Tiningnan ko ang dagat at naalala ko na naman ang ginawa ni Brix kagabi. Halos wala akong tulog sa kakaisip kong bakit niya 'yon ginawa. Hindi ko pa rin talaga siya maintindihan. Nandito kasi kami sa isang beach resort. Gaya kasi ng nakasanayan naming pamilya tuwing umuuwi ako ay nag a-outing kami. Napapalibotan lang din kasi ng tubig dagat ang probinsya namin kaya hindi problema ang makahanap ng magandang beach resort. Abala sa pag-iihaw sila Papa at Brix sa isda at karne. Habang nasa tabi naman ni Lolo Cards si Lola Carmina na tinatanaw ang dagat habang si Mama naman ay abala sa paglalagay ng lotion sa katawan niya. "Ma hindi ka ba nahihiya diyan sa suot mo? Kitang kita na yang tiyan mo oh," saway ko sa kanya. Paano ba naman kasi, kitang-kita na ang bilbil niya sa suot niyang bathin

