Chapter 11

1585 Words
Masakit parin ang ulo ni Tyler dahil sa hang over, Di rin siya makapag trabaho ng maayos dahil bad trip din siya sa nangyari sa kanila kaninang umaga kaya naman nagpasiya siyang mag cancel muna ng ilang appointments at meeting sa araw na yun bahala na kung mapagalitan siya ulit ng kanyang Lolo, Sa halip ay pinili niyang lumabas muna ng opisina at mag drive kung saan siya patungo ay hindi nya pa rin alam. "Anong pakialam ko sa galit ng matandang yun? Sanay naman na ako!" Ngingiti ngiti pa si Tyler habang mahigpit ang pagkakahawak sa manibela "Girl! Ihininto mo dito nalang tayo! Panoorin natin dito mamaya ang sunset!"- Masayang wika ni Tina sa kaibigan "Ha? Sunset talaga? Kaka alas dos palang oh matindi pa ang sikat ng araw!" Angal naman ni Lucy "Tsk! Anong matindi ka dyan? Ayan oh tignan mo medyo makulimlim nga eh tsaka mukhang breezy ang hangin" "Ano? Aba! Oo nga ano? Biglang may pa change weather? Kanina sobrang init kaya akala ko masusunog ang balat natin buti sana kung magsu-swimming talaga tayo eh ok lang! Wait! Ipark ko lang ng maayos ang sasakyan ko" "Go!"- Excited pang tugon ni Tina habang nililinis din ang lense ng kanyang camera Maya maya nga ay lumabas na sila ng sasakyan at sinasamyo na ang sariwang hangin na dulot na rin ng mga puno at karagatang nakapaligid dito "Wait dun muna ako kunan ko yung mga ibon dun oh"- Paalam pa ni Tina "Maya lang yun girl!" "Eh ano? Ang ganda kaya nilang tignan oh! malay mo may mga balinsasayaw din" "Palawan lang?" "Bakit? Sure ka bang sa palawan lang talaga sila matatagpuan? Eh lumilipad naman sila!" "Whatever! Bahala ka nga! Dito lang ako sa ilalim ng puno mag sight seeing nanamnamin ko ang amoy ng dagat" "Ok!"- Agad namang naglakad na nga palapit sa mga tinutukoy na ibon si Tina bumubuo kasi ng formation ang mga ito habang tila nagsasayaw sa may di naman kalalimang parte ng dagat ang iba naman ay tila nanghuhuli ng makakaing isda kaya naman tuwang tuwa si Tina na kumukuha ng litrato dahil bihira siya makasaksi ng ganito. Ilang minuto na rin ang nakalipas at tila di parin magka mayaw si Tina sa pagkuha ng litrato dahil animoy nakikiayon pa ang mga ibon sa kanya kaya naman hindi maalis sa labi nito ang mga ngiti "Nice view right?"- Nagulat pa si Tina sa tinig na iyon ng lalaki kaya naman agad niya itong nilingon, Ngunit sa di malamang dahilan ay nakita niya ang pag kabigla sa mukha nito sa pag harap niya "Yes?"- Pataray pang wika ni Tina medyo nakaramdam kasi siya ng pambabastos sa expression ng mukha na iyon na ibinigay sa kanya ng lalaki para ba kasing hindi nagustuhan ng lalaki ang itsura niya? Napangitan ba ito sa kanya? Na dissappoint? or what? "Mr? Kumukuha ako ng magagandang shots dito please lang huwag mo akong gambalain at kung puwede lang din huwag kang gagawa ng ingay or ano pa man na pwedeng bumulabog sa mga models ko" "Ha? Models?"- Titig na titig pa rin ang lalaki sa kanya "Yung mga ibon! Duh!"- Nag roll eyes pang ibinalik ni Tina ang focus sa kanyang camera, Narinig pa niyang bahagyang napatawa ang lalaki kaya nainis na talaga siya dito pero di lang niya pinahalata ngunit bigla nalang lumipad sa malayo ang mga ibon. "Ayan wala na! Buwisit! Ang ingay mo kasi!"- Buwelta kaagad ni Tina sa lalaki "What?" "Yung mga ibon lumipad na papalayo ang gaganda na sana ng shots ko kanina bakit ka ba kasi sumulpot bigla dyan sa likuran ko? Ano bang kailangan mo? Ang lawak lawak ng paligid oh!"- Pagtataray pa nito "Sorry! Wala akong masamang intention it so happened na halos sabay tayong pumunta dito then na curious ako kung anong pinagka kaabalahan mo! Sorry talaga" Mukhang sincere naman ang lalaki sa pag hingi ng tawad kaya lumambot naman agad si Tina pero di parin nawawala ang inis niya sa naging expression nito kanina "Ok! Sige since wala naman na yung mga ibon mabuti pa sa ibang part nalang ako pupunta! Dyan ka na nga!" "Wait lang!"- Agad na hinawakan siya ng lalaki sa braso at tila may kuryenteng dumaloy pareho sa kanila ng magtama ang kanilang mga balat bigla nalang din ang tila panlalammbot ni Tina at saglit na nawalan ng malay "Miss? Miss?"- Sigaw pa ng lalaki na bakas ang pag-aalala Agad namang bumalik ang lakas ng dalaga at nagmulat ng mata "Thank God! What happened?"- Masuyong nakamasid pa rin ang lalaki sa kanya "Sorry! H..Hindi ko rin alam eh!" "M..may Sakit ka ba?" "Ha? Wala! Wala naman!" "Siguro napagod ka ang mabuti pa magpahinga ka muna!" - nakaalalay pa rin ang lalaki sa kanya "Salamat!" Pinagmamasdan pa rin nito ang mukha ni Tina kaya naman di narin nakatiis ang dalaga "Mr? Kanina ka pa ganyan kung makatingin may problema ka ba sakin? Alam mo yun? Para kasing nakaka buwisit eh!" "Ha? Ahh.. Sorry ako din naguguluhan eh pero parang nakita na kita before diko lang sure kung saan?" "Ganun ba? Akala ko naman dahil napapangitan ka sakin or what? Nakakainis kaya parang shock na shock ka kasi kanina!" "No! Bakit ako mapapangitan eh sa totoo lang ang ganda ganda mo kaya!" Naramdaman pa ni Tina na nag-init ang kanyang pisngi sa sinabi ng lalaki "Talaga lang ha!"- Sa halip ay pagtataray nito sa kanya "Actually its kind a weird kasi..." "Kasi?" "Wala! Wala naman!" "Ano yun? May sasabihin ka diba?" Bahagyang natahimik pa ang lalaki at nag-isip. "Nevermind! Anyway I'm Tyler and you are?" "Atheena! You can call me Tina for short!" "Celestina?" - Mahinang bigkas ng lalaki "What?" Tila tumambol naman ang dibdib ni Tina at nanlaki ang mata na napatitig din dito "Wala! Sounds a like kako! Yung kakilala ko kasi naalala ko! Kamukha mo siya oo yun pala ang rason bakit napatitig ako sa iyo!"- Sa halip ay wika nito at nakipag kamay na sa kanya at iniabot din naman ni Tina ang kamay niya ngunit kunot noo paring nakatitig sa kanya "May kakilala kang Celestina? Kamukha ko? Saan mo siya nakilala? Nasaan siya ngayon? Kaya ka pala titig na titig sa akin kanina?" "Ang totoo nyan kasi!" "Tina! Tina! Halika na!"- Sigaw pa ni Lucy kaya di na naituloy ng lalaki ang sasabihin "Tinatawag ka na ng kasama mo!"- Nakangiting wika ni Tyler "Wait! Sagutin mo muna ako nasaan si Celestina?" "Ha?" "Sabi mo kilala mo siya at kamukha ko? Kung ganun nasaan siya?" "Well.." "Tina! Lets go!"- Sigaw muli ni Lucy "Kailangan nyo na daw umalis" "Sagutin mo muna ako!" "I don't know!" "What?" "Girl! Hurry up!" "Wait lang Lucy! Tyler?" Bigla namang nagring din ang cellphone ng binata "Wait lang sagutin ko lang to! Hello?" -Tumalikod pa ito sa kanya at naglakad ng ilang hakbang palayo, Patuloy din naman s pagkampay at pagsenyas si Lucy na aalis na sila kaya naman wala na rin nagawa si Tina kundi ang magtungo sa kaibigan. "Ano ba yun?" - Halata sa tinig ang pagka irita "Bakit badtrip ka?" "Kainis ka kasi eh bakit ba?" "Ayy wow! Nainis talaga? Eh sino ba yun? Mukhang may kaharutan ka ah! Infairness pogi ah! Tsaka mukhang mabango at mayaman!" "Tse! Ano ba ang minamadali mo? Akala ko ba lumabas tayo para mamasyal bakit bigla bigla ka namang nag-ayang umuwi?" "Kasi girl! Tumawag yung security sa building ng unit ko yung ex ko nagwawala gustong pumasok sa condo ko! Gustong kunin daw yung mga naiwan niyang gamit! Eh hello! Hindi pwede pera ko lahat yun no! Ano siya sinusuwerte? Ipapa blotter ko siya makikita nya!" "Ganun ba? Oh edi may choice pa ba ako? Kailangan mo na talaga akong iuwi!" - Muli pang sinulyapan ni Tina ang lalaki na busy paring nakikipag usap sa kanyang cellphone "Ayaw mo ba? Gusto mo bang maiwan sa kanya?"- Panunukso ni Lucy "What? Anong sinasabi mo? Tara na!" Mabilis na pumasok si Tina sa sasakyan at sinundan naman siya kaagad ng kaibigan "Sorry na girl! Malay ko ba na babalik yung buwisit kong ex para manggulo teka sino ba kasi yung si Pogi? nagkakilala ba kayo? Nakuha mo ba name nya?" "Tyler!" "Oohh... How about the number?" "Nope!" "What? Bakit? Sayang!" Hindi na umimik si Tina sa halip ay itinuon ang tingin sa labas ng bintana, maya maya pa ay pinatakbo na ni Lucy ang sasakyan "Kilala nya si Celestina!"- Biglang sabi pa ni Tina "Ha? Nino?"- Kunot noong tanong ni Lucy "Si Tyler!" "Oh my God! Kaya ba ayaw mo pang umalis? Bakit di mo sinabi? Gusto mo bang bumalik? Balikan natin!" "Hindi na! Hindi na! Hayaan na natin baka may ibang pagkakataon pa naman" "Paano eh hindi mo nga nakuha ang number eh!" "Bahala na!" "Eh teka paano mo nasabing kilala nya si Celestina?" Muling idinetalye ni Tina ang lahat sa kaibigan kaya naman napa OMG nalang ulit ito. Nadismaya si Tyler ng tuluyan ng nawala si Tina ni hindi man lang niya nagawang kunin ang number nito "Idiot! Nasa harapan mo na! Pinakawalan mo pa! Bakit di mo naisip yun kanina?"- Napahilamos pa ng palad sa mukha ang binata "Atleast! Now I know! Hindi lang siya basta basta panaginip! Totoong tao siya baka mali lang ako sa pagkakaintindi ko sa panaginip ko baka nga hindi Celestina ang name nya baka nga Atheena talaga yun! Pero bakit siya umiiyak sa panaginip ko? Sino ang tarantadong nagpaiyak sa kanya? Kung ganun hindi ako makakapayag na masaktan siya muli ng taong yun! Po-protekahan ko siya!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD