4

1716 Words
AKIRA’S POV "Okay lang ba talaga sa ‘yo na dito rin ako matutulog?" pangungulit sa akin ni Inaki. Nandito na kami ngayon sa kwarto ko dahil katatapos lang naming kumain ng hapunan. At itong si Inaki ay kanina pa akong tinatanong. Wala na kasi siyang ibang pwedeng tulugan kundi dito sa kwarto ko. Yun kasing guest room ay okupado na nina Miro at Shin. Hindi naman pwedeng doon rin siya matulog kahit na si Shin lang ang mag-stay doon kapag umuwi na sa kanila si Miro. "Okay nga lang. No worries,” nakangiti kong sabi sa kaniya. Wala naman kasi akong sama ng loob sa kaniya kahit na nalaman kong may gusto siya kay Miro, na kahit na may nakaraan sila. Na kay Miro na kasi iyon kung mamahalin ulit niya si Inaki. Natatakot ako pero may tiwala ako kay Miro. "Tara nang matulog,” excited na sambit sa akin ni Inaki. Sabay na kaming humiga ni Inaki. Mabuti na nga lang na malaki itong kama ko kaya kasyang kasya kaming dalawa. First time kong may makakatabi sa bed ko at hindi ako sigurado kung magiging komportable ako at kung makakatulog ako ng maayos. Ngunit ramdam ko naman na mabuting tao si Inaki. Mas mabuti na rin ito na may nakakausap akong iba bukod kay Miro at sa mga tao dito sa bahay. "Akira,” seryosong tawag sa akin ni Inaki. "Hmm." "Ang swerte mo dahil mahal ka ng mahal mo.” Napalingon ako sa kaniya habang siya ay nakatingin lang sa kisame. Seryoso lang siyang nakatingin doon. Lihim akong napabuntong hininga. Sa tingin ko ay kailangan talaga naming pag-usapan ang mga bagay bagay. "May nakaraan ba kayo ni Miro?" deretsong tanong ko sa kaniya. Hindi agad nakasagot si Inaki dahil parang nagulat siya sa tanong ko. Ramdam ko rin na parang bigla siyang na-tense dahil rinig ko ang mabibigat niyang paghinga. "Narinig ko ang pag-uusap niyo kanina,” dugtong na sabi ko pa dahil mukhang hindi pa niya makuha ang mga salitang bibigkasin niya. Bigla siyang bumangon habang ako ay nanatili lang na nakahiga. Ramdam kong sa akin siya nakatingin habang ako ay nakatingin sa may kisame. "Narinig mong lahat?" alanganin niyang tanong sa akin. "Hindi. Ang narinig ko lang ay ‘yong sinabi mong mahal mo pa rin siya,” pag-amin ko naman. "I'm sorry Akira. Wala akong planong manggulo sa inyong dalawa. It’s just that ang tagal naming hindi nagkita. I mean, I know it’s not an acceptable reason. Ang totoo ay hindi ko rin alam kung bakit nasabi ko iyon sa kaniya. I’m sorry Akira.” Nakatungo siya habang sinasabi ‘yan. Napangiti na lang ako. Mabuti siyang tao at ramdam ko iyon. Nagkataon nga lang na iisang lalaki ang minahal namin. And I liked her for being honest to me. At sa totoo lang, hindi naman ako nabo-bother kung may nakaraan man sila. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko. Ganoon lang siguro kalaki ang tiwala ko kay Miro. "Okay lang. Hayaan mo, mahahanap mo rin ang para sa ‘yo. Malay mo si Shin na pala ‘yon,” nakangiting sabi ko naman. Naalala ko na naman kasi ang pagyayakapan nilang dalawa at sa tingin ko ay hindi malabong magkainlove-an silang dalawa. And medyo nakaramdam ako ng inis dahil naalala ko na naman iyon. Hindi kasi ako komportable sa presensya ni Shin at hindi ko alam kung bakit. "Minsan ko nang sinayang ang pagmamahal sa akin ni Kanji. And now, may mahal na siyang iba. Sayang nga lang dahil hindi maalala nung babae,” seryosong sabi naman sa akin ni Inaki. Eh? May ganun pa lang kwento si Shin. Parang ang saklap naman no’n. Yung tipong hindi ka maalala ng mahal mo, ang sakit sa puso no’n. May mahal si Shin? Bakit parang naninikip ata ang dibdib ko? "Bakit? Anong nangyari?" ang tanging naitanong ko na lang. "Ewan ko. Yun lang ang alam ko eh. Pero sana maalala na siya nung babae. Naaawa na kasi ako kay Kanji. Halos araw-araw siyang tulala at umiiyak. Hindi man ipakita ni Kanji, alam kong hanggang ngayon ay sobrang nasasaktan pa rin siya.” Kumunot ang noo ko. "So you mean, mahal din siya nung babae kaso nga lang ay may amnesia?" "Oo. At ang masaklap dun, may boyfriend yung babae. Pero sa tingin ko kasi, mas mahal nung babae si Kanji kaysa do’n sa bf niya. Medyo talo lang kasi si Kanji dahil yung bf ng babae ang nasa tabi ng mahal niya kaya ayon,” dere-deretsong pagkukwento pa ni Inaki. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng inis doon sa babae. Pero hindi rin naman siya masisisi, kasi base sa kwento ni Inaki, nagkaroon ng amnesia yung babae. Pero ‘di ba utak lang naman ang nakakalimot, at ang puso ay hindi. "Malay mo naman, kaya pala nagkaganun yung babae ay dahil kayo ni Kanji ang para sa isa't isa." Bahagyang napatawa si Inaki. "Hindi mangyayari yun. Maybe I am his first love. Pero ang babaeng mahal niya ngayon, I believe na ‘yon ang great love niya. Sana nga lang ay maalala na siya nito." Tumingin sa akin si Inaki at ewan ko ba, there is a strange feeling in my heart that I can't explain. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at nagsisimula nang magpawis ang mga palad ko. Nakaramdam din ako ng uneasiness. "T-tara nang matulog," nauutal kong sambit sa kaniya. Tumalikod na ako kay Inaki at ipinikit ko ang mga mata ko. Nawiwirduhan na naman kasi ako sa sarili ko at ayoko munang mag-isip. But the moment I closed my eyes, there's a vision that flashed in my mind. Pero Akira, mahal talaga kita. That moment, ‘yong pangyayaring iyon. Alam kong totoo at nangyari talaga ‘yon. Ang hindi ko lang mawari ay kung sino ang nagsabi no’n sa akin at kailan iyon nangyari. Malakas ang kutob ko at siguradong sigurado ako na totoo ‘yon. Iminulat ko ang mga mata ko at bumangon. Parang nagulat naman si Inaki dahil bigla na lang akong bumangon. "Are you okay Akira?" may pag-aalalang tanong niya sa akin. Pero hindi ko siya masagot dahil sumasakit ang ulo ko. At medyo blurred na rin ang paningin ko. Paulit ulit din sa utak ko ang mga katagang ‘yon and I can't even recognize the voice of him. "Akira,” punong puno na ng pag-aalalang tawag ulit sa akin ni Inaki. Ipinikit ko na lang ulit ang mga mata ko at hinilot ang noo ko. Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. At parang may pilit gustong alalahanin ang utak ko na hindi ko alam kung ano. Sumisikip din ang dibdib ko at gustong gusto ko nang umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at naramdaman kong may lumapit sa akin. Hindi ko na siya makilala dahil nga nakapikit ako. "Miro, ako na,” narinig kong sabi ni Shin. May lumapit ulit sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Nanatili lang siyang nakahawak sa kamay ko at sa palagay ko ay si Shin ito. Hanggang sa ang sakit ng ulo ko ay napalitan ng pagkaantok. Hindi ko kayang labanan ang antok na nararamdaman ko kaya nagpadala na lang ako dito. KANJI SHIN’S POV Nawalan ng malay si Akira, mabuti na lang na nasambot ko siya. Inihiga ko siya sa kama niya at saka masamang tumingin kay Inaki. "Anong nangyari sa kaniya?" nag-aalalang tanong sa akin ni Miro. Lumapit pa siya kay Akira at hinawakan ang kamay nito. "Sumakit lang ang ulo nya kaya pinatulog ko na lang muna siya. No need to worry,” walang emosyong sabi ko. Pagkasabi ko no’n ay naglakad na ako palabas ng kwarto ni Akira. Napasugod kami dito ni Miro dahil tinawag kami ni Inaki through our minds. Sinabi niya na may nangyayari raw kay Akira at hindi niya alam kung ano. Nagpunta ako sa may garden at nagpakawala ng buntong hininga. “Inaki, pumunta ka sa garden ngayon. May dapat kang ipaliwanag sa akin,” tawag ko kay Inaki gamit ang isipan ko. Ilang minuto lang ay nandito na si Inaki. Nakangiti siyang lumapit sa akin na animo’y wala siyang ginawang kakaiba. "Anong sinabi mo kay Akira?" seryosong tanong ko sa kaniya. Alam kong kaya sumakit ang ulo ni Akira ay dahil may pilit inaalala ang utak niya. At ‘yon ang iniiwasan kong mangyari dahil may posibilidad na maalala niya ako. Wala sa usapan na ibabalik ang alaala niya kaya ayokong bumalik pa iyon dahil magugulo lamang ang isipan niya. "Nagkakwentuhan lang kami. And accidentally kong naikwento sa kaniya ang love story niyo,” alanganing sagot naman sa akin ni Inaki. "What?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Relax. Hindi ko naman sinabi na siya yung babae." Napabuntong hininga na naman ako at napasabunot sa buhok ko. "Huwag mo na ulit babanggitin sa kaniya ‘yan. At h’wag mo nang ituloy ang plano mong paghiwalayin sila ni Miro." "Wala akong planong paghiwalayin sila. Gusto ko lang na maalala ni Akira ang lahat para malaman kung si Miro nga ba ang mahal niya. I want her to remember you.” Kaya hindi ako masyadong sang-ayon sa pagsama ni Inaki sa misyon ko. Alam kong susuwayin niya ang utos na huwag ipapaalala kay Akira ang tungkol sa akin at sa lahi namin. “Ang unfair niyo kasi. Nagiging unfair na kayo sa mga sarili niyo. Hindi magiging tama at totoo ang isang bagay kung nag-umpisa ito sa kasinungalingan at pagpapanggap. Tandaan mo ‘yan," seryosong sabi pa niya sa akin. "Alam mong utos iyon ng Hari at Reyna para sa kapakanan niya. At isa pa, ayokong maalala ako ni Akira. Dahil baka kapag naalala niya ako, mas lalo ko lang mapatunayan na si Miro talaga ang mahal niya at kaibigan lang ang tingin niya sa akin,” mahabang sabi ko naman. "Paano kapag mali ang kinatatakutan mo? Paano kapag ikaw pala talaga ang mahal niya at kaibigan lang ang tingin niya kay Miro?" nanghahamon na tanong naman niya. Napatingin ako kay Inaki. Seryosong seryoso siya at ewan ko ba. Tinamaan ako sa sinabi niya. Paano nga kaya kung may pag-asa pa ako. Paano nga kaya kung ako talaga ang mahal niya, na kaya lang hindi niya ‘yon ma-realize ay dahil hindi niya ako maalala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD