Chapter 2

2173 Words
"Hoy! Nakikinig ka ba? Bakit ba lutang ka?" Napabalik ako sa reyalidad dahil sa boses ni Cristy. Kausap ko pa pala siya pero parang hindi ko naintindihan 'yong mga sinabi niya. Siguro nga lutang pa rin ako hanggang ngayon at dahil 'yon sa halikan namin ni Brix noong nakaraang tatlong gabi. I really just can't believe that he did that pero 'yon nga, nagawa niya 'yon because he is too broke dahil kay Jertrude. "Ah oo. May iniisip lang talaga ako eh. Sorry." Binalik ko ang tingin ko sa computer at pinagpatuloy ang pag-type ng mga bagong data. "Anyway, nag aaya ang barkada mamaya na mag bar daw tayo. Celebration para kay Nancy dahil ikakasal na siya." "Talaga? Doon ba sa boyfriend niyang british?" Napatingin ako ngayon kay Cristy na ngumunguya ng chicharon. Halos nahuhulog na 'yong chicharon sa bunganga niya dahil sa katakawan nito. "Oo. Ang swerte niya no? Kahit hindi siya kagandahan e nagkaroon siya ng ganoon ka yumming knight and shining armor!" sabay paghagikgik niya ng tawa. Talaga 'tong babae na to oh! Baka mabulunan pa siya sa ginagawa niya! "Sshh! Ikaw naman kung makapanglait." Napaisip tuloy ako. Ako kaya? Kailan ikakasal? I'm already 24 years old pero hanggang ngayon, NBSB pa rin ako. Oo, NBSB. No boyfriend since birth! Hindi naman sa choosy ako. Talagang may pinaglaanan lang ako nitong pusong mamon ko. "Tingnan mo 'to, hindi na naman ako pinapansin. Diyan ka na nga! Basta mamaya ha? Huwag kang mawawala?" Tumayo si Cristy at kinuha ang chicharong natitira pero iniwanan namang makalat ang mesa ko. Tsk! "Ah, oo Cris. Sige," nayayamot kong sagot. Bumalik ako sa ginagawa kung pag i-encode ng mga reports. Tiningnan ko ang orasan at mag-aalas dose na pala. Pero napatigil ako sandali dahil sa tawag. "Office of the secretary. Who's this?" "Daphne, in my office now." Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Si Ma'am Criselda! Naku naman. Ano naman ba ang ginawa ko? Oo nga pala, hindi ko pa napapapermahan kay Brix 'yong mga papeles! Dali-dali akong tumayo at tumungo sa office ni Ma'am Criselda. Pagpasok ko'y naabotan ko siyang sumisimsim ng wine. "Ma'am Criselda, I'm really sorry po. Pero ngayon po, babalik po ako ulit." "Please sit down Daphne." Hindi ko halos malulon 'yong laway ko sa kaba. Am I fired? Naku naman! Huwag ngayon. Ngayon pang malapit ko ng maipatayo ang dream house para sa pamilya ko. Umupo agad ako at napayuko. Lord, sana naman bigyan niyo ng liwanag ang isip ni Ma'am Criselda na sana hindi niya ako paalisin sa trabaho. I really need this job! "Daphne, you know, you've been a very good secretary to me." "Ma'am sisisantihin niyo na po ba ako? Ma'am Criselda, sorry po talaga. Pero ngayon po, babalik ako agad-agad sa Montejo Empire at hindi po talaga ako aalis doon kapag hindi ko pa po napapermahan 'yong mga papeles." "No, that's not the reason why you are here Daphne. Infact...." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ako halos makapaniwala! "Uy Daphne! Saan ka pupunta? Bakit mo nililigpit ang mga gamit mo?" tanong ni Sandra na siyang nakakuha sa atensyon ng iba kong mga katrabaho para lumapit sa'kin. Hindi agad ako nakasagot. "Aalis ka na? Bakit? Sinisanti ka ni Ma'am Criselda? Bakit naman Daph?" "Ang daya mo naman Daph! Mag ba-bar pa tayo mamaya tapos mang-iiwan ka." "Uy Daphne? Ano? Bakit hindi ka makasagot?" Sunod-sunod nilang tanong. Marahil ay inaasahan nila ang pagluha ko pero nagkakamali sila! Isa-isa ko silang niyakap na tila ba nanalo ako ng lotto! "Okay ka lang ba? Anong nakain mo?" "Baliw na ata 'tong si Daphne!" "Ssssh! Pwede ba? Huwag nga kayong OA. Hindi naman ako aalis no," sabi ko sa kanila habang pinagpatuloy ko ang pagliligpit ng mga gamit ko. "Then bakit ka nagliligpit ng mga gamit mo? Oh baka nalipat ka ng department sa baba?" tanong ni Sandra. "Hindi ko pwedeng sabihin e pero basta, ang maipapangako ko lang, sa Eztyle pa rin ako nagtatrabaho pero kailangan kong mag leave muna ngayon." "Wow! Talagang paborito ka ni Ma'am Criselda. Binigyan ka niya ng leave for vacation." Napailing nalang ako sa mga pinagsasabi nila. Pinagpatuloy pa rin nilang tinanong sa'kin kung bakit ako aalis pero wala akong maibigay na tamang sagot. Dahil maski ako, hindi ko rin alam kung ano talaga ang rason. Nang matapos ko ng mailigpit ang lahat ay binitbit ko na ito at sumakay ng elevator. Naabotan ko na naman si Ralp at sabay kaming sumakay ng elevator. "Daphne? What's the meaning of this? Are you leaving Eztyle?" Bakas sa mukha niya ang pagtataka. "Ah hindi. I'm still working here pero may importante kasing pinapatrabaho sa'kin si Ma'am Criselda." Inangat ko muli 'yong box na dala ko dahil dumudulas ito sa mga kamay ko. "Let me at least help you bring this," sabay kuha niya sa box. "Pero teka, bakit kailangan mong magligpit ng mga gamit mo kung hindi ka aalis?" "Iyong mga need materials lang din naman ang mga kinuha ko and the rest ay nandon pa rin sa table ko." "Kung gano'n, sino na ang magiging secretary ni Ma'am Criselda kung mag le-leave ka?" Napangiti ako bago ako nakasagot. "Si Cristy." "Wait, then when will I ever see you again kung gano'n? Matagal ka bang mawawala?" "3 months siguro." "Ang tagal naman. Baka mas mawalan na'ko ng chance niyan," aniya sabay ng paglungkot ng expression sa kanyang mukha. Natigil ang pag-uusap namin ng biglang bumukas ang elevator hudyat na narating na namin ang pinakaibabang floor. Lumabas ako gayon rin si Ralp. Humarap ako sa kanya. "Look Ralp, I already told you na hindi pwedeng maging tayo. Isa pa, maraming ibang mas magandang babae na babagay sayo." "Pero ikaw ang gusto ko." Ngumiti nalang ako tsaka hinawakan ang balikat niya. "I'm not for you Ralp. I'm really sorry kung na-busted ulit kita ngayon." Matapos ay kinuha ko 'yong box sa kamay niya. "Naabala pa tuloy kita. Salamat dito Ralph," mapait akong napangiti. And with that, umalis na ako. Hindi ko naman talaga gustong makapanakit ng damdamin ng tao pero kung hindi ko sasabihin 'yon frankly, baka patuloy lang umasa sa'kin si Ralp. "Aalis na po ba kayo Ma'am Daphne?" tanong sakin ni Mang Berto, isa sa mga security guard dito sa Eztyle na matagal ko ng kilala. "Opo Mang Berto. Pero babalik naman ako dito. May kailangan lang akong gawing trabaho outside Eztyle." Napakamot naman sa ulo si Mang Berto sa sinabi ko. "Ah akala ko po e. Sige po. Mag ingat po kayo Ma'am," anito at ngumiti sa'kin. Ngumiti rin ako pabalik at matapos ay dumiretso na sa Parking Area. Sumakay din agad ako sa kotse kong konti nalang ay babagsak na. "This is it!" Pagkalipas ng halos kalahating oras ay narating ko na rin ang destinasyon ko. Hindi ko pa rin alam kung bakit pero cho-choosy pa ba ako kung ito na ang pagkakataon kung makasama ko siya lagi sa iisang opisina? "No, that's not the reason why you are here Daphne. Infact, I'm here dahil may proposal sa'tin si Mr. Montejo." Napaubo naman ako sa sinabi ni Ma'am Criselda. "Ano pong proposal Ma'am Criselda?" "Well, it's very simple Daphne. You'll leave Eztyle for 3 months." "Po? Akala ko po ba hindi niyo ko sisisantihin?" halos maluha-luha na'ko. Huwag ngayon please. I really need this job. "Hindi nga. You will leave Eztyle but you will work under Montejo Empire for 3 months." "Po??" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ma'am Criselda. Gusto kong sampalin uli ang sarili ko kung totoo ba. "I know you're too amaze. But I don't know the reason why Mr. Montejo proposed that to me." "Paano po ang mga maiiwan kung trabaho Ma'am Criselda? Hindi pa po ako tapos doon para sa Annual Budget natin." "I will leave that to Cristy. She'll be my secretary for the meantime. Come on Daphne. I know that this is hard for you. But please? For the company? I'm hoping you will cooperate. Don't worry about Mr. Montejo's motive. I'll give protection to you silently." Nagdadalawang isip akong tanggapin ang alok ni Ma'am Criselda. I know that I dreamed so much to be with Brix again, to see him everyday but hindi lang talaga ako mapalagay sa rason kung bakit niya 'to ginagawa. Pero tatanggihan ko pa ba si Ma'am Criselda? I know she will be disappointed kung tatanggihan ko siya isa pa, malaki na rin ang naitulong ng kompanya niya sa buhay ko at kailangan ko rin ang trabahong inaalok niya. "Sige po Ma'am Criselda. Pumapayag po ako." Bumakas sa mga labi ni Ma'am Criselda ang ngiti at napatayo ito at lumapit sakin at niyakap ako ng pagkahigpit. "Now go.." "Ma'am?" tanong ko sa kanya. "I forgot, Mr. Montejo wanted you to start working in his office today." "Agad-agad Ma'am?" pabirong tanong ko sa kanya pero isang seryosong tango ang naisagot sa'kin ni Ma'am Criselda. "Haaa! Welcome Daphne to Montejo Empire!" saad ko saking sarili ng matuntong ko na ang labas ng building ng company ni Brix. Dala-dala ko ang mga gamit ko habang pumasok ako sa building. Dumeretso rin agad ako sa Information Desk Area at doon naabutan ko uli 'yong babaeng nag accommodate sakin noong nakaraang tatlong araw. "Ma'am kayo po ulit. Hali kayo," sabi nito sa'kin sabay ng pag guide niya sa'kin papuntang elevator. "Alam mo na kung ano ang sadya ko?" tanong ko sa kanya. Tumango lamang ito at ngumiti sakin. Awkward man pero ngumiti rin ako pabalik sa kanya. "Welcome po pala sa Montejo Empire Ma'am Daphne." "Huwag mo na akong tawaging Ma'am. Daphne nalang." Tanging ngiti lang ang ibinigay niya sakin. Nahihiwagaan talaga ako sa mga nangyayari sa'kin ngayon pati na sa mga tao rito. Lahat sila nakatingin sa'kin ng makalabas ako ng elevator at tumahak ako papunta sa office ni Brix. "I'll leave you here Ma'am Daphne. Kayo na po bahala kumausap kay Sir Red," anito. Red pala ang tawag nila kay Brix. Ako kaya? Ah basta! Sir Brix nalang siguro. Nagdadalawang isip akong katukin ang pinto. Magpahanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit ako nandito at kung ano ang magiging papel ko sa opisina niya. "Katukin mo na Daphne! Sige na!" sabi ko sa sarili ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagkaroon ng lakas ng loob. Kumatok ako pero wala namang sumagot. Kumatok ulit ako at ng wala pa rin akong marinig na sagot ay sinubukan ko nalang buksan ang pinto at dahan-dahang pumasok. Kaya naman pala siguro hindi ako marinig dahil sobrang laki ng opisina niya at ang layo ng distansya ng pintoan niya sa desk niya. Nilibot ko ang paningin ko. Napakaganda pala kahit napaka-simple lang ng itsura ng kwarto ng opisina niya. Napaka-masculine ng dating nito at puro kulay itim, white at gray ang kulay ng mga furniture. "You are 1 hour and 15 minutes late Ms. Alcantara." Halos mapalundag naman ako ng biglang umikot ang swivel chair. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng masilayan ko na ang kabuuan ni Brix. Ang manly niya! Ang gwapo-gwapo! Ang sarap halikan ulit! Fresh look na ulit siya di tulad no'ng nasa Rooftop kami. "Are you listening to me?" Napabalik ako sa reyalidad at inayos ang postura ko. "Ah Yes Sir." Nagkatitigan kami at hindi ko maiwasang makaramdam ng pag-init ng magkabila kung pisngi pati ang pamamawis ng mga kamay ko. Bakit ba kasi ganito siya makatitig? Galit kaya siya dahil sa nangyari noong nakaraang tatlong gabi? Eh siya naman 'tong humalik ah! Siya pa nga 'tong niligtas ko dahil gusto niyang magpakamatay para sa babaeng iniwan siya. "Start your work," maikli niyang sambit. "Po?" "I said start your work," seryosong saad niya sabay titig sakin ng madilim. "Ano po 'yong work ko dito? At kasi po nalilito po ako kung bakit po ako nandito. Bakit nga po pala?" Ilang katahimikan pa ang lumipas bago siya sumagot. Nalilito tuloy ako kung saan ako tititig dahil nagiging uncomfortable ako sa tingin niya. "You'll be my private secretary starting today. Wherever I go, you will be there. You will work for me 24/7". Nalaglag ko ang dala kong box na may mga gamit ko. "Po? 24/7? Ano pong ibig niyong sabihin?" "Of course, I will also pay you triple from your previous salary in Eztyle," he said in a manly voice. "Pero–" natigilan ako dahil sa titig niyang parang naiirita sakin. "No buts! Now start working." Pagkatapos niyang magsalita ay basta nalang niya akong tinalikuran na parang wala lang. Balak ko sanang magprotesta pero agad siyang nag bisi-busyhan habang nag che-check ng mga papeles. Pinulot ko nalang ang mga gamit ko at pinuntahan ang pwesto ko 'di rin lang kalayuan sa mesa niya. Oo. Iisa lang ang kwarto namin at mas lalong nakakailang. Hindi ko naman dapat 'to maramdaman dahil matagal ko na 'tong ginusto pero parang sobrang na puzzled ako kung bakit niya to ginagawa. Parusa kaya to dahil sa halikan namin? Matapos kong ma i-arrange ang mga gamit ko ay inumpisahan ko na ang nakatambak na trabaho na naiwan sa lamesa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD