Chapter II: Mischievous kiss

1890 Words
"What Wilson, susuko kana?" Kantyaw ng isang lalaki na nakilala niyang si Luis na alam niyang kaibigan ni Wilson from IT department. Hindi niya napansing narito ito at ang ilan pang mga kaibigan ng kasintahan na tulad ng binata'y sakit din sa ulo ng kanya-kanyang mga magulang. "You are almost there pare, isang buwan nalang. Nagawa mo ngang papuntahin si Skye rito." Napapailing sa komento ni Gelo. Lumapit naman ang isang babaeng nadatnan nilang katabi ni Wilson kanina na nang makita siyay dagling lumayo rito. Pero ngayoy walang pag-aalinlangang ipinulupot ang kamay sa bewang ng kasintahan. "Finally, babe." Matabang na sabi nito. "A-ano ang ibig sabihin nito Wilson." Naguguluhang tanong niya. She's starting to feel panicky. "Hindi mo paba nakukuha Skye? These boys made a bet on you. At ang lokong boyfriend ko nama'y pumayag.Tumutol ako pero pagmumlan lang yun ng away naming, so I agreed. Besides nang makita kita'y naniwala akong hindi rin lang tatagal si Wilson sa isang katulad mo." Sarkastikong itong napangito at pinasadahan siya mula ng nakakalokong tingin mula ulo hanggang paa. Her eyes narrowed and said "I-is this a joke Wilson?" Nagkibit-balikat ang tinanong sa panggigilalas ni Skye. Feeling niya ay nangliliit siya  bigla dahil sa mga matang nakatuon sa kanya. They didn't just draw attention, dahil siya na ang sentro ng atensyon ng lahat. "I really like you Skye, you are such a pretty young lass. Bukod doo'y kaya mong suwayin ang iyong ama just to please me. Pero simpleng hawak-kamay lang ang gusto mo at iyon ang hindi ko kayang tagalan. Pati na ang walang katapusang pangangaral mo sa akin na tila ba ikaw ay isa naring pastor. At ang mga isinusuot mo?" Pinasadahan nito ang kabuuan niya." Masyadong simple at plain, sa school blouse at jeans lang, kung hindi nama'y mahaba pang palda. Ano ba Skye! Do you think ay natutuwa akong nakaakarinig ng mga panlalait nila sayo. Na ang girlfriend ko ay ni hindi ko man lang magawang maipagmalaki." Sumulak ang labis na galit sa buong pagkatao ng dalaga. Ang isiping pinagpustahan lang siyay labis-labis ng sakit at dinadagdagan pa talaga nito. "At ano ang gusto mong suotin ko? Katulad ng suot ng babaeng yan." Turo niya sa nagpakilalang kasintahan nito. "Na halos lumuwa na ang kaluluwa niya." itinaas niya ang baba. "Hindi ako kasing-baba ng iniisip mo Wilson." Tumawa ito ng patuya. "Really Skye! Yan lang ang katangiang nagustuhan ko sayo ang pagiging matapang. But neverthles you are such a boring, stupid little girl that fell into my crappy trap." “Shame on you Wilson!”she said in cold fury habang ang mga mata ay matalim na nakakatitig rito. She had never been angrier in her whole life that her voice tremble. “Yeah, yeah!” He winced at inalis ang boring na tingin sa kanya. “Im so done with you!” Tuluyan siyang tinalikuran at bumalik sa pinanggalingang couch kaakbay ang kasintahan, kasunod ang mga kaibigang nitong patuloy sa pagkantyaw dito. Samantala, parang naitulos sa kinatatayuan si Skye. Nakayuko siya habang nakakuyom ang kamao. May pakiramdam siyang labis ang pamumula niya dahil sa kahihiyang dinanas. She was insulted embarrassed in front of lots of people. Gusto niyang umiyak pero walang luhang nais lumabas sa mata. She knows that she needs to go. Pero ayaw humakbang ng mga paa niya. Naririnig niya parin ang tawanan ng mga balahura na humahalo sa musika. Bumalik na sa normal ang lahat pero nararamdaman parin niya ang mata ng ibang naroon na nakatutok parin sa kanya. Ang iba'y nagbubulungan, pagkahabag ang nasa mata. Some were laughing. Nahiling niya na sana’y lumuwa nalang ang sahig at lamunin siya. O kaya naman ay bigla nalang siyang maglaho, but to her dismay, it didn’t happen. Nanatili siyang nakatayo sa kinaroonan habang kagat ng mariin ang pang-ibabang labi. She's a loser! She's supposed to feel pain! Pero bakit puro galit ang nagsisilimbayan sa dibdib niya. She felt like punching Wilson's face at magwala sa harap nito? At kung hindi niya makokontrol ang ganoong emosyon ay baka lapitan pa niya ang lalaki at pagbabasagin sa mukha ang mga baso sa harap nito. But will that make any difference? No! Siya din lang ang sumagot sa sariling tanong. It will only make her look more pitiful. Naramdaman niya ang paglapit ng kung sinuman pero hindi siya nagtangkang mag-angat ng mukha. Kaya laking gulat nalang ni Skye nang makarinig ng baritonong tinig at ang pwersahang pagpihit sa kanya paharap ng kung sinuman. "Hey my sweet little baby." At bago pa makahuma ang dalaga ay kusang humawak ang pangahas sa bewang at kinabig siya palapit rito. And before she knew it ay nakakulong na siya sa matitipunong bisig ng isang matangkad na lalaki habang magkahinang ang kanilang mga labi. She doesn’t even had the chance to close her eyes. Nilamon ng halik ng binata ang pagsinghap niya. His mouth tastes like a mixture of mint and alcohol. Pero bukod doon ay ramdam niya ang init na dulot na hatid ng labi nito. The softness of his lips na tila may sariling isip na sumasamba sa mga labi niya.He was tasting her lips from one corner to  another. And when she sighed with pleasure, sinamantala ito ng binata and delved his tongue deeply. She was shocked allright, pero hindi dahil sa takot, kundi pakiramdam niya ay pinagapangan siya ng live wire sa katawan. Hindi niya namalayang kusang tumaas ang mga kamay sa leeg ng lalaki dahil pakiramdam niya ay para siyang nalulunod. For a long time Skye dreamed of this kiss. Nangarap siyang mahalikan ng lalaking mahal siya at mahal niya rin sa ganitong paraan. Kaya naman hindi niya inasahan ang magiging pagtugon sa halik na galing sa isang estranghero. Hindi niya alam kung paano ang tamang pag-ganti sa halik na iginagawad sa kany ng lalaki, kaya inilapit nalang niya ang katawan rito. Gosh he's a master seducer! How can he make her response like this. Siya na walang masyadong karanasan sa mga ganoong bagay. Soon she found herself closing her eyes tightly and responding to his sweet kisses. The stranger guided her. She opens her mouth and let his tongue meets her. The stranger tries to explore the inside of her mouth. It was deeply erotic and sensual. Nakalimutan ni Skye pansamantala kung nasaan siya. Time and place held no meaning. Hindi pansin ang pagsinghap ng ilang naroon dahil natabunan iyun ng pagpintig ng sariling dibdib. Gosh, she wanted more. Para siyang manlalakbay na labis na nauuhaw. They were both cathching their breath when the kiss ended. "Wooow that was intense!" Kumikislap ang mga matang komento ng lalaki.  Sumilay ang maluwang na ngiti sa labi as he gazed down at her in amazement. Skye slowly opened her eyes and met those gleaming dark eyes. Oh, why napakatangkad nito sa kabila ng naka-suot siya ng two inches heels ay hanggang baba lang siya nito. He has a handsome face in an astonishing and intriguing kind of way. And totally, defintely attractive.  Maya-maya'y biglang nag-salubong ang kilay niya nang matitigang mabuti ang kabuuan ng nasa harapan.   Parang binundol ang dibdib niya at napasinghap kasabay ng panlalaki ng mata. “I-Ikaw!” "Ano ang ibig sabihin nito Skye?" Napalingon si Skye. Bumalik si Wilson at hindi maipinta ang mukha nitong puno ng katanungan. Hindi siya agad nakasagot at pinaglipat-lipat ang mata rito at sa katabing lalaki. Nag-init ang punong-tenga niya nang magtagal ang mata sa huli. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. “I-Is that really you?” alanganing tanong. Please say no sigaw ng isip. Sana’y kahawig lang ng lalaking ito ang anak ng kaibigan ng mama niya. “Tinatanong kita Skye!” Agaw ni Wilson sa atensyon. Wala sa loob na bumaling siya rito. Saka lang niya napansin ang galit na nakabadya sa namumulang mukha nito. Gosh why he looks so wounded. Gustong taasan ng kilay ng dalaga. Lihim na nagbunyi ang kalooban. Pero hindi dapat iyun ang iniintindi niya sa ngayon. Naguguluhan siya sa bilis ng mga pangyayari.  Curious na sumunod ang nagpakilalang kasintahan ni Wilson na hindi naitago ang pagsinghap nang mapagsino ang nasa tabi.  "A-Arthur Martinez.?" Arthur Martines in flesh. She was right. Bumaling siya sa nakangiting lalaki. "It’s me." Nakangiting tugon ni Arthur. "Wilson and Maggie right?" Napangiti ng pagkatamis-tamis ang babae sa narinig. Ikinatuwa nitong kilala ito ng isa sa mga itinuturing na most eligible bachelor ngayon sa bansa. "I'm sure you had meet my girlfriend." Si Arthur na umakbay sa kanya. He gazed down and winked at her. Marahang pinisil ng kamay ang balikat niya. Nawala ang ngiti sa labi ni Maggie at tuluyang nagdilim naman ang mukha ni Wilson sa nasaksihan. Nagtatanong ang matang tiningala si Arthur. Kilala ni Skye ang binata, Well barely. She only meet him a few times sa tanang buhay niya. Hindi man personal na kilala ang buong pamilya, somehow ay aware ang mga dela Vegas sa mga ito kahit sabihing kabilang sa alta-sociedad ang pamilya. At dahil iyun kay Aurora Martinez na kaibigan ni Rose.  A few weeks ago ay lumabas si Arthur kasama ng ate niyang si Sunshine sa isang date na nasundan pa ng ilang pag-labas. At sa mga panahong iyon ay walang bukam-bibig ang ate niya kung gaano ka-gwapo ang binata at sinabing hindi magtatagal ay sasagutin niya ito. Which she doubted knowing his reputation ayun sa mga society pages na aksidente niyang nababasa. "Paano mo naging boyfriend ang lalaking yan, Skye?" may bahid ng pagka-inip na muling untag ni Wilson. Gustong magdiwang ni Skye sa nakikitang galit sa mukha ng dating kasintahan. Tila nahimasmasan ito at nawala ang pagkalasing. "W-Wilson lets go." Alanganing aya ni Maggie rito. "Is there something wrong pare." Salubong ang kilay na tanong ni Arthur. "N-Nothing's wrong Arthur, lets go back Wilson!" Aligaga sa pag-explain si Maggie at pilit hinihila ang kasintahan ngunit hindi tumalima ang lalaki. Nakangiting bumaling sa kanya si Arthur. "I didn't know you came baby. Kung alam kung pupunta ka'y inagahan ko sana at nang hindi ka mag-isa." malabing na sabi ni Arthur and gently brushed her cheeks. Hindi maintindihan ni Skye ang biglang paglukso ng puso niya sa simpleng gesture na iyun ng binata. At doon lang tila natauhan si Skye at naalala ang kaibigang si Kara. Hindi niya nais madagdagan ang komplikasyong pinasok niya ngayong gabi. Tinalikuran niya ang mga ito at tinungo ang pinto. Hindi alintana ang sabay na pagtawag ng walang lalaki.  Binilisan niya ang lakad at sinubukang hanapin ang kaibigan sa labas. Maya-maya'y tumunog ang cellphone niya. Laman ang mensahe ng kaibigan. Nanghihinang napaupo siya sa isang tabi as she read Kara's message Pinasadaahan ang hilera ng mga disco bar sa kinaroroonan. Kung malalaman ng dad niya ang nangyari'y baka palayasin siya nito. Mahigpit na ipinagbabawal nito ang pagpunta sa mga ganoong lugar. She owed her friend Kara once again. She took a deep breath. She hated her life and so was Wilson. Akala niya'y ito na ang makapagbabago ng buhay niya. Akala niya'y ito na ang lalaking hinihinaty niya na mag-aalis sa kanya sa poder ng mahigpit na ama. Sa sandaling panahon ay pinangarap niyang makasama ang lalaki. Nagplano sila, ang gusto nito'y kunin na siya ngayon sa poder ng magulang at magsama na diumano sila. Ngunit tumutol siya, ang sabi niya'y after niyang mag-graduate at kailangang ayusin nang binata ang buhay para sa kanya. And he promised he will pero mukhang nauto lang siya nito. Labis na sumama ang loob ng dalaga. Pero may isa pang damdamin.  Wala sa sariling napahawak siya sa sariling labi. Napakislot ang puso niya nang maalala ang halik na pinagsaluhan nila ni Arthur.  Maya-maya'y tumayo siya at dumiretso sa bar na katapat ng Quantum. She needed something to drink. Para siyang nauhaw bigla.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD