CHAPTER 2

1745 Words
AKIRA POV "Ang lalim ng iniisip mo." Napapitlag ako nang biglang may nagsalita sa likod ko. Nandito kasi ako ngayon sa garden ng mansion dahil sabi ni Kanji Shin ay dito raw kami mag-eensayo. Nauna ako sa kaniya dahil sinadya kong bumangon ng maaga para mas maihanda ko ang aking sarili. Lumingo ako doon sa lalaking bigla na lang nagsalita. Susungitan ko na sana siya ngunit naunahan ako ng puso ko, biglang lumakas ang t***k ng puso ko. “Hindi ko akalain na mas maaga kang gigising kaysa sa napag-usapan nating oras,” seryoso niyang sabi sa akin. "At hindi ko rin akalain na mas tanghali ka pa kaysa sa napag-usapang oras," seryoso ko ring sabi sa kaniya. "I am your trainor at hindi tama ang ganyang pakikipag-usap sa akin. Let's start." "Teka lang, bakit ba kasi kailangan pa ng ganito?" "Ms. Akira, umpisahan na lang natin ito para matapos na. Sumusunod lang ako sa utos ng magulang mo." Natigilan ako dahil sa pagtawag niya sa akin ng Ms. Akira. Lalong lumakas ang pakiramdam ko na kilala ko si Kanji Shin. Pero paano? "The very first step is to clear your mind from all of your thoughts. Ngayon, pumikit ka at tanggalin mo lahat ng isipin mo sa utak mo." "Hindi ko maintindihan. Ang alam ko kasi ay martial arts ang ituturo mo sa akin. At hindi ang pagpikit at ‘yang pagtatanggal ng mga isipin ko." Napasabunot siya sa buhok niya na akala mo ay nauubusan siya ng pasensya sa akin. Lihim akong napangiti. Bukod sa pagiging cute niya sa reaksyong iyon ay nakakatuwa siyang asarin. Kapag kasi si Miro ang inaasar ko ay tinatawanan niya lang ako kaya sa huli ay ako ang naaasar. “Kaya nga first step ‘di ba? Kung sinusunod mo na lang ako, edi sana madami na akong naituro sa iyo,” inis niyang sabi sa akin. "Sorry Shin," nakangisi kong sabi sa kaniya. Natigilan siya at mataman na nakatitig sa akin. Heto na naman siya sa pagtitig niya, nakakailang kaya umiwas ako ng tingin. "My name is Kanji. Call me Kanji, not Shin." Hindi ako nagsalita. Narinig ko siyang bumuntong hininga kaya tumingin ulit ako sa kaniya. "Let's just start. Meditate now." Napapikit ako agad nang muli siyang magsalita. Mas lalong sumeryoso ang boses niya. "Clear your mind Ms. Akira." Huminga ako ng malalim at sinunod ang sinabi niya. "Forget your surroundings, forget your dream last night, forget Miro, forget your family, forget everything. Once everything is gone, you should see an empty room, and in the center of it, a ball of flame begins growing from emptiness." Hindi ko alam kung tama ba itong pinapagawa sa akin ni Kanji Shin. I cleared my mind and tried to forget everything. When I open my eyes, I am already in the middle of darkness and all I can see is only the ball of flame a few inches away from me. Pinagmasdan ko lang ‘yong bola ng apoy. Maya-maya pa ay unti-unting lumalaki ito. Hindi ako nakakaramdam ng takot pero medyo nataranta ako dahil hindi ito tumitigil sa paglaki. Halos ma-okupa na niya ang buong kwarto at konti na lang ay madidikitan na ako nito. Ipinikit kong muli ang mga mata ko. Sa muling pagmulat ko ng mata ay si Kanji Shin na ang bumungad sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Sabay kaming napalayo sa isa’t-isa dahil sa gulat. "Did you see it?" tanong niya sa akin. “Alin?” naguguluhang tanong ko. "The ball of flame." "Yes, I saw it." Nagpakawala ako ng buntong hininga dahil nakakaramdam pa rin ako ng tensyon. "Ayos ka lang ba? Namumutla ka." “Yes. I just need some water.” Umalis ako sa garden at agad na pumasok sa kusina. Kumuha ako ng tubig sa ref at ininom iyon. Unang step pa lang pero kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko. Masyado akong natetense at hindi ko mapakalma ang sarili ko. Makalipas ang limang minuto ay nagpasya na akong bumalik sa garden. Gusto ko nang matapos agad ang pagsasanay na ito. “Maayos ka na ba?" tanong agad sa akin ni Kanji Shin nang makita niya ako. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot ko. "Natakot ka ba sa ball of flame? Don't be. It is just a meditation. Kung tutuusin nga, dapat matuwa ka dahil mabilis mong nakuha ang tamang pagmemeditate. Yung iba kasi ay inaabot pa ng ilang araw bago nila magawa ang meditation." mahabang paliwanag niya. Hindi naman ako natakot sa ball of flame. Nagulat lang ako nang makita kong sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Na-tense ako at kapag ganoon ay mahihirapan na akong makapagconcentrate kaya kinailangan ko munang ikalma ang sarili ko. "Can we start again?" malumanay niyang tanong sa akin. "Okay.” maiksi kong sagot sa kaniya. "The next step is warm up and stretching. Tumakbo ka paikot dito sa garden ng sampung beses. Go!" Labag man sa loob ko ang pinapagawa niya ay sinunod ko na lang siya. Ayoko na kasing makipagtalo sa kaniya at kung maaari ay ayoko munang makipag-usap sa kaniya. Masyadong malawak ang garden kaya paniguradong hihingalin ako pagkatapos nito. Nakakalimang ikot pa lamang ako ay hingal na hingal na ako at ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. I stopped in the middle of running to catch my breathe. “Nakakalimang ikot ka pa lang.” seryosong sabi sa akin ni Kanji Shin. “I know.” mataray kong sagot sa kaniya. “Then continue.” Hindi ko siya sinunod. Umupo ako sa damuhan at ipinahinga ang mga binti ko. "Ms. Akira, warm up pa lang ‘yan. Paano kapag talagang training na?" "E bakit ba kasi hindi na lang tayo dumeretso sa proper training?" "Kailangan mong magwarm up at stretching para hindi mabigla ang katawan mo kapag nagtraining na tayo. Hindi kasi lahat ng bagay, minamadali. Napapaghandaan ‘yan." "Pwede bang bukas na lang ulit? Pagod na ako." "Ms. Akira, hindi porke’t pagod ka na ay susuko ka na lang ng basta. Now stand up. At tumakbo ka nang limang ikot pa." Wala na akong nagawa kundi ang sundin siya. Kaya tumayo na ulit ako at nag-umpisang tumakbo. At kahit na pagod na pagod na talaga ako ay pinilit kong makaikot ng limang beses pa.Nang matapos ko ang limang ikot ko ay umupo ulit ako sa damuhan. Pagod na pagod ako at ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko sa noo. Si Kanji Shin naman ay nakatingin lang sa akin. "What?" mataray kong tanong sa kaniya. "Stretching naman. Alam mo naman siguro ‘yon. So magstretching ka na muna." Pagkasabi niya ‘non ay pumasok siya sa bahay. Nagkibit-balikat na lang ako at inumpisahang sundin ang sinabi niya. Mas makakapagconcentrate na ako dahil hindi siya nanonood sa akin. KANJI SHIN POV Iniwan ko muna si Akira at pumasok sa kusina para uminom ng tubig. Ang bilis ng t***k ng puso ko dahil ngayon ko na lang ulit napagmasdan ng malapitan si Akira. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na titigan siya lalo na ‘nong nakapikit at nagmemeditate siya. Gusto ko nang hilingin na sana maalala niya ako. I missed her so much. Gusto kong ipagsigawan sa kaniya na mahal ko siya. Gusto ko siyang bawiin kay Miro pero hindi pwede. Gusto kong malaman na kapag naalala niya ako, si Miro pa rin kaya ang mahal niya? Kung pwede ko lang sanang gawin lahat ng gusto kong gawin. "Ang lalim ng iniisip mo." Muntik ko nang mabitawan ang basong hawak ko nang biglang may nagsalita mula sa likod ko. Hinarap ko siya. "Anong ginagawa mo dito?" Ngumiti sya sa akin. Inagaw pa niya ang hawak kong baso at ininom ang tubig ‘non. "Grabe. Nakakapagod. Malayo pala talaga ang Los Angeles sa Pilipinas." "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." seryoso kong sabi sa kaniya. "I am here to help you, sa pagsasanay kay Akira." "Bakit?" "Ang dami mong tanong diyan. Pero tama ba ang narinig ko? Sila na ni Miro?" "Oo. Kaya umuwi ka na lang dahil masasaktan ka lang dito." "Wow, makapagsalita ka diyan. Hindi ka nasasaktan?" sarkastikong tanong niya sa akin. Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Naibalik namin ni Inaki ang pagkakaibigan namin pero sobrang kulit naman niya. "Magpapakamanhid ka rin katulad ko?" sarkastikong sabi ko rin sa kaniya. "Pinapunta rin ako dito ng hari at reyna. Kaya katulad mo, no choice rin ako. Ang unfair lang dahil ikaw may sundo, ako wala.” nakanguso niyang sabi sa akin. “Ang arte mo.” Sa halip na magsalita ay yumakap sa akin si Inaki. "Excuse me." Napalayo kami sa isa’t isa ni Inaki nang marinig ko si Akira. Nakatayo siya sa may pintuan ng kusina at seryosong nakatingin sa amin. “May I know kung sino siya at anong ginagawa niya sa bahay ko?” masungit na sabi niya. "Hi Akira." masayang bati ni Inaki. “You know me.” “Yes Ms. Akira. Siya si Inaki Tanara. Magiging trainor mo rin siya.” "Inaki Tanara?" "Yes, nice meeting you Ms. Akira." Lumapit si Inaki kay Akira at nakipagkamay. Pagkatapos ‘non ay bahagyang lumayo si Inaki pero itong si Akira ay nakatitig lang sa kaniya. "Masyado ba akong maganda para tingnan mo ng ganyan?" nakangiting sabi ni Akira. Natauhan naman bigla si Akira at marahang ipinilig ang kanyang ulo. Nagkatinginan kami ni Inaki. “Pasensya na. Akala ko kasi nagkita na tayo dati.” “Well, that’s weird. Ngayon lang kita nakilala. Baka naman may nakita kang artista na kamukha ko.” Ikinawit ni Inaki ang kamay niya sa braso ko. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtingin ni Akira sa kamay ni Inaki. “I think kailangan na nating bumalik sa pagsasanay.” pagputol ko sa pag-uusap nang dalawa. Nauna na akong maglakad patungo sa may garden. Naramdaman kong sumusunod sa akin silang dalawa. “I just wanna ask something. Sa tingin mo ba, magiging sila ni Miro kung hindi ka niya nakalimutan?” narinig kong tanong ni Inaki sa isipan ko. “Huwag na nating ungkatin pa ang nakaraan Inaki. Mukhang masaya naman si Akira kay Miro. Nandito tayo para turuan siya. Doon lang dapat tayo nagfofocus.” “Masaya si Akira sa ngayon pero paano kapag dumating na ang kaarawan niya? Ano nang mangyayari Kanji?” Hindi na ako nagsalita pa sa isip ko dahil natanaw ko si Miro na palapit sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD