahal sa pamilya!"
"Mama ko nalan naman kasi ang pamilya ko! Bata palang ako ng mamatay si Papa!"
"Well... Sirc and Kuya Simon both lost their morher too when they are still young! Nagkasakit kasi si Tita! Cancer! late na nila nalaman inilihim kasi nya yung kalagayan nya dahil ayaw din nyang mag-alala sa kanya yung mag-aama nya kuwento p ni Sirc akala nila dati simpleng sakit lang o di kaya ay dahil sa puyat kaya madalas na mahilo noon yung Mom nila! Iyon daw kasi lagi nitong sinasabi yun pala iba na! Malala na pala!"
"Bakit hindi rin napansin ng Daddy nila?"
"Ahmm.. Kasi.. haist! Alam mo kasi! Actually Their mom loves someone else!"
"Ha?"
"Pano ko ba i explain? Ang daldal ko kasi eh!"
"Ok lang kung nahihirapan ka! Private life narin naman nila yun"
"Actually! ganito nalang! Sabihin nalang natin na binalikan ni Tita yung first love nya kaya lang kasi hindi naging madali kasi kasal na siya nung time na yun kay Tito! Sa Dad ni Sirc! Kaya lang dahil ayaw ni Tito mapahiya sa iba kaya binawi nya si Tita yun nga lang ilang buwan narin pala siyang buntis at iyon nga ay si Kuya Simon!"
"You mean? Hindi siya totoong anak ng Dad ni Sir Sirc?"
"O- Oo! Kaya hindi naging madali din ang childhood ni Kuya! ibang iba ang trato ni tito sa kanya at ni Sirc! Si Tita naman kahit nasa piling na ng asawa hindi nawala sa isip nya yung first love nya mahal na mahal nya kasi pero kahit na ganun hindi siya naging pabayang ina sa dalawa nyang anak, Madalas lang daw sinasaktan ni Tito ang Mommy nila kaya madalas itong umiiyak pati si Kuya Simon! Base yun sa kuwento ni Sirc!"
"Ahh... I.. See... Ang lungkot din pala ng life at love story ng Mommy nila!"
"Oo! Ipinilit lang din kasi ipakasal ang parents nila kahit wala naman talagang love"
Tumango tango lamang si Tina at muling sumagi sa kanyang isip sina Celestina at Sebastian
"Ikaw ba Miss Atheena?"
"Ha?"
"ilang tao ka ng mawala ang Papa mo?"
"Sabi ni Mama! Nasa tiyan nya palang daw ako nung mawala si Papa eh!"
"Talaga? so wala ka pala talagang memories sa kanya?"
"Wala! Pero palagi naman siyang kinukwento sakin ni Mama dati kaya parang nakasama ko na din siya"
"Ano naman ang kinamatay nya? If ok lang itanong?"
"Seaman ang Papa ko! Bigla nalang siyang di umuwi! Ang sabi tumalon daw sa barko at hindi na nakita pa! Ewan! Sabi ng iba napagtripan daw or baka napaaway eh!"
"Kawawa naman pala ang Mama mo!"
"Oo nga eh! Kaya mahal na mahal ko yun eh!"
"Bakit nga pala wala ka pang boyfriend?"
"Ha?"
"Sorry ha! Nabanggit kasi ni Miss Lucy nung minsang nagka chat kami"
"Ang babaeng yun talaga!"
"Hala! Sorry na! Huwag ka magalit kay Miss Lucy"
"Hindi keri lang sanay naman ako dun"
"Ayaw mo bang pag-usapan?"
"Hindi naman! Ano lang kasi siguro dahil di ko pa nahahanap yung tamang tao para sakin''
"Ganun ba? Baka naman kasi masyado kang mapili?"
"Hindi naman! Sadyang ayaw lang tumibok eh"
"Hahaha... Sana magkakilala na kayo ni Kuya Simon!"
"May girlfriend yun diba?"
"Meron nga! Pero feeling namin niloloko lang siya eh!"
"Pano nyo nasabi?"
"Well... Kung mahal ba nya si kuya Simon kahit gaano siya kabusy eh dadalawin at pupuntahan nya yung boyfriend nya na nag-aagaw buhay hindi ba? like hello pwedeng mamatay yung boyfriend mo pero nasaan ka? tapos eto pa! Palagi siyang maya katawagan at ka chat madalas siyang mahuli ni Sirc at sinusumbong kay kuya! Kaso wala eh! Inlove si kuya!"
"Ahh... Tanga pala!"
"Sinabi mo pa!"