*** After 2 months... Masama ang pakiramdam ni Manang Melbie kaya heto ako ngayon sa kusina nagluluto ng breakfast at sopas. Matapos maluto ang lahat ay agad ko siyang dinalhan sa kwarto niya. "Manang Melbie? Kumusta na po ang pakiramdam niyo?" tanong ko. Inilapag ko ang tray sa isang maliit na table sa tabi ng kama niya. "Pinagluto ko na rin po kayo ng sopas tsaka ito po ang gamot." Inabot ko ang gamot niya. "Inumin niyo po ito Manang Melbie pagkatapos niyong kumain tsaka magpahinga rin po kayo agad. Ako na bahala sa gawaing bahay," sabi ko. Inalalayan ko siyang makabangon saka ko siya isinandal sa headboard ng kama niya. Natigilan ako dahil sa paghawak niya sa kamay ko "Ang bait mo talaga Neng. Hindi ako nagkamaling supportahan ka para sa anak-anakan kong si Brix," nakangiti

