Chapter III: Drunk...

1923 Words
Kanina pa pinagmamasdan ni Arthur ang babaeng nakaupo sa may harap ng bar. Hindi rin maintindihan ng binata kung bakit niya ito sinundan doon mula sa Quantum. Pang-ilang inom na nga ba nito ang shot glass na hawak. Pangalawa, pangatlo? Hindi siya sigurado. Mas napagtutuunan kasi niya ng pansin ang mga simpleng gestures and reactions nito. And that mannerism na madalas na paggusot ng ilong na malamang hindi napapansin ni Skye, pero isang magandang tanawin para sa lalaking tulad niya. Kararating lang niya sa Quantum nang masaksihan ang pagpapahiya ni Wilson sa tingin niya'y menor-de-edad ng mga dela Vega. Personal na kilala ni Arthur ang lalaki dahil naging kliyente niya ang mag-asawang Cruz sa grocery business ng mga ito. Bukod doo'y tulad niyang regular guest din ito sa sa naturang nightclub. At tulad din niya'y kilala itong womanizer. Ang kaibahan nga lang niya'y hindi siya pumapatol sa bata para lang mapatunayang cool siya. Noong una'y pamilyar lang sa kanya ang dalagita. Hanggang sa banggitin ni Wilson ang pangalan nito at doon niya na-recognized ang bunsong kapatid ni Sunshine. Dinig na niya ang pagiging matigas ng ulo ng bunsong dela Vega, pero hindi niya inaasahang makita ito doon. Ayon kay Sunshine ay mahigpit na ipinagbabawal ng ama ang magpunta ang mga ito sa mga ganoong lugar nang minsang imbitahan niyang magtungo sila roon ng dalaga pagkatapos nilang mag-dinner. The youngest dela Vega must be very stubborn. And he found it somewhat amusing. Well, he had always been amused with her back then. Napangiti siya nang maalala ang batang si Skye. Hindi niya makakalimutan ang araw na sipain siya nito sa pagitan ng hita nang mahuli nitong tangka niyang yakapin si Sophia na nang panahong iyun ay sinusubukan diskartihan. "Get off your dirty hands away from my sister!" Hinila ng nanlilisik ang mata ng batang si Skye ang nakatatandang kapatid na si Sophia at itinago sa likuran pagkatapos itulak si Arthur at sinipa sa pagitan ng legs nito. Ang binatilyo ay hindi agad naka-huma dahil sa nasaktang p*********i. Pinipilit huwag mapa-aray sa harap ng magkapatid. "S-Skye." Awat ni Sophia sa kapatid. "Wala naman siyang ginagawa sa akin. P-pasensya kana Arthur." "No! Hindi pa sa ngayon pero alam ko ang mga tingin niya sayo. He's planning to do something. Look at his eyes ate Sophie." Hindi nagpaawat at muling tinapunan ng matalim na tingin si Arthur. "Ang mga tulad niya'y hindi gagawa ng maganda." Si Arthur ay amused na minasdan ang maliit na si Skye. She was ten pero bakit ganito manalita ang bunso ng mga dela-Vega. Hindi niya ma-imagine kapag tumanda na ito. At ipinagpasalamat niyang maliit ito kaya hindi masyadong nagkaroon ng pwersa ang pagsipa nito sa maselang parte ng katawan niya. "P-Pasensya kana Arthur. Skye loves reading books kaya kung ano-ano ang lumalabas sa bibig niya. Let's go Skye." At pilit itong hinihila ni Sophia. "I am warning you'!" Babala ni Skye sa maliit na boses bago ito tuluyang sumama sa nakatatandang ate nito. Arthur lips turned into a huge smile as he followed the two dela Vegas. Bahagyang nawala ang galit at sakit na naramdaman sa ginawa ni Skye dahil sa amusement. Arthur smiled at the memory. Nakakatuwa ang pagiging overprotective nito sa mas nakatatandang kapatid sa kabila ng ito ang bunso. Nakita niyang muling humingi ng isa pang shot sa nakatokang bartender ang dalagita. Doon na nagpagpasyahang lumapit ang binata at naupo sa tabi nito. Hindi man lang nag-atubiling lumingon ang dalagita. Gustong matawa ni Arthur nang makita ang muling paggusot ng mukha ni Skye nang tunggain ang laman ng baso. Nagmukha itong trying hard maglasing. And then his eyes locked to her pretty face, partikular sa mga labing ngayon ay binabasa ng munting dila nito. And that adorable thing she did when her hair gets into her mouth and she attemptet to spit out. She just kinda flicks her tongue in and out of her mouth while blowing out air. Pagkatapos ay napabuntong-hininga. Kumislap ang mata niya. Its amazing! "Scotch please." Aniya sa bartender nang tanungin ang nais niya. Saka lang lumingon si Skye na kanina pa busy sa pagsesentemyento. Sa kabila ng may kadilimang paligid ay agad na-recognize ang nagmamay-ari ng gwapong mukhang iyon. He was smiling towards her showing his perfect teeths while gazing down at her Hindi sinasadyang matuon ang paningin niya sa mga labing iyon. So pink, at tila nanunudyo. Bumalik sa isip ng dalaga kung paano pinaglaruan ng mga labing iyon ang sariling labi kanina. Naghatid ng kakaibang pakiramdam sa kanya ang isiping iyon. Oh why she felt like wrapping her arms around his neck at ulitin ang ginawa nila kanina. Malakas ang tinig na nag-uudyok na gawin ang nais. Who cares, wala doon ang ama o kahit sinong myembro ng pamilya para pagsabihan siya. Naipilig ni Skye ang ulo. Hindi siya sigurado kung dahil sa nainom kaya hindi niya makontrol ang sariking isip. And why does she felt like floating! Parang napakagaan ng pakiramdam niya. She's suppose to have headache right! Kaya siya nag-iinom ay para pag-uwi niya ay matutulog nalang siya to avoid crying dahil sa nangyari. Pero bat parang kabaligtaran ata ang epkto ng alak sa kanya. Malinaw na nakakalasing na alak ang hiningi niya sa bartender kanina. And she wanted more! Pakiramdam niya'y abot-kamay niya ang kalayaang nais tinatamasa. She wanted to scream, to jump for joy! Ang tumayo sa gitna ng dance floor at magsayaw doon. She had never experience that before, for once ay gusto niyang maranasan. "Another one please." Baling niya sa bartender na rumihistro sa mukha ang pag-aalangan. "Give her the last shot, I'm with her." Utos ni Arthur. Sumunod naman ang bartender at sinalinan ang shot glass ng dalaga. "Did your father know you're here?" Skye gave him an exasperating look. "May dad?" Marahas siyang huminga at tumingin sa harap as if her father is there. "Sa palagay mo ba'y papayag ang daddy ko na pumunta ako rito." Napasinok siya at hindi naitago ang pagkadisgusto sa tinig. "Sorry." She apologized at bahagyang humarap rito. "Are you gonna tell Sunshine about this?" Agad nagusot ang noo niya sa pagkakatitig tito. Bakit parang masyadong magalaw ang mukha ni Arthur.. "Gusto mo bang sabihin ko sa kanya?" Balik-tanong ng binata. Lumabi siya at inalis ang tingin rito. Itinaas ang baso at diretsong tinungga ang laman. Naramdaman niya ang pagguhit ng alak sa lalamunan pero hindi tulad ng mga una na tila nais niyang masuka. Ngayon ay tila tinatanggal nito ang lahat ng pait sa dibdib niya. "I want another one." Inagaw ni Arthur ang baso sa kamay at itinaboy ang bartender. "I dont think so." Anang binata nang makita ang labis na pamumula ng mukha niya. Marahang tumawa si Skye at bahagyang hinampas ang balikat nito. Kung sa ibang pagkakataon ay mangingimi siyang kausapin ito. But why does she felt normal talking to him now. "Such a concern. Dont worry hindi malalaman ni Sunshine ang ginawa mo sa akin. Mr. Future-brother-in-law." And she giggled. Nagsalubong ang kilay ng binata. "What??" She made that funny piggy expression she normally does kung saan nagaabot ang nguso sa tip ng ilong. "So you and Sunshine huh." Matabang niyang sabi at pilit itinutuwid ang pagkaka-upo. Ramdam na niya ang bahagyang pag-ikot ng paligid niya. Napabuntong-hininga siya. "Ang ate kong si sunshine na walang ginawa kundi sundin ang gusto ni daddy. While I was the rebelled daughter na walang ginawa kundi ang suwayin ang magulang. I guess you would make a perfect couple." Nalumbaba siya at tumingin rito. Her heart started racing as he stare at his handsome. Hindi niya tipo ang kulay ng binata pero tila nakadagdag iyun sa appeal nito. Dugyot at marumi ang kulay tan sa kanya pero bakit iba ang dating niyun sa lalaki. He looked more manly and somewhat hot. Oh Skye, what do you know about being hot! Sita niya sa sarili. "Maybe. But why do you sound sarcastic there." Amused na turan ni Arthur at ininom ang natitirang alak sa baso. "Me! Of course not Mr future-brother-in-law. Maybe you just heard me wrong." She denied vehemently and then rolled her eyes at his accusation. Pagkatapos ay napabuntong-hininga. "I think I should thank you back then. You save my damn-ass pride." Nagtangka siyang tumayo ngunit umikot ang paligid niya. Mabuti nalang at maagap ang binata at nahawakan siya sa bewang. At siya nama'y napakapit sa balikat nito. Skye laughed huskily. "Daig ng maagap ang masikap. That phrase suits you sir." She giggled like a child. Walang pakialam kung iba ang maging dating niyon sa binata. Tinulungan siya nitong bumalik sa upuan. Pero hindi ito nag-abalang lumayo sa kanya. "I want to dance..." Parang batang usal niya unaware that her hands are doing their own exploration to his chest up to his arms. Gusto niya ang pagkakalapit ng katawan nila ng binata. Hindi niya alam kung epekto iyon ng alak o dahil sa airconditioned ang buong lugar. She suddenly felt cold at ang init na nagmumula sa katawan ng binata ang nagiging panlaban niya. Weird dahil kahit si Wilson ay hindi siya nalapitan ng ganoon. Sa tuwina'y mataktika siyang lumalayo. Bukod sa ayaw niyang bigyan ito ng dahilan to cross the line, ay hindi siya komportable sa hawak ng sinumang lalaki. Could be the effect of alcohol then. "You're drunk. I should take you home."Anang binata, his breath touched her ears. Sa halip na manulak ay tila may nag-uudyok na ilapit pa ang katawan rito. Umiling siya. "I want to stay for a while, please." Pakiusap niya rito at kusang tumaas ang kamay at yumakap sa leeg nito at tuluyang humilig sa malapad na dibdib ng binata. She felt comfortable. Can I stay here for a while. Gusto niya ang kapanatagang nararamdaman niya sa bisig nito. Hindi niya maintindihan, dahil ba sa kilala niya ito kaya siya panatag kahit gawin niya ang kahit ano. "You shouldn't be here Skye. Ilang taon kana ba?" Arthur whispered. His breathing became heavy. Napangiti ang dalaga. Para siyang ipinaghehele dahil sa paraan ng pakikipag-usap nito."Dont worry Mr. Saviour three months ago pa ako nag-eighteen kaya hindi ka nila kakasuhan" She giggled again and gaze up at him. Their face are inches away. Kaunting dukwang niya lang ay muling magtatagpo ang mga labi nila. But is she allowed to do that? No! Sigaw ng matinong bahagi ng utak! You're going to far Skye. Yeah right! Pilit kinalma ang sarili at siyang kusang lumayo rito. Naging maagap naman si Arthur at inalalayan siyang sumandal sa upuan. "I'll go home later, just let me stay here for a while." Aniya at pumikit. Hinayaang lamunin ng malakas na musika ang sistema niya. This is wrong! She knows it! Alam niyang ang pagsisinunaling ay mali and she still does para lang puntahan si Wilson. Looked at what happened. Nagmulat siya ng mata at nilingon ang katabi. She's a bit off-guard nang mapansing sa kanya parin nakatuon ang mata nito. Pero inignora niya iyun. " I'm crazy, right." Bulong niya. Hindi ito sumagot at nanatiling nakatitig sa kanya na tila isa siyang barahang binabalasa nito. Pasimpleng siyang nag-iwas ng mukha. "I don't know what happened Skye. But you are right. Ang pagparito mo ay isang kalokohan. Hindi ko maisip kung anong pwedeng gawin ng daddy mo kapag nalaman niya ito." "Doesn't matter. Wala na rin namang akong rason para lumabas." Matabang niyang turan. "Tell me what happened?" Without hesitation, she started telling him the whole story. About Wilson, yung pagsisinungaling niyang gagawa ng project sa bahay nila Kara kaya siya pinayagan ng magulang. Ang dahilan kung bakit siya naroon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD