Lumipas ang mga araw at mas lalong lumalala ang sitwasyon. Kumalat ang picture namin ni Ralp sa lahat ng kakilala ko at ni Brix. Nilalayuan pa ako ng mga tao dahil doon. Maraming taong humuhusga sa'kin. Nasira ang reputasyon ko dahil lang sa picture. Ngunit hindi lang ang reputasyon ko ang naging komplikado dahil maging pati ang kalusugan ko. Lagi akong nakakaramdam ng matingding pagsakit ng tiyan. Kaya't nag pa check up na ako. Sinabi ng doctor na kailangan ko ang relaxation at bed rest. Iwasan din daw ang stress at pagpapagod. Paano ko magagawa 'yon kung sa bawat araw na lumipas ay mas lalong lumalala ang sitwasyon sa pagitan namin ni Brix? Simula nang huli naming pagkikita noong nakaraang linggo sa opisina niya'y wala na akong pagkakataon na muli pa siyang makita o makausap. Pinag

