"H..Hu..Hu..Huh..."
"I... Ikaw? Ikaw na naman? Bakit ka umiiyak? Tumahan ka na! Hindi bagay sa iyo ang umiiyak!"
"Parang awa mo na!"
"Ha? Ba... Bakit? May nanakit ba sa iyo?"
"Hu...Huhuhuhu..."
"Miss?"
"Sebastian!"
"Sebastian?"
(Krrrrng.....Krrrrnngg)- Malakas na paulit ulit na tunog ng alarm clock
"Tyler! Tyler! Wake up! Kanina pa tumutunog yang alarm mo! Di ka parin gumigising bumangon ka na! Malapit ng bumaba si Lolo! Mapapagalitan ka na naman nun!"
"Ate?"
"Wake up!"
"Ahh... Ang sakit ng ulo ko!"
"Lasing ka na naman kagabi ano?"
"Nakainom lang ako pero hindi ako lasing"
"Sinong niloko mo? Gabi gabi ka nalang ganyan! Pag nalaman ni Lolo lahat ng kalokohan mo sinasabi ko sayo malilintikan ka talaga dun!"
"Sanay na ako sa pagbubunganga nya kaya please lang Ate! Huwag mo ng gayahin pa si Lolo"
"Hay naku Tyler! Please umayos ka naman huwag mo hayaang palagi ka nalang napapagalitan ni Lolo! Ipakita mo sa kanya na karapat dapat ka sa tiwala nya!''
"At ano? Maging sunod-sunuran sa kanya? Gusto mo akong itulad sayo?"
"Tyler!"
"Nawalan ka ng kalayaan dahil hinayaan mo siyang kontrolin ka niya!"
"Para sa akin din naman yun!"
"Talaga? Bakit? Masaya ka ba?"
Bumuntong hininga pa ng malalim si Trixie
"Maligo ka na at pagkatapos ay sumunod ka na sa baba!"
"Bakit ka nga pala nandito?''
"Nasa Hongkong ngayon ang asawa ko para sa business trip nya!"
"Business trip? At naniwala ka naman?"
"Bumangon ka na! Bababa na ako!"
Umiling iling pa si Tyler habang tinititigan palayo ang kapatid
"That girl in my dreams! Gabi gabi nya na akong hindi pinapatahimik!"- Wika pa ni Tyler sa sarili habang sinasapo ang kanyang batok
Ilang minuto pa siyang tumunganga balak niyang inisin sa galit ang kanyang Lolo alam naman kasi niya na kahit anong gawin niya ay never niyang mapapa impress ito, Lahat kasi ng ginagawa niya ay may say ang kanyang lolo. Palagi din itong nakikialam sa lahat ng desisyon niya. Lahat para sa kanya ng ginagawa ni Tyler ay hindi tama! Palaging kulang pa! At palaging napag-iiwanan dahilan para mawalan ng amor ang binata sa sariling lolo.
Maya maya ay nagring ang phone niya
"Hello?"
"Bro! Tara!"
"Saan?"
"Sa place nila Billy!"
"Sino sino tayo?"
"Buong tropa malamang!"
"Buong tropa?"
"Yup! Darating din si Simon kaya buo tayo!"
"Kayo nalang! Busy ako!"
"Bro!"
"Marami akong aasikasuhin sa opisina! Bye!"
"Pero Tyler!"
Agad na ibinaba ni Tyler ang cellphone at nagtungo na sa banyo para maligo.
"Trixie! Wala pa bang laman yang tiyan mo?" - Tanong ng kanilang abuelo
"Po?"
"Hindi ka pa ba nagdadalang tao?"
"Hi.. Hindi pa po lo!"
"Bakit? Dalawang taon na kayong kasal ni Kyle! Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo nagkaka anak? Dapat ay magpatingin na kayo pareho sa Doktor o baka naman hindi mo sinusunod ang asawa mo?"
"Hindi po Lo! Sadyang ayaw palang po kami bigyan siguro ng anak!"
"Dapat magkaanak na kayo at matuwa naman sa inyo itong si Lolo! Aba! Iniayos na nga niya ang buhay ninyo ipinakasal ka na nga niya sa isang mayamang lalaki para masecure ang future mo tapos apo lang hindi mo siya mabigyan? Anong silbi ng pagiging babae mo? Hindi po ba Lolo?"
"Hindi yun ganun kadali Miko!"- Sagot pa ni Trixie
"At bakit? Huwag mo sabihing sa dalawang taon eh hindi mo naisuko pa ang sarili mo sa asawa mo?"
"Hindi mo naiintindihan!"
"Tama na yan!"
Napalingon pa sila sa pinanggalingan ng tinig
"Ke aga aga! Nagmamagaling ka na naman Miko!"
Ngumisi naman ng hilaw si Miko saka muling nagsalita
"At bakit? Magaling naman talaga ako! Hindi ako tulad mo na isang pulpol at walang silbi!"
"Anong sinabi mo?"- Agad na dinambaan ni Tyler si Miko
"Tyler! No! Stop!"- Awat ni Trixie sa kapatid
"Ate sumosobra na yang hayop na yan! Tuturuan ko lang ng leks!! Ahh!!"
Bago pa man matuloy ni Tyler ang sasabihin ay nakaramdam siya ng mabigat na bagay na humampas sa kanyang likuran kaya bigla itong namilipit sa sakit
"Tyler! Lolo!"- Sigaw pa ni Trixie
"Sino ang gusto mong turuan ng leksyon? Ha? Sige! Matapang ka? Tumayo ka dyan ilabas mo ang tapang mo! Hindi mo matanggap sa sarili mo ang sinabi ng pinsan mo? Totoo naman na isa kang pulpol! Walang silbi! Walang kuwenta!"
"Kung ganun! Bakit hindi nyo na kami pabayaan? Wala naman kaming silbi sa inyo hindi ba? Pabayaan nyo na kami!"- Sagot pa ni Tyler
"At sumasagot ka pa!"- Galit na bulyaw ng matanda kaya muli niyang hinampas ng kanyang tungkod ang binata dahilan para muling humiyaw sa sakit si Tyler
"Lolo! Tama na po! Maawa po kayo sa kapatid ko! Tyler mag sorry ka na kay Lolo!"
"Bakit ako magso-sorry wala akong ginagawa sa kanya!"
"Aida! Aida! Akin na ang latigo ko!"- Utos ng matanda sa isa nilang kasambahay at agad naman nitong sinunod ang pinag-utos, Maya maya nga ay hinahambalos na nito ang apo
"Ahh... Ahh...''
"Matapang ka ha! Heto sa iyo! Palibhasay nagmana ka sa iyong amang inutil at walang kuwenta! Mga walang utang na loob!"
"Ahh... Ahh..."
"Lolo! Tama na po! Ako na po ang humihingi ng tawad Lo! Huwag nyo na pong pahirapan pa ang kapatid ko please"- Umiiyak na wika ni Trixie at hinarang pa ang katawan sa kapatid
"Pasalamat ka sa Ate mo! Iyan lang ang inabot mo!" - Iniligpit na nito ang latigo at pagkatapos ay muling bumalik sa kinauupuan
"Tyler! Kaya mo bang bumangon?''- Nag-aalalang wika ni Trixie
"Kaya ko ate!"
"Mabuti nga sayo! Mayabang ka kasi wala ka namang binatbat''- Narinig pa nilang turan ni Miko kasabay ng pag smirk nito
"May araw ka rin makikita mo!"- Sagot pa ni Tyler
"Tumigil ka na Tyler!"- Saway muli ni Trixie at inalalayan siya ng upo sa harap ng mesa
"Kamusta ang hawak mong negosyo Miko?"- Tanong pa ng matanda na tila walang nangyari at ngayon ay umaastang normal sa harap ng hapag kainan
"Ayos naman po Lo! Nakuha ko lang naman yung Benedicto group"
"Wow! That's great apo! Ganyan nga! Napakahusay mo talaga! Eh ikaw naman Tyler? Ano na ang nangyayari sa hinahawakan mo? Umuusad pa ba o pabagsak na?"
"He's doing good po Lo!"
"I'm talking to your brother Trixie!''
"Sorry po!" - Hinging paumanhin pa ni Trixie sabay tungo
"Mataas ang sales at maganda ang pasok ng mga investors"- Wala sa loob na sagot ni Tyler
"How about the Jones's balita ko nakuha daw ng mga Morales ah!"- Ngingisingisi pang turan ni Miko
"What? Hinayaan mong makuha ng mga Morales ang Jones's? Alam mo ba kung gaano kalaki ang nabingwit ng kumpanyang yun? Balewala ang sampu o dalawampung investors kung Jones's sana ang na close deal mo! Wala ka talagang kuwenta! Nagpatalo ka na naman sa bastardong anak anakan ni Roberto!"
"Lo! Ano pong magagawa ko kung mas maganda yung inilatag na offer nila Simon?"
"Tarantado! Edi sana pinantayan mo o mas maganda sana kung hinigitan mo! Tonta!"
"Ano pa ba ang aasahan natin dyan Lo? Eh palagi namang talo yan si Tyler kay Simon! Na hospital pa yung tao ha! Pero isang iglap pagka gising eh buwela hakot malalaking investors na naman!"- Gatong pa ni Miko
"Buwisit ka talagang Tyler ka!"- Sigaw muli ng matanda
"Lo! Hindi naman po palugi ang kumpanya infact! Mas gumanda pa ito compared last year" - Agap muli ni Trixie
"Isa ka pa! Manahimik ka Trixie! Ano bang alam mo? Isa kalang namang babae! Huwag kang makisawsaw!" Sigaw ng matanda
Tikom bibig at nag kukuyom ng kamao si Tyler, Nang mapansin ito ng kapatid ay pinigilan siya nito at hinawakan nalamang ang kamay nito
"I'm sorry Lo! Babawi po si Tyler! Hindi ba Tyler?"
"Ate?"
"Babawi ka diba?"- Pag-aalo pa ni Trixie sa kapatid
Wala namang nagawa si Tyler dahil tila nagsusumamo ang kapatid ng pakatitigan ito
"Yes! Next time po Lo!"
"Next time! Puro ka next time pero ano? Wala? Talunan ka parin!"
"Hay naku... Tyler! Tyler! Tyler ayusin mo naman ang trabaho mo! Paano makikilala Ang Golden Hotel nyan kung palagi kang nauungusan nila Simon?"- Ngingisi ngisi pa ng nakakaloko si Miko kaya naman matalim siya nitong tinapunan ng tingin, Ngunit sa halip na mangilag ay lalo pa niya itong nginisihan.
"Kumain ka na Tyler! Huwag mo ng intindihin si Miko!" - Saway muli ni Trixie ng mahalata ang matinding galit sa mukha ng kapatid
"Malapit na akong mapikon dyan sa lolo mo na yan Ate! Pasalamat talaga siya kahit papaano eh marunong akong rumespeto sa matatanda! Dahil kung hindi matagal ko na siyang napatulan!"
"Ssshhh... Huminahon ka nga!"
"Bakit? Totoo naman ah! Kung hindi mo lang talaga ako napigilan kanina!"
"Ano? Gagantihan mo si Lolo? Susugurin mo si Miko? Nag-iisip ka ba? Puwede ka nilang balikan! Bukod sa mawawalan ka ng mamanahin eh makukulong ka pa! Sisirain mo lang ang buhay mo!"
"Matagal ng sira ang buhay ko Ate! Natin!"
"Tyler!"
"Totoo naman ah! Oo pinag-aral nya tayo! Kinupkop! Pinakain at binigyan ng matitirhan pero kapalit naman nun eh yung buhay natin! Kalayaan natin! Ginawa nya tayong tau-tauhan! Masyado nya tayong kinokontrol Ate!"
"Lolo parin natin siya! Yung pagkupkop nya sa atin nung mamatay ang mga magulang natin malaking bagay na! Kung hindi dahil sa kanya baka kung saang lupalop ng mundo tayo pupulutin noon"
"Yun na nga Ate! Lolo natin siya! Apo nya tayo pero kung tratuhin nya tayo parang mga utusan na dapat sumunod sa kanya! Apo nya tayo Ate! Natural lang naman siguro na kupkupin nya tayo at alagaan dahil nawala ang magulang natin na anak nya rin naman!"
"Hayaan mo nalang si Lolo! Matanda na siya! Gawin mo nalang kung anong gusto nya! Sundin mo nalang siya! Ipakita mo sa kanya na magaling ka! Mas magaling ka kesa dyan sa Miko na yan!"
"Paboritong apo nya yun eh!"
"Yun na nga eh! Kaya dapat lalo mong ipakita na mas magaling ka kasi minamaliit ka nila! Ayusin mo lalo ang buhay mo magkaroon ka dapat ng dahilan para mas pag-igihin mo ang buhay mo!"
"Sige na Ate! Aalis na ako at baka ano pang sabihin ng Lolo mo!"
"Ingat ka!"
"Salamat!"
Habang nag mamaneho ay in-on ni Tyler ang radio at nakinig ng balita pero agad din siyang nabad trip ng mapakinggan ang nilalaman nito.
"Buwisit! Pati ba naman sa balita ikaw pa rin ang bida Simon? Edi ikaw na ang pinaka magaling na businessman! Sayo na lahat! Magsama sama kayo! Peste!"
Puno ng galit ang dibdib ni Tyler, Hindi niya alam kung paano nagsimula ang inggit niya sa katawan laban sa noon ay matalik na kaibigang si Simon.
Siguro dahil simula pa noong bata sila ay palaging si Simon na ang ibinibida ng mga tao sa paligid nila, Mula sa mga Teachers, Malalapit na kaibigan at kahit na nga mga taong kakakilala palang nila ay sinasabing magaling talaga si Simon. Noong una ay ayos lang naman sa kanya pero nung nagtapos na sila sa kolehiyo ay nagkaroon na ng gap ang kanilang pagkakaibigan dahil na rin sa iisang babae ang kanilang nagustuhan at si Simon ang pinili nito sa huli. Pagkatapos nun ay nagkalaban pa sa negosyo ang kanilang pamilya ilang buwan din silang hindi nag batian at mga kaibigan lang din nila ang gumawa ng paraan para kahit papaano ay magka ayos sila, Akala niya ay ok na talaga sila pero sa tuwing mauungusan siya nito ay bumabalik ang galit niya para dito marahil udyok na rin ng panibugho niya sa kanyang Lolo na walang ibang ginawa kundi ang ikumpara siya sa kanya at laitin ang kanyang kakayahan sa lahat ng aspeto.