Chapter 12

1800 Words

Umuulan pa rin pero hindi na kasing lakas ng ulan kahapon. Hindi na rin kumukulog at kumikidlat. Tiningnan ko si Brix pero hanggang ngayon ay tulog pa rin siya. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at pinagmasdan. Namumutla ang kanyang mukha at nanginginig ang kanyang labi habang nakabaluktot ang postura ng kanyang paghiga. Hinawakan ko ang noo niya at hindi nga ako nagkakamali sa iniisip ko. Inaapoy siya ng lagnat. "Brix! Brix! Gising ka muna." Inuga-uga ko ang laylayan ng damit niya. Dahan-dahan niya rin namang minulat ang kanyang mga mata. "Daphne," nanginginig na boses niya. Mabilis kong kinuha ang long sleeves na kagabi ko pa pinatuyo. "Sinabi ko naman kasi sayo na hubadin mo ang damit mo. Ayan tuloy, inaapoy ka ng lagnat." "It's not right to be naked with a girl beside me."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD