AKIRA POV
Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik sa garden nang matanaw ko si Miro. Agad ko siyang sinalubong.
“Babe, tapos na ba nag training mo?” nakangiti niyang tanong sa akin.
“Hindi pa nga nangangalahati ang araw e. Ikaw, anong ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?”
“Nakalimutan mo na ba? Holiday ngayon.”
“Oo nga pala. Hindi ko ramdam ang holiday kasi lagi naman akong nandito sa bahay e.”
Ginulo ni Miro ang buhok ko at agad ko namang tinanggal ang kamay niya sa ulo ko. Lumingon siya kina Kanji Shin na nasa likod ko lang.
“Inaki?” gulat na sambit ni Miro.
"Kumusta Miro?” nakangiting tanong ni Inaki.
Lumapit si Miro at niyakap niya si Inaki. Nagulat ako sa inasta ni Miro. Kilala ko ang mga kaibigan niya pero hindi ko maalalang may binanggit siyang Inaki.
“Magkakilala kayo?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Yes babe, kapitbahay namin siya sa Pilipinas dati.”
“Ang liit talaga ng mundo. Dito pa tayo nagkita.” komento naman ni Inaki.
“Ano palang ginagawa mo rito?” tanong ni Miro.
“Kasama ako sa magtuturo kay Ms. Akira.”
“Bakit hindi ka nabanggit sa akin ni Tita? Nasundo rin sana kita.”
Nag-uusap na silang dalawa na akala mo ay sila lang ang tao dito. Parang may sariling mundo na sila.
“Ms. Akira, we need to continue the training.” sabi sa akin ni Kanji Shin.
“Sige na Akira, good luck sa training mo. Kanji, hihiramin ko muna itong si Inaki ha.”
Hinawakan ni Miro ang kamay ni Inaki at hinila niya papasok sa bahay. Sinundan ko lang sila ng tingin. Mukhang malapit talaga ‘yong dalawa at matagal na nilang kilala ang isa’t isa. Wala naman siguro akong dapat ikaselos? Wala dapat akong ikabahala.
“Don’t worry. Magkaibigan lang sila.” komento ni Kanji Shin.
“Sinong may sabi na nagseselos ako?”
“Hindi ba?” balik tanong niya sa akin.
"May tiwala ako kay Miro." sagot ko naman.
"Mahal mo talaga siya?" seryoso niyang tanong sa akin.
“Akala ko ba itutuloy na natin ang pagsasanay?” pag-iiba ko ng usapan.
Ayokong pag-usapan namin si Miro dahil hindi ko pa siya ganoon kakilala para mag-open tungkol sa lovelife ko.
"Makakapagconcentrate ka pa ba?"
"Oo naman."
"Sige. Mag-uumpisa na tayo ng proper training mo. Bago kita turuan ng mga pangdepensa at pang-atake, you need to learn first the proper stance."
Hindi na ako nagreklamo at nakinig na lang sa mga susunod pa niyang sasabihin. At wala rin akong ideya kung bakit kailangan pa ng mga ganito.
"Your right foot should be pointing forward, and your left foot should be out at a 45-degree angle. Just like this."
Pinakita niya ‘yong sinasabi niyang proper stance daw. Ginaya ko naman ‘yong ginawa niya. Ang awkward lang dahil para kaming nagpapractice ng sayaw.
"Wait."
Umalis siya at pagbalik niya ay may dala na siyang meter stick. Ganoon pa rin ang pwesto ko kanina at nagulat na lang ako dahil dinanggil niya ng meter stick ang kanang binti ko dahilan para mapaluhod ako. Hindi naman ako masyadong nasaktan dahil damuhan naman itong pinagsasanayan namin.
"Proper stance should have a proper balance. Your weight must be on your front leg. But you should always transist your weight when you are attacking and defensing. You must work on your balancing."
Tumayo ulit ako at huminga ng malalim. Wala akong naintindihan sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nawawala lang ako sa konsentrasyon o nalulugaw ang utak ko dahil english ang sinabi niya.
“I’m sorry Kanji. I think I can’t concentrate now.”
“I knew it. Pagbibigyan kita ngayon pero simula bukas, I need your hundred percent attention and concentration.”
"Sure. Salamat."
Bigla na lang kasi ako nakaramdam ng kawalan ng gana. Masyado ring maraming gumugulo sa isip ko kaya hindi ako makapag-isip ng maayos.
Bahagya akong ngumiti kay Kanji Shin bago ako pumasok sa bahay. Nasa may pintuan pa lang ako nang marinig ko sina Miro at Inaki na seryosong nag-uusap. At hindi ko sinasadyang marinig kay Inaki ang mga salitang hindi ko inaasahang lalabas sa bibig niya.
"Mahal pa din kita."
Hindi ko na tinapos ang kung ano mang sasabihin pa ni Inaki sa boyfriend ko. Lumabas na lang ulit ako sa may garden at naabutan si Kanji Shin na nakaupo sa may damuhan.
Naramdaman niya ata ang presensya ko dahil lumingon siya sa akin at ngumiti.
"Ayos ka lang?"
Umupo rin ako sa damuhan pero medyo malayo sa kaniya.
"Oo naman. Nagtataka lang ako sa sarili ko."
"Bakit?"
Hindi ako nagsalita. Nagtataka ko sa sarili ko ngayon. Dapat nagagalit na ako kay Miro ngayon dahil pakiramdam ko ay may nakaraan sila ni Inaki at hindi niya iyon nabanggit sa akin. Dapat nagagalit na ako kay Inaki dahil alam niyang may girlfriend si Miro pero sinabi pa rin niyang mahal niya ito. Dapat nasasaktan ako. Pero bakit ganito? Bakit parang okay lang sa akin ang lahat? Ganito na ba ako kasigurado na mahal ako ni Miro?
"Malaki ang tiwala mo sa kaniya ‘di ba?" dugtong ni Kanji Shin.
Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi ako nakakaramdam ng pagkabahala, dahil malaki ang tiwala ko kay Miro.
“Ano bang pinagsasabi mo?” tanong ko sa kaniya.
“Halata sa iyo na maraming gumugulo sa isipan mo. Mahihirapan ka sa training kapag bukas ay ganyan ka pa rin. As your trainor, pwede mong sabihin sa akin ang mga gumugulo sa isip mo. Kapag kasi sinarili mo lang iyan, baka bukas paggising mo, baliw ka na.”
Tumingin ako kay Kanji Shin para malaman kung nagbibiro ba siya pero seryoso siya. Nakatingin lang siya sa isang paru-paro na nakadapo sa bulaklak.
“Like what I said, I’m fine.”
“Okay. If you say so.”
Tumayo siya at pumasok na sa bahay. Bumuntong hininga naman ako at pinagbubunot ang mga damong mahagip ng kamay ko.
Relax Akira.
MIRO POV
“Ang tagal nating hindi nagkita. Kumusta ka na?”
“Okay lang naman.” nakangiting sagot niya.
"Namiss kita. Namiss ko ‘yong little sister ko."
Bigla namang nawala ang ngiti niya at napalitan iyon ng lungkot.
"Hanggang ‘don na lang ba Miro?" seryoso niyang tanong sa akin.
"Inaki."
"Ginawa ko ang lahat para mapansin mo ako. Pero hanggang kapatid na lang ba talaga? Oo, lumayo ako at sinubukan kong kalimutan ka. Pero wala e, kasi hanggang ngayon mahal pa rin kita. Ngayong nagkita ulit tayo, akala ko may pag-asa pa ako pero kayo na pala ni Akira."
Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya. Akala ko sa tagal naming hindi nagkita ay makakalimutan na niya ang nararamdaman niya sa akin.
"Mahal kita Inaki pero bilang kaibigan lang talaga. At alam mo kung gaano ko kamahal si Akira."
"Sa tingin mo ba, kung naaalala niya si Kanji, ikaw pa rin ang mahal niya? Umpisa pa lang Miro, alam na natin na.."
"Mahal ako ni Akira." pagputol ko sa sinasabi ni Inaki.
Bahagyang ngumiti sa akin si Inaki.
"Sana hindi mo maranasan ang naranasan ko Miro."
Pagkasabi niya ‘non ay tumayo na siya at saktong kapapasok lang ni Kanji.
“Si Akira?” tanong ni Inaki kay Kanji.
“Bukas na lang daw ulit siya magte-training.” sagot naman ni Kanji.
“I see. Teka, sabi pala ng mommy ni Akira, wala na raw bakanteng room kaya magshare na lang daw tayo. Okay lang ba sa ’yo?”
“Oo naman. Tara na para maayos mo ang gamit mo.”
Sabay na silang umakyat sa kwartong naka-assign kay Kanji. Napailing na lang ako. Sa laki ng bahay na ito, pinag-share pa nila ‘yong dalawa sa kwarto.
Akala ko kapag nagkita na ulit kami ay nakamove on na siya sa akin. Akala ko kapag nagkita na ulit kami ay nakalimutan na niya ang nararamdaman niya sa akin. Nagkamali ako. At ngayong nagkita na ulit kami, mukhang mahihirapan nang maibalik ang pagkakaibigan na meron kami noon. Tuluyan na nga atang mawawala sa akin ang little sister ko.
Parang hindi ko ata iyon kaya. I can't afford to lose our friendship. Mahalaga sa akin si Inaki at ayokong itapon na lang o isantabi na lang basta ang pagkakaibigan namin.
I don't want to lose her.