"Daphne? Have you already get Mr. Montejo sign the papers?"
Pilit kong ipinagdikit ang aking mga tuhod para itago sa boss ko ang pangangatog nito. Ma ba-bad mood na naman kasi siya kapag nalaman niyang hindi ko pa napapermahan 'yong mga papeles.
"I'm sorry Ma'am Criselda but I already tried my best pero hindi ko po talaga matiyempohan si Mr. Montejo sa office niya eh. Lagi daw po kasing wala recently," sagot ko.
Bahagyang umangat ang ulo niya habang matalim na nag bigay sakin ng tingin. Nag salubong ang dalawang kilay niya.
"What?! You know naman na one week nalang ang kailangan natin before we get to close that deal 'di ba? Do it now Daphne or else..."
"Yes Ma'am! Ito na po! Ito na po!" saad ko habang nagmamadali akong lumabas ng opisina niya matapos ay kinuha 'yong bag ko at 'yong mga papeles na kailangan kong papermahan.
Ang hirap talaga pag naging secretary ka ng isang malaking kompanya. Utos dito, utos do'n. Punta dito, punta do'n. Gawa nito, gawa no'n. Lahat na all in one! Kung hindi ko lang siguro kailangan mag ipon, hay!
"Daphne bakit ka ba nagmamadali? 'Tong inorder mong cup noodles uy!" tawag ni Cristy matapos ng madaanan ko siya sa pagmamadali ko.
"Mamaya nalang Cristy! Nagmamadali talaga ako!" sagot ko sa kanya. Wala na akong oras kainin 'yong noodles dahil mas kailangan kong mapapermahan na talaga 'tong mga papeles ngayon.
Agad akong sumakay ng elevator at pagkatapos ay pumindot ng numero.
Hingal akong napasandal.
"Daphne? Are you okay?"
Nagulat akong may kasama pala ako sa loob. Tiningnan ko ito.
"Uy Ralp. Ikaw pala. Ah oo pero medyo nagmamadali ako."
"What for?" tanong nito sakin.
"Si Ma'am Criselda kasi. Kailangan kong bumalik ulit do'n sa Montejo Empire para papermahan sa boss nila itong mga papers na'to," sabay pakita ko sa kanya sa folder kung dala.
"Teka, as I remember for how many days mo na ba 'yang ginagawa? Kasi sa tuwing nagkakasabay tayo dito sa elevator, 'yan lagi ang sinasabi mo."
Sinagot ko lang siya ng isang tipid na ngiti.
Pang ilang beses ko na ba kasi 'to? Nakakainis din kasi 'yang Montejo Empire! Hindi ko na mabilang kung naka ilang balik na'ko sa kanila. Hindi ko rin naman kasi basta maiwan 'tong papers do'n sa secretary nila dahil confidential rin ito. Hays! Bakit ba kasi laging wala 'yong boss nila? Problema? Sus! Lahat naman ng tao may problema pero hindi niya kailangan dalhin sa trabaho! Nakakainis talaga!
Mabilis din namang nakaabot 'yong elevator sa baba kaya agad na nagpaalam ako kay Ralp. Isang masugid ko pa lang manliligaw pero hindi ko siya sinasagot dahilan sa pinanghahawakan kong pagmamahal sa isang tao.
"Sige mauuna nako Ralp."
"Sige ingat ka Daphne," saad nito sabay wink at kaway sa'kin.
Agad akong sumakay sa office car namin at nagpahatid. Habang nasa biyahe, isa-isa kong tiningnan ang papeles. Baka kasi may naiwan ako.
"Okay andito lahat. Okay nato."
Sana naman nando'n na 'yong boss nila. Sino ba kasi 'tong bwesit na bagong CEO ng Montejo Empire pero mukha namang irresponsible?!
"Ma'am Daphne? Nandito na po tayo," sabi ni Mang Fonz, isa sa mga service driver ng Eztyle—ang kompanyang pinagtatrabahoan ko.
"Salamat Manong Fonz. Antayan niyo nalang po ako sa Parking Area."
"Sige po ma'am," paalam nito matapos ay pinaandar ang sasakyan at tumahak na papunta sa likod ng building.
Tinanaw ko ang napakahabang building ng Montejo Empire. Well mayaman at successful naman talaga ang company nila kaya marami ring naka linyang appointments. Pero wala pa rin silang karapatan na pahirapan kami dahil sa pagkakaalam ko, asset din ang company namin sa kanila.
"Pero baka may sayad lang sa ulo 'yong bagong boss nila? Ay paki ko naman!" Huminga ako ng malalim. "Kaya mo to Daph!"
Pagpasok ko sa building, agad kong tinungo ang information desk.
"Good morning Miss. I'm Daphne Blue Alcantara from Eztyle Group of Company," muli kong pagpapakilala sa desk information officer na halos araw-araw ko ng binibisita.
"Ma'am kayo po pala ulit. Pasensya na po talaga Ma'am ha? Pero good news po kasi andyan na si Sir Red," naka ngiti niyang saad. "Kaya lang medyo mainit na naman ang ulo."
"Ganon ba. Pwede ko na ba siyang puntahan sa office niya?"
"Nasa meeting po kasi siya ngayon. Actually dalawang meetings po. One for morning and one for afternoon. Pero kung makakapaghintay po kayo, I set your appointment with him at 5:00 pm."
"Ha? Eh Miss, madali lang naman 'tong sadya ko. He just need to sign these papers," pagpipilit ko.
"Pasensya po talaga Ma'am. Gusto ko po talaga kayo tulungan dahil nahihiya na po kami sa inyo pero talagang always in the bad mood si Sir Red." Lumungkot ang mukha nito marahil ay ramdam niya rin ang sitwasyon ko.
"Sige, I'll wait nalang. Saan ba ako puwedeng tumambay?" lumingon-lingon ako.
"Puwede po do'n sa labas ng office ni Sir Red. Meron pong room do'n to the left. Puwede po kayong magbasa ng magazine," sabay turo nito sa'kin ng elevator papunta sa kwartong sinasabi niya.
"Okay thank you."
Tinungo ko agad ang sinasabing room nong babae. Hindi rin naman ako nahirapan hanapin dahil nagtanong-tanong din ako. Umupo ako sa sofa at kumuha ng isang magazine.
Naaliw ako sa pagbabasa ng isang fashion magazine. Kahit alam ko sa sarili kong medyo may pagkamanang ako manamit. Paano ba naman kasi, lumaki ako sa isang conservative na pamilya.
Patuloy ako sa paglipat ng pahina hanggang sa napatigil ako sa isang picture. Nanlaki ang mga mata ko sa'king nakita.
Siya.
Siya 'yong babaeng mahal na mahal ng lalaking mahal na mahal ko rin. Hindi ako makapaniwalang nagawa niya ito!
"Paano?!"
Well talaga namang maganda at sexy na siya noon paman at isa na siyang modelo ngayon pero bakit niya pa kailangang mag pose ng nude? Tanging mga kamay niya nalang ang nakatakip sa dibdib niya habang isang bikini na kulay black nalang ang bumabalot sa kanyang pambaba.
Hindi talaga ako makapaniwala! Ano kaya ang reaction ngayon ni Brix kapag nakita niya ito? Teka, nasaan na rin kaya si Brix ngayon?
Si Brix pala. Ang tanging lalaking minahal ko since I was high school at magpahanggang ngayon. But sad to say, meron na siyang girlfriend at ito 'yong girl na sinasabi ko na nasa picture.
Si Jertrude! Ang ever pang beauty queen ang ganda. Schoolmate ko sila sa high school but after naming gumadruate, wala nakong balita sa kanila pwera nalang kay Jertrude dahil madalas ko siyang nakikita sa magazine dahil isa siyang in demand na model.
Lumipas ang oras at wala pa rin akong nakikitang lumabas sa Conference Room, 'di kalayuan sa room na tinatambayan ko ngayon.
"Anong oras na ba?" Nagrereklamo na ang tiyan ko. E te-text ko nalang si Manong Fonz na mauna na siyang umuwi.
Matapos kong ma i-text si Manong ay tumayo muna ako para bumaba at kumain. Alas tres na ng hapon at medyo nakakapanghina naman kung makikipagusap ako mamaya sa siraulo nilang boss kung hindi ako kakain ngayon.
Dumeretso ako sa labas ng building at tumahak papunta sa 'di kalayuan na carenderia. Umorder lang ako ng dalawang cup of rice at isang menudo. Mabilis ko lang kinain dahil baka mapaaga matapos ang meeting at baka 'di ko pa maabotan.
"Ito po bayad Manang," sabay abot ko ng pera at agad bumalik papasok ng building.
Tumambay ulit ako sa sinabing room nong babae sa desk information na hindi ko man lang natanong ang pangalan. Nakailang palit nako ng pwesto. Tayo, upo, higa. Kulang nalang matulog ako sa kapagod maghintay.
Nag games na'ko sa cellphone pero wala pa rin.
"Umuwi nalang kaya ako?"
No! Nandito ka na kanina pa tapos uuwi kalang? Huwag Daph! Masasayang ang paghihintay at pagod mo kung papalampasin mo pa ang pagkakataon mo ngayon.
"Tama! Maghihintay ako magkamatayan na!"
Patuloy ako sa paghihintay hanggang sa hindi ko namalayan na dinalaw na ako ng antok ko.
"Ma'am! Ma'am!" nagising ako ng maramdaman kong may mga kamay na yumuyogyog sa paa ko.
Sino ba 'tong gumigising sakin? Ang sarap na ng panaginip ko tapos may mang-iistorbo!
Teka... Gising?
"Hala!! Nasaan na sila?"
Napabangon ako bigla.
"Sino po Ma'am?"
Bumungad sa'kin ang medyo may katabaan na lalaki na nakasuot ng pang janitor na uniporme.
"Yung CEO niyo? Tapos na ba ang meeting?" sabi ko sabay tumaas 'yong leeg ko at tiningnan ang direksyon ng Conference Room.
"Kanina pa po Ma'am. Actually po mag sa-sara na 'tong office."
"Ano?!"
Argh! Nakakainis naman eh! Bakit ba kasi ako nakatulog? Nakakainis talaga! Ang sarap itapon lahat nitong unan sa tabi ko. Pero ano pang magagawa ko e kasalanan ko rin naman.
"Sorry po Ma'am pero kailangan niyo na pong lumabas ng office," pa kamot-kamot sa ulo na sabi ng janitor.
"Sige, pasensya na po sa abala Manong."
Kinuha ko 'yong bag ko at 'yong folder at inayos ang nalukot kong damit. Siguro nga matindi ang pagod ko kaya nakatulog ako ng gano'n kahimbing.
Patuloy ako sa paglalakad at aakmang tinulak ko ang pinto palabas ng biglang may narinig akong nag-uusap.
"Oh bakit hindi mo pa sinara ang pinto papunta sa rooftop?" Rinig ko mula sa isang boses ng lalaki.
"Nandoon na naman kasi si Sir e. Siguradong umiinom na naman at malamang doon 'yon magigising ulit sa umaga," sagot ng kasama niya.
"Bakit ba kasi laging bad mood si Sir?"
"Hindi mo ba alam? Nakipag break na 'yong girlfriend niya sa kanya at isa pa, tinurn-down daw nito ang marriage proposal ni Sir."
Napa isip ako. Ito siguro ang dahilan kaya mahirap hagilapin 'yong mokong!
"Kaya pala. Pero tsk! Babae lang yan."
"Hayaan mo na si Sir. Alam mo let's gimmick. Ang daming chicks ngayon sa club!"
"Tara!"
Napatigil ako sandali. Iyong Sir nila nasa rooftop ba kamo? Humanda ka sakin Mr. Montejo! Grrrr na talaga ako sayo!
Dumeretso ako sa pinto papuntang rooftop ng makita ko ang isang nakapaskilang sign.
"Napakadilim naman."
Para tuloy akong nasa isang horror movie. Pero 'di na'ko nagpapigil. Ayoko ng maghintay ng gano'n katagal ulit no! Kaya humanda ka talaga sakin ngayon Mr. Montejo!
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at dahan-dahan ko ring sinilip ang lugar.
"Para namang walang tao."
Patuloy kong nilibot ang tingin ko hanggang sa isang kahindik-hindik na eksena ang nagpatigil sa puso ko.
Isang lalaking nakatayo sa edge ng building at may balak atang tumalon! Diyos ko! Naka drugs kaya ito kaya feeling niya superhero siya? Dali-dali akong lumapit sa kanya upang pigilan siya.
"Sandali! Please huwag kang tumalon. Alam mo bang kasalanan sa Diyos ang magpakamatay? Alam mo ba kung anong mararamdaman ng pamilya mo kapag magpapakamatay ka? At alam mo bang maaaring mabali lahat ng buto mo pati puso at utak mo once tumalon ka diyan? At alam mo ba-"
"At alam mo ba ang pinagsasabi mo?!" sigaw na sagot nito sakin.
Sasagot sana ako pabalik pero parang tumigil ang mundo ko nang humarap na 'yong lalaki sakin. Parang dinadala sa langit ang puso ko nang magtagpo ang mga mata namin.
"Brix?" mahinang sambit ko.
"Who the hell are you? At paano ka nakapasok dito? Don't you know that I owned this building?"
Marahas na tinanggal nito ang kanyang necktie at muling tumingin sakin na parang kakainin na niya ako sa galit.
"Ah, eh... Ah ano..." Ayan! E di nabubulol ka na naman? Tapang-tapang mo kanina pero isang tingin niya lang para kanang asong natatakot!
"Answer me! Damn it!" sigaw niya.
Kaya nataranta naman akong napasagot.
"Ah I-I'm Daphne Alcantara po from Eztyle Group of Company."
"And then? Why are you here? It's not even working hours and it's too late if you need me to sign your papers!" kunot noo siyang nakatingin sakin.
Ang sungit naman! Ibang-iba sa Brix na nakilala ko noon. Pero siya pala ang may ari nitong building? Bakit hindi ko agad nalaman? Pero malay ko rin namang 'yong apelido niyang Montejo pala ang may ari nitong Montejo Empire sa dami rin ng Montejo dito sa Pilipinas?
But wait.. So it means, siya 'yong pinag-usapan kanina ng mga emplyedo niya? So it means break na sila ni Jertrude?
"Why are you smiling? Do I look like funny to you?"
"Ah hindi po."
I know it's wrong to be happy for someone's pain but hindi ko lang talaga mapigilan maging masaya malaman na wala na sila ni Jertrude. Okay lang sana kung mabait si Jertrude pero 'yong mukha lang niya ang anghel pero ang ugali talagang napaka maldita! Hindi naman sa naninira ako pero 'yon talaga ang totoo. At kalat 'yon noon sa campus pero tanging si Brix lang ang nagbubulag-bulagan dahil siguro nga ay mahal niya ito.
"Get out!" muli niyang paninigaw.
"Po?" Nagulumihan naman ako. Ganito talaga kasi ako kapag si Brix na ang nasa harap ko. At isa pa, for how many years hindi ko rin siya nakita. Gosh!
"I said get out! Or gusto mo pang ako ang kumaladkad sayo palabas ng building nato!" galit na pasigaw pa niyang sinabi.
Wow! First meeting ganito talaga agad?
Ibang-iba na talaga siya sa Brix na kilala ko noon na mahal ko hanggang ngayon. Hindi kaya nahawa narin 'to sa ugali ni Jertrude? Or baka bad mood lang talaga siya dahil sa break up nila?
"Ano ba I said get out! Isa..."
Hindi ko mapigilan ang mapangiti at hindi ko na masyadong maintindihan ang sinasabi niya. Ganito talaga ako kapag nasa harap niya. 'Yong tulala at parang nasa ibang bahagi ng mundo ang pag-iisip ko.
"Tatlo!"
"Ha?" gulat na tanong ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit si Brix na may malalaking hakbang pa tungo sakin.
"Sinabi ko na 'di ba? Get out!"
"Aaraaaay... Nasasaktan po ako."
Marahas na hinawakan ni Brix ang kaliwang braso ko sabay hila sakin palabas.
"Sir nasasaktan po ako."
Pero di pa man kami nakakalabas ng pinto ng rooftop ay napatigil siya sa paghila sakin pero mahigpit pa rin niyang hawak ang braso ko.
"I'm sorry.. It's just that.."
At nagulat ako sa ginawa niya. Umiiyak ba siya? Talagang masakit ba?
"Sir 'yong braso ko po. Masakit."
Masakit talaga na mahigpit niyang hawak ang braso ko na para bang halos 'di na makadaloy ang dugo ko.
"I'm sorry," sabay bitaw niya at talikod sakin. Umupo siya sa gilid at kinuha ang bote ng alak sabay lagok nito.
Hindi ko maiwasan na maawa sa kalagayan niya. Nasasaktan din akong makita siyang nasasaktan. Bakit ba kasi nakipag break si Jertrude sa kanya? Kung ako siguro ang nasa kalagayan niya, tiyak na hindi ko na siya bibitawan pa.
Mabait naman si Brix kaya nga siguro na in-love ako sa kanya noon at magpahanggang ngayon. He's very responsible kaya nga lagi siyang binoboto namin bilang president ng students council. Magaling din siya sa basketball dahil binansagan siyang Mighty Captain. Matalino rin siya kaya gumraduate kaming siya ang aming valedictorian samantalang ako kulilat. Very compassionate at sweet din ang ugali ni Brix. Well 'yong sweet side nakikita ko lang tuwing magkasama sila ni Jertrude noon. And last but not the least, mataas ang mga pilik mata niya na mas nahigitan pa ang mga pilik mata ko. Humaldong-hulmado rin 'yong jawline niya. Pointed nose plus kissable lips. Medyo singkit din konti 'yong mga mata niya. In short, gwapo siya!
But looking at him now, para siyang walang-wala sa sarili niya. Iyong matipono niyang katawan at 'yong fresh look niya noon parang ibang-iba na ngayon. Medyo magulo at mahaba na ang buhok niya, meron na rin siyang balbas sa chin pero kahit ganon, hindi pa rin kumukupas ang kagwapohan niya!
Bumuntonghininga ako. Iiwan ko ba siya? Looking at him now, I think he need someone where he could share his pain. Kaya sinundan ko siya at tinabihan.
"Why are you still here? Hindi ba sabi ko umalis ka na. I'm patient you know kaya umalis ka na bago pa ako mainis ulit sayo."
"Alam mo bang pwede akong makatulong sayo? Sabi kasi ng Mama ko, kapag may problema ang isang tao, kakailanganin niya ng kausap para atleast mailabas niya ang problema niya at ng sa kinabukasan ay mabawasan man lang ang sakit na dinadala nito."
"And you think kailangan kita?"
"Oo. Pwede mong sabihin sakin lahat ng sakit na nadyan sa puso mo. Sabihin mo kung anong gusto mong sabihin. Kunwari, isipin mo na ako si Jertrude."
"How did you know her name?"
Napatigil ako. Ang daldal kasi ng dila mo Daphne!
"Ha? Ah eh... Narinig ko lang sa mga empleyado mo. So anyway, isipin mo nalang na ako ang girlfriend mo and then sabihin mo ang mga bagay na gusto mong sabihin."
"Tsk. How could you be like her? Eh mas maganda naman ang Jertrude ko kaysa sayo."
Ouch ha! Pero sige lang. Totoo naman ang sinabi niya. I'm just a nobody. At kahit kailanman talaga, hindi ko mahihigitan si Jertrude sa puso niya.
"Kaya nga isipin mo nalang. Common, try it."
"No you are just here to fool me! Just go out! I don't need anyone!" sabay pag lagok niya uli sa alak.
"Well I just want to help. But if you say so, then I guess I have to go."
Dahan-dahan akong tumayo at kinuha ang bag ko at ang mga papeles. Nginitian ko pa rin siya kahit nadudurog akong nakikita siyang nasa miserableng sitwasyon.
"Wait.."
Agad napalingon ako sa kanya.
"You wanna try it?"
Isang tango lang ang sagot niya sabay iwas ng tingin sakin. Mabilis rin akong bumalik sa pwesto ko at umupo sa tabi niya.
"Now say it. Everything..."
Ilang minuto pa bago siya nag salita.
"Why? Why Jertrude? Why do you have to break up with me? Dahil ba mas binigyan ko ng panahon ang company namin kaysa sayo? But I thought naintindihan mo? You promise me that you will understand me! But why do you have to cheat on me?! I could forgive you Jertrude. Just please come back to me... Come back to me Jertrude," sabay hagulgul ng pag-iyak niya.
Hindi ko mapigilan umiyak sa mga narinig na salita mula sa bibig ng lalaking mahal na mahal ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa puso niya at kahit na hindi ko na alam ang buong kwento, alam ko sa puso kong durog na durog siya.
"I give my everything to you Jertrude that I could even take away my title as a CEO for you. Ikaw lang ang babaeng minahal ko at mamahalin ko. Please comeback to me Jertrude. Come back to me please..."
Wala akong ibang magawa hanggang pareho kaming nagtinginan sa isa't-isa na lumuluha. Siya umiiyak dahil iniwanan siya, ako umiiyak dahil sa nalaman kong wala siyang ibang babaeng kayang mahalin kung 'di si Jertrude lang.
Siya lang.
Pero parang tumigil ang mundo ko sa ikalawang pagkakataon dahil sa ginawa ni Brix. Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at hinalikan ako.
Hinalikan ako ni Brix sa labi ko.
Hindi ko alam anong gagawin ko. Ito ang first kiss ko at sa first love ko pa na broken hearted ngayon! Hindi ko alam kung itutulak ko ba siya o hindi dahil nagustuhan ko rin ang ginawa niya. Matagal ko rin itong inaasam at lagi ko 'tong ini-imagine noon!
Pero totoo na! Totoong-totoo na ito ngayon! Ang lambot ng mga labi ni Brix. Lumalim ng lumalim ang mga halik niya hanggang sa unti-unti niya ng itinataas ang damit ko.
"Teka sandali," pag awat ko sa kanya.
"I thought you wanted to help me?" kunot noo niyang tanong.
"Yes I wanted but hindi sa ganitong paraan. I'm sorry."
Mabilis kong kinuha ang bag ko at ang mga papeles saka nagmamadaling umalis. Gusto ko siyang tulongan pero hindi sa ganitong paraan. Hindi pa ako handang ibigay sa kanya ang katawan ko kahit mahal na mahal ko siya.
Habang nakasakay sa elevator, hindi ko mapigilan ang mahawakan ulit ang aking mga labi.
"Panaginip ba 'yon?"
Kinurot ko ang braso ko at napangiwi ako. Totoo nga! Totoong hinalikan ako ni Brix sa labi ko!