"Sir nasa baba po si Ma'am Ana!"
"What? Ok sige pakisabi nalang po Manang bababa na po ako!"
"Ok po Sir!"
"After so many months sa wakas nagparamdam na rin yang girlfriend mo!"
"Alam mo namang busy siya sa work!"
"Eh bakit? Ikaw din naman ah!"- Naiiritang sagot pa ni Sirc
"Hayaan mo na! Sige mamaya na natin ituloy to babain ko lang muna yung girlfriend ko!"
"Hay naku kuya pagdating talaga dyan sa Ana na yan tumitiklop ka!"
"Hahaha ganun talaga pag mahal mo! Ganun ka rin naman kay Dominique eh!"
"Eh magkaiba naman sila ng ugali ni Dominique"
"Whatever!"
Iiling iling nalang na naglaro ng billiard na mag-isa si Sirc
"Babe?"
"Hi Babe!"- Malawak ang pagkakangiti at kaagad na niyakap ng babae si Simon at agad na hinalikan siya sa labi.
"Bakit ngayon ka lang?"- May himig pagtatampo sa tinig ni Simon
"Babe! Huwag ka ng magtampo naipaliwanag ko naman na hindi ba? Sorry talaga hindi kita nadalaw sa hospital pero I swear nung nabalitaan ko yung nangyari sayo halos hindi ako mapakali gusto kong bumalik dito sa Pilipinas mabantayan ka lang kaso hindi na daw puwede sabi ng manager ko kasi masisira daw kami sa mga organizers kaya sorry talaga Babe!"- Naglambing pa ito at muling yumakap sa kanya
"Ok lang! Naiintindihan ko! Mas priority mo nga pala ang pag momodel mo kesa sakin na Boyfriend mo lang naman!"
"Hmm... Babe naman eh! Hindi totoo yan! Nagkataon lang talaga lahat pero araw araw akong nagdadasal na sana ligtas ka at gumising na! Kung alam mo lang talaga kung ilang butil ng luha ang iniyak ko nung mga panahon na yun"
"Eto naman! Binibiro lang kita alam ko naman yun eh! Tsaka matitiis ba naman kita eh alam mong mahal na mahal kita eh!"
"Ako din naman mahal na mahal kita! Ay siya nga pala may dala akong Cake! Tara kainin natin"
"Wow! Himala! Hindi ka ba diet today?"
"Hahaha wala naman akong rampa this month tsaka dadaanin ko nalang sa exercise"
"Hindi ko maintindihan sayo diet ka ng diet eh ang payat payat mo naman!"
"Eh alam mo naman pag model ka dapat perfect shape ka! Mahirap na ano baka maunahan ako ng iba ang hirap kaya ng labanan sa pagiging best model! Pangarap ko kaya to hindi ba?"- Wika pa ng babae habang nag-aayos ng mesa at tuluyan ng inilabas at hiniwa ang cake
"Hanggang kelan ka dito? I mean mag stay sa Pilipinas?"
"As I said wala akong rampa this month so meaning 1 month mo akong makakasama!"- Nakangiting tugon nito
"Wow!"
"Wow talaga kaya naman babawi talaga ako sayo!"
"Edi makakasama ka sa kasal ni Sirc?"
"Oh... Iyon lang!"
"Bakit?"
"Nakapangako ako kina Ruth nyan eh!"
"Akala ko ba babawi ka sakin?"
"Oo nga! Kaso yung araw na yun matagal na ding plano ng barkada! Kaya hindi ako makakasama sayo pero the rest of the days naman sayong sayo lang ako!"
Yumakap pa ito sa kanya at hinalikan sa labi
"I missed you!"
"I missed you too!"- Hinalikan pang muli ni Ana si Simon kaya naman ginantihan din siya nito ng malalalim na halik
"Ehem... Ehem..."
Sabay pa silang napalingon
"Baka puwedeng kumuha ng tubig ano? Maistorbo ko muna kayo ha!"
"Buti naman alam mong nakakaistorbo ka talaga!"- Tatawa tawa pang wika ni Simon sa kapatid
"Bakit kasi naman dito nagtutukaan may kuwarto naman!"- Pang bubuska pa ni Sirc
"Loko ka talaga! Bilisan mo na!"
"Oo na! Oo na! Uyy.. Ang sarap nyan puwedeng pahingi?"
"Ahh sige lang Sirc! Kuha ka lang"- Tugon naman agad ni Ana
"Thanks"- Sagot lang ni Sirc sabay kuha ng platito at maya maya nga ay umalis na rin
"So Babe? Saan tayo mamaya?" - Tanong pa ni Ana ng masigurong wala na si Sirc
"Mamaya?"
"Yeah... Di ba nga babawi ako? Kaya naman sayong sayo ako! Angkinin mo ako ng paulit ulit ok lang sakin! Namimis na rin kasi kita talaga! Yung mga yakap mo! Yung mga halik mo at yung bawat himas mo sa katawan ko"- Kagat labi pang wika ng babae na animoy nang aakit
"Iyon lang ba talaga ang namimis mo?"- Ginantihan pa ni Simon ang pang-aakit na ginagawa ng girlfriend
"Hahaha... Siyempre pati yan ano!
(Kagat labi p niyang minuwestra ang ibabang bahagi ng binata)
Medyo matagal na panahon na ring hindi nakakapasok yang malaki mong sandata sa akin kaya naman handa akong magpawasak sayo mamaya"
"Sabi mo yan ha! Humanda ka talaga sakin mamaya! Sisiguruhin ko sayong hindi ka makakatayo bukas"
"Hmm... Love it! So .. Saan nga?"
"Sa place ko siyempre!"
"Alright!"- Muli pang kumapit ang babae sa batok ni Simon at pinaulanan ito ng maiinit na halik
"Oh anak! Eto yung contact number nung Melanie Paras na nag benta sa amin nung mga antigong gamit! Aanhin mo ba kasi?"
"May ico-confirm lang po Ma!"
"Gaya ng?"
"Basta po! Akin nalang po iyon!"
"Ewan ko sa iyong bata ka! Ang dami mong alam!"
"Love you Ma!"
"Hay naku... Ikaw talaga oh siya! Aalis na ako! Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay ha!"
"Opo Ma!"
"Oh sasakyan ito ni Lucy ah!"- Wika pa ni Merly ng huminto sa tapat ng bahay nila ang sasakyan ng kaibigan
"Hi Tita! Good Morning po!- Bati pa ni Lucy sabay beso kay Merly
"Anong morning? Ilang munuto nalang mag-aalas dose na ng tanghali"- Banat ni Tina
"At least wala pa mismong tanghali ano!" - Nakangiting tugon ni Lucy
"Oo nga naman! Tama si Lucy! Eh teka bakit andito ka? Wala ka bang work ngayon?"
"Naku Tita mabilis pong natapos! Kasi sobrang aga nung shoot kaya maaga din yung pack up!"
"Ahh kaya naman pala! Oh eh bueno mauna na ako ah! Aalis na ako at ako'y tinanghali na rin gawa ng medyo sumakit din ulo ko at may inasikaso din ako kanina!"
"Oh sige po Tita ingat po kayo!"
"Salamat kayo din!"
"Halika na sa taas!"- Hinila agad ni Tina ang kaibigan papunta ng kanyang kuwarto
"Madaling madali? Aray ha!"- Angal nito ng bigla siyang hatakin ni Tina
"Tsk! Gusto ko kasing makita mo agad yung sinasabi ko sayo! Ikaw na ang humusga!"
"Oo na eto na nga diba?"
Pagka pasok sa loob ay namangha pa si Lucy sa ganda ng design ng lumang kabinet.
"Wow! Pang mayaman to ah! Siguro dating prinsesa ang nagmamay ari nito"
"Gaga! Iyan yung tinutukoy ko sa yo! Sandali"
Binuksan pa ni Tina ang drawer na pinaglalagyan ng sulat at agad naman niyang nakita
"Heto! Tignan mo!"
"Ano to?"
"Basahin mo ito yung sulat ni Sebastian kay Celestina!"
"Ha?"
"Basahin mo kasi!"
"Oo na! Oo na!"
Maya maya nga ay binabasa na ni Lucy ang nialalaman ng liham at maging siya ay hindi makapaniwala
"My God!" - Agad siyang napatitig kay Tina
"Ang sakit friend! Uso pala talaga noon yung mala Romeo and Juliet ano? Pinaghiwalay sila tapos si Sebastian? Namatay si Sebastian?" - Nanlalaki pa ang mga matang turan ni Lucy
"Oo!"
"Shocks! Pag-ibig na pinaghiwalay ng malupit na tadhana!"- Napatutop pa si Lucy sa kanyang bibig
"Iyon na nga eh! Tragic Love story yung kuwento nilang dalawa! Kaya gusto kong puntahan yung mismong nagbenta para alamin kung anong sumunod na nangyari"
"Hindi mo ba naisip kung anong naging reply ni Celestina sa mga sulat noon ni Sebastian? Kung sakali kaya may nakapag tabi din kaya ng mga sulat niya para kay Sebastian?"
"Oo nga ano? Hindi ko na naisip yun! Sana nga meron!"
"At sana makilala din natin yung tao mismo!"
"True!"
"Parang ang sarap balikan ng panahon nila! At saksihan yung mga naganap"
"Naku di mo kakayanin sinasabi ko na sayo! Diba nga ipinakita sakin lahat ng nandito sa sulat? Kaya alam ko ang matinding bigat sa puso!"
"Eh sabi mo nakita mo na ang itsura ni Sebastian? At nakita mo siya ngayon dito sa panahon natin hindi ba?"
"Oo!"
"Paano mo sasabihin sa kanya yung mga nangyari sa nakaraan kung saka sakaling magtagpo kayo ulit? Eto? Hindi mo ba naisip na baka magmumukha kang desperada at siraulo sa paningin niya? Baka pagtawanan ka lang niya! Paano kung hindi naman kasi siya nakakaranas sa sinasabi mo ngayon? Paano kung kabaliktaran ang kapalaran niya noon sa kaalaran niya ngayon? Di tulad mo eh malay mo meron na siyang tahimik at masayang buhay? Gets mo? Baka may asawa na siya at mga anak? o baka girlfriend?"
"Kaya nga eh! Sa nakita ko pa naman mukhang malayong malayo na siya sa Sebastian noon!"
"Ayun na nga! Pwedeng iba na kasi ang mga kapalaran nila!"
"Anong gagawin ko?"
"Ano bang dapat? Eh malay natin sa buhay niya ngayon? Kung siya man si Sebastian? Paano at bakit mo pa kailangan ipaalala sa kanya yung tungkol kay Celestina at sa nakaraan nila? Ang weird kaya nun!"
Bumuntong hininga pa ng malalim si Tina bago muling nagsalita
"Kung ganun man! Kung totoo man na may sarili na siyang pamilya at masaya na siya sa buhay nya, Edi magiging masaya ako! Pero itutuloy ko parin ang pagtuklas sa nakaraan nila! Para sa ikatatahimik ko na din"
"Ok! Sabi mo eh! Basta huwag kalang magpaka OA ha! Huwag mo masyadong dibdibin ano man ang matuklasan mo sa past nila kasi girl may kasabihan nga diba? Past is Past so dapat ibaon na yun sa limot ewan ko ba kasi sayo bakit kailangan pang halungkatin!"
"Hindi ko alam! Pero susubukan ko!"
"Sige! Kailan ba natin pupuntahan yang sinasabi mo? Hindi ba pwedeng now na? Available yung sasakyan ko oh!"
"Hindi pa ngayon di ko pa nga nakakausap yung Melanie eh! Itatanong ko pa sa kanya kung ok lang bang puntahan siya sa Cavite baka kasi busy din yung tao!"
"Sabagay! Basta sabihan mo lang ako ah!"
"Oo naman!"
"Eh teka! Di na ba nagpaparamdam sa panaginip mo si Sebastian?"
"Hindi na eh! Matagal tagal tagal na din!"
"Anong nangyari? Bakit biglang natigil?"
"Kaya nga! Hindi ko alam bakit biglang wala ng paramdam! Simula nung ipakita sakin ang tungkol sa pagkamatay niya at pagdadalamhati ni Celestina wala na! Wala ng sumunod!"
"I see... Baka naman kasi after nun wala ng kasunod kasi tapos na ang story nila? Anyway bago ka pa mag-isip dyan libangin natin ang mga sarili natin labas tayo!"
"Saan tayo pupunta?"
"Magliwaliw tayo! Roadtrip? Kahit saan basta maaliw natin ang sarili natin dahil next week back to normal na tayo! Back to work ka na!"
"Ok sige! Ligo lang ako! Wait mo ako sa baba kumain ka may pagkaing iniwan si Mama!"
"Ok sige! Pakialaman ko na ang kusina nyo!
"Sure! Feel at home!"
"Kahit di mo sabihin!"
"Hahaha Oo nga naman! I forgot sorry ha!"