Chapter I: Unforseen

1982 Words
Kanina pa niya matiim na tinititigan ang babaeng nasa harapan. She's quite pretty and properly dressed pero ni walang maramdamang attraction si Arthur para rito. O dahil sa kaalamang pastor ang ama nito kaya anumang kapilyuhang nabubuo sa isip ay tila yelong unti-unting nalulusaw. Labis ang pamumula ng mukha ni Sunshine at sa durasyon ng pag-uusap nila'y sa baba ito nakatingin. Ang palad ay nanatiling magkasalikop sa ibabaw ng hita pagkatapos ng kiming pagkain. Gustong matawa ni Arthur sa kilos na iyun ng dalaga but he didn’t. She amused him a bit! Hindi niya akalaing mayroong ganitong babae parin sa panahon ngayon. Shy and timid. Hindi niya masyadong tipo pero binubuhay nito ang curiousity niya. Gusto niyang makita kung hanggang saan ang pagiging mahiyain nito. "I hope you enjoy the dinner." aniya at sinubukang huliin ang mga mata nito. Agad itong nagtaas ng mukha na muli ring ibinaba ng makasalubong ang mga mata niya."O-of course Mr. Martinez, sana'y muli mo akong imbitahan sa susunod." Lihim na tumaas ang kilay ni Arthur sa sinabi nito. "Anak ka ng pastor, hindi magandang tignan kapag nagpapahaging ka sa isang lalaki na nais mo pang maulit ang paglabas ninyo." Bahagyang napasinghap si Sunshine sa kaprangkahan ng kaharap. "Dont get me wrong Sunshine, you are pretty and smart. But I want to dine and talk to someone na titignan ako sa mga mata. Naiintindihan kong unang paglabas palang natin ito pero kanina pa tayo magka-usap at hanggang ngayo'y sa baba kapa rin nakatingin." Humingi ng paumanhin ang dalaga. She literally look uneasy. Sa hinuha pa ni Arthur ay baka pinagpapawisan pa ang palad nito. Pakiramdam niya'y para itong fresh graduate na kinakabahan sa unang interview. Very strange, dahil sa pagkakaalam niya’y teacher ang dalaga. Dapat sana’y itong may matang nakatingin rito. "P-Please give me another chance Mr. Martinez. M-medyo naiilang lang ako sa paraan ng pagtitig mo." Pag-amin nito. Nagsalubong ang kilay ni Arthur. "May problema ba sa paraan ng pagtitig ko Sunshine?" Samantala, alanganing sumagot si Sunshine at mapahangas na sinalubong ang mata ng kaharap. The lady kept her eyes on his face partikular sa mga mata nitong kasing dilim ng gabi. Ilang beses napalunok nang matitigan ang kabuuan ng kaharap. The magazine didn’t give him justice! He was really very good-looking. The dark and brooding kind. And a bad boy image that appeal to women all ages. Sa katunayan ay hindi iilang guest sa kinaroroonang restaurant ang napapatingin sa mesa nila may kasama mang ka-date o grupo ng kababaihan. Somehow, she felt proud knowing na may inggit ang tinging ipinupukol ng mga ito sa direksyon niya. But this man is making her feel uneasy. Isa siyang guro kaya sana'y siyang tinitignan pero hindi ang sa binata. His stare gives her a romantic excitement na tumatagos hanggang sa buto."A-ang paraa'y wala pero ang iba epekto ng titig mo Mr. Martinez."she swallowed hard. Sumilay ang ngiti sa labi ng binata as he heard her comment. "Sa una marahil but you'll get used to it kapag nagtagal." At muling ipinagpatuloy ang matiim na pagtitig rito. Muling bumalik sa baba ang mata ng dalaga. Arthur's mouth twitched in a lazy smile. Alam niyang kaunting push lang ay maaari niyang makuha ang dalaga. But it was as if something was holding him back. Not this particular lady sabi ng isang boses sa isip. "Hindi naman ito ang ipinaalam nating pupuntahan natin Skye, malalagot tayo nito kapag may naka-kita sa atin. Baka isumbong tayo sa papa mo." There's a quiver on Kara's voice as she followed her friend towards the entrance door. "Dont worry hindi nila malalamang nandito tayo." Pasigaw na sagot ni Skye sa kabila ng malakas na musikang sumalubong sa kanila at nagsimulang luminga sa paligid. May particular siyang taong hinahanap. Si Wilson ang dalawang-buwan palang niyang kasintahan. Kaklase niya ang binata sa naiwan nitong minor subject. Bente-kwatro na ito kung tutuusin pero nasa kolehiyo parin kahit four-years course lang ang kinuha. Lagi itong bagsak dahil sa kalalawatsa at laging pagliban sa klase. At hindi naman iyon inilihim ng binata sa kanya. Katwiran nito’y hindi naman nito kailangang magtrabo dahil nag-iisang anak at pareho pang kaya pang magtrabaho ng magulang para rito. Very lame excuse pero tila may napukaw sa damdamin niya ang binata dahilan upang tanggapin ang iniluluho nitong pag-ibig dalawang buwan na ang nakararaan. Bukod pa sa kilala ito sa school nila bilang varsity player. "Saka hindi ba't alanganin ang suot natin Skye. Baka malaman nilang menor-de-edad pa tayo."kulit ni Kara na halos lamunin ng lakas ng music ang reklamo nang tuluyan silang makapasok sa establisyemento. Napabuntong-hininga si Skye. Kung alam lang niyang susumpungin ng pagka-maligalig nito ang kaibigan ay hindi nalang niya isinama ito.But she needs her for her little scheme. Masyadong strict ang father niya sa pag-overnight nilang magkakapatid sa ibang bahay. Kung hindi lang matagal niyang kaibigan si Kara ay malamang hindi siya pinayagan ng ama. Very strict na madalas na kinaiinisan ng dalaga. "Tumigil ka na nga Kara at baka may makarinig sayo. Besides ikaw lang ang menor-de-edad. Nag-eighteen na ako three months ago." Katwiran niya. "Saka okay lang naman ang suot natin." A little out of place ang mini dress na above the knee pero alam niyang nadala naman nilang magkaibigan ang suot. Sa palagay pa nga ni Skye ay mas kanais-nais naman ang suot nila kaysa sa ibang mga babaeng naroon na majority ay halos mahubaran na. Hindi siya lumaking salat sa pera at may konting alam siya sa fashion kaya alam niyang iyun ang uso lalo sa kasalukuyang kinaroroonan. But those kinds of dresses ay mahigpit na ipinagbabawal ng daddy niya na suotin nila. Besides, sabi ni Wilson sa kanya'y semi-formal ang theme ng party na kasalukuyang ginaganap sa Quantum. Ang kilalang disco bar para sa mga socialite sa bahaging iyun ng siyudad. "Skye nakita ko na si Wilson. Siya yun hindi ba?." Itinuro ni Kara ang isang sulok kung saan nakahilera ang mga couches sa kabilang panig ng dance floor. Hindi napigilang mag-init ng tenga nang makitang napapalibutan ng mga babae ang kasintahan sa couch na kinauupuan. "Skye huwag kang gagawa ng eksena please" Babala ni Kara nang makita ang reaksyon ng mukha niya. Hindi sumagot ang dalaga at nagpatiuna. "Wilson?" Agaw ni Skye sa atensyon ng kasintahan nang tuluyang makalapit. Kasalukuyan itong bumubulong sa kausap habang nakapulupot ang kamay sa bewang ng babae. Bumadha ang pagkagulat sa mukha ng tinawag, maya-maya'y nahalinhan ng pagkamangha. Sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi pero ni hindi nag-abalang tanggalin ang kamay sa bewang ng katabi nito. "Skye baby, you made it." Tinapik nito ang bakanteng espasyo sa tabi nito. "Kasama ko si Kara." Nayayamot na sabi niya. Wilson raised his eyebrow at patamad na tinignan ang isang babaeng nakaupo sa kahilera nito na agad tumayo. Alanganin silang naupong magkaibigan. "Look at you huh." Manghang sabi ng binata. "Sino sila Wilson? Mga kapatid mo?" maarteng tanong ng isang babaeng kasama nila sa mesa. "Mukhang naliligaw yata sila. This is not a highschool night." At nilaro-laro sa labi ang bibig ng kopita bago inumin ang laman. "Yeah right, is she even eighteen?" komento naman ng isa na pinasadahan ang suot nila. "Girls!" awat ni Wilson, "Meet Skye Dela Vega. The young, wild and stubborn pastor's daughter." "Wilson!"saway niya. Sa tingin niya'y marami ng nainom ang kasintahan. Itinaas ng binata ang kamay. "Relax baby, here uminom ka nalang " sabay dampot ng kopita sa mesa at inabot sa kanya. "Don’t worry hindi yan matapang, lahat ng babe rito'y umiinom niyan." He encouraged. Alanganing tinaggap ang baso at luminga sa paligid. Lahat nga ay may kopita sa kamay. Itinaas pa ng mga babae ang hawak to encourage her. "You know I dont drink." She hesitated. "Just once." Namumungay ang mata nito." Come on baby, it'll feel good just one try." Bulong ng binata na tumama sa tenga ang hininga. Tumaas ang balahibo niya batok. Matagal na tinitigan ang puting likido sa goblet. Parang tubig lang iyon but she had never tasted one before. Na-curious siya. "Skye, are you gonna drink that?" nag-aalalang bulong ni Kara. "Mabuti pa'y umuwi na tayo baka may makakita sa atin." Hindi niya pinansin ang kaibigan. Itinaas ang baso at diretsong tinungga ang laman. Halos mapangiwi siya nang gumuhit ang likido sa lalamunan. Palakpakan ang nasa paligid. "I thought she's stubborn. Masunurin naman pala siya eh." Komento ng isang babae. "She is Lucille but I’m always an exemption right baby." Tinabig niya ang kamay nitong nag-uumpisa ng maglandas sa balikat. "Ano ba Wilson." Itinaas nitong muli ang dalawang kamay and gave her an innocent look. Magsasalita sana siya nang kunin ni Kara ang atensyon at ipinakita ang cellphone na may kasalukuyang tumatawag. Nag-excuse ito at nagmamadaling lumabas. Bumaling siya sa kasintahan. "Napagbigyan na kita Wilson, its high time na tumupad ka naman sa usapan. Stop this nonsense at umpisahang ayusin ang buhay mo.” Ngumisi ang lalaki at hinimas-himas ang magkabilang-balikat niya. "Loosen up Skye. Maninibago ka lang sa umpisa but soon you'll finally love it here. Look around you, hindi ba't lahat ay nag-eenjoy" pinihit siya paharap nito sa direksyon ng dance floor. Pasimple niyang tinanggal ang kamay nito. Kahit kaila'y hindi siya naging komportable sa hawak ng kasintahan. O dahil sa katotohanang namulat siyang tanging ang ama lang ang lalaki sa buhay at nagkataong hindi ganoong naging malapit sa kanya. Ramon Dela Vega despite of being a good pastor ay hindi ito naging malapit sa kanilang magkakapatid. Ang tanging naging papel nto sa buhay nila ay ang i-provide ang anumang kailangan nilang mag-anak at pakinggan ang walang katapusang pangaral nito tungkol sa buhay at pananampalataya. Which she thinks is very much wrong dahil tila nakalimutan nito ang pagiging ama sa kanila. Minsa'y wala sa tama ang pagiging strikto nito.  Iginala ni Skye ang paningin sa paligid. Tama si Wilson, lahat ay nag-eenjoy, ang iba'y nagsasayaw sa gitna habang hawak ang baso ng alak. Others are talking rather flirting with their men. Habang ang suot ng mga babae'y tila kapirasong tela na tinakpan lang ang maselang bahagi ng katawan. She wonder how it felt to wear something like that on these crowded place. Minsa'y kinaiingitan niya ang kalayaan ng mga babaeng ito to do want they want in life. Napabuntong-hiningang hinawakan niya sa kamay ang katabi. She wanted freedom pero hindi sa ganitong paraan. "Halika na Wilson umuwi na tayo." At pilit itong pinatayo. "Hey saan mo ako dadalhin huh." Nanunuksong sabi nito at inakbayan siya saka bumulong. "Are you gonna take me there baby?" ang gently bit her earlobe ang kamay ay bumaba sa bandang pwet. Dahil sa pagkabigla'y naitulak niya ang kasintahan ng may kalakasan dahilan para mabunggo nito ang isa pang guest ng bar. "Ano ba Wilson, hindi ako tulad ng mga babae mo rito." angil niya. Why she felt scared when she felt his touch. Naningkit ang mata ng lalaki. Medyo may kalakasan kasi ang pagkakasabi niya at ang ilan ay napatangin sa kanila. Pumikit ang lalaki, tumingala at bahagyang hinimas ang batok. Ilang sandali ay nagmulat ng mata and he became a different person. Gumuhit ang pagkabagot sa mukha. "Yeah right sa tingin mo ba maikukumpara mo ang sarili mo sa mga babae rito." Itinuro ang mga babaeng nakamang sa kanila. Medyo napalakas rin ang boses ng binata at nakuha ang atensyon ng ilang malapit sa kanila. "Tignan mo nga ang sarili mo, sa palagay mo ba'y maipagmamalaki ko ang isang tulad mo?" Naitulos sa kinatatayuan ang dalaga. Shocked filled her. Ngayon niya lang nakita ang side na ito ng kasintahan. He's always been so sweet ang gentle to her. "Sabihin mo nga, sa dalawang buwan ng relasyon natin bukod sa paghawak ng kamay mo ano pa bang makukuha ko sayo gayong napaka-pakipot mo. Ah, kasi nga pastor nga pala ang tatay mo." Lumikot ang mata niya. Kumukuha na sila ng atensyon "A-no bang sinasabi mo Wilson? Ang sabi mo'y rerespituhin mo at tatanggapin kung ano lang ang kaya kong ibigay sayo." Wilson smirked. "Rerespituhin, my ass." Anito na ikinasinghap niya. Maya-maya'y nagtaas ito ng dalawang-kamay. "Suko na ako. I'm willing to pay double huwag lang ituloy ang nakakabagot na pustahang ito." Nagsalubong ang kilay ng dalaga. Nag-umpisang magsilapitan ang ibang kasamahan nito sa mesa. Kasabay niyun ang unti-unting pagka-buhay ng kaba at tensyon sa loob niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD