5

1601 Words
AKIRA’S POV "Sinabi ko lang na mahal kita, hindi ko sinabing iwasan mo ako." Napamulat ako ng mga mata ko. Napatingin ako sa orasan at nakitang umaga na pala. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Nagsisimula na naman akong mapanaginipan ang mahiwagang boses na iyon. Buong akala ko si Miro ang laging napapanaginipan ko noon. At ngayong sumulpot na naman siya sa panaginip ko, hindi ko na sigurado kung si Miro nga siya. Bigla akong na-confused. Bigla kong natanong ang sarili ko kung sino nga ba ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Bumangon na lamang ako at bahagyang inayos ang buhok ko na nagkalat sa mukha ko. Alas nwebe na pala, napasarap ang tulog ko. Binuksan ko ang bintana ng kwarto ko para naman masikatan ito ng araw. Pero sana pala hindi ko na lang ginawa iyon. Nakita ko sa may garden sina Shin at Inaki na nag ii-sparring. Paminsan minsan pa ay nagkakatawanan sila lalo na nang natalapid si Shin at bumagsak sa damuhan. Habang pinapanoon ko sila ay hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha ni Shin. Simula nang makilala ko siya ay ngayon ko lang yata siya nakita na ganoon kasaya. Bigla akong napaisip kung sino kaya ang tinutukoy ni Inaki na babaeng mahal niya. Umalis na lang ako sa may bintana at pumasok na lang sa banyo para maligo. Sinabi ko lang na mahal kita, hindi ko sinabing iwasan mo ako. Naalala ko na naman ang panaginip ko. At paulit ulit na nagpe-play sa utak ko ang boses niya. Hindi ko lang talaga ma-recognize kung kaninong boses iyon. Dati ay sigurado akong si Miro iyon ngunit ngayon ko na-realize na hindi magkaboses ang nasa panaginip ko at si Miro. Sino ba kasi siya? Bakit ba lagi siyang nagpapakita sa panaginip ko? At bakit ba pakiramdam ko ay kilalang kilala ko siya? Isinantabi ko na lang muna ang mga isiping iyon. Naligo na lang ako at nagbihis. Then lumabas na ako ng kwarto ko. Pagkababa ko ay nadatnan ko pa si Miro na parang ang lalim ng iniisip. Or should I say na nakatingin lang siya kina Inaki? "Good morning,” masaya kong bati sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin. "Okay na ba ang pakiramdam mo?" may pag-aalalang tanong niya sa akin. "Yes, nawala na ang sakit ng ulo ko,” nakangiting sagot ko naman. Sumakit nga pala ang ulo ko kagabi. At iyon na ata ang pinakamasakit na naramdaman ko sa ulo ko. Yung tipong gusto ko nang iuntog ang ulo ko sa pader ng paulit ulit. Hindi ko na nga masyadong maalala kung paano nawala ang sakit at kung paano ako nakatulog kagabi. "Mabuti naman kung gano’n. Kumain ka na ba?" tanong pa niya. Marahan naman akong umiling. "Hindi pa. Hindi pa naman ako nagugutom." Umupo ako sa tabi niya at pinanood na lang din sina Shin at Inaki na nagkakatuwaan pa rin. Hindi pa nila yata napapansin na nandito na ako dahil patuloy pa rin sila sa ginagawa nila. "Bagay sila ‘no?" wala sa sariling tanong ko. Bigla namang tumayo si Miro kaya napatingin ako sa kaniya na nakakunot ang noo. "Ikukuha na lang kita ng pagkain mo. What do you want?" pag-iiba niya ng usapan. "Carrots na lang,” nakangiting sagot ko. "Sige,” seryosong sabi naman niya. Pumasok siya sa bahay at napabuntong hininga na lang ako. Hindi nakatakas sa paningin ko ang lungkot sa mga mata ni Miro. Ayokong mag-isip ng kung ano ano ngunit nalilito ako sa reaksyon niya. Tumingin na lang ako kina Shin at sakto namang napatingin sa akin si Inaki. "Oh gising na pala ang prinsesa,” masayang sabi niya sa akin. Awtomatiko namang napakunot ang noo ko. Prinsesa? Para namang nabigla si Inaki sa sinabi niya. At ito namang si Shin ay siniko pa siya. "Kasi naman girl. Ang gising mo ay pangprinsesa. Tanghali na oh,” alanganing sabi pa niya nang makabawi siya sa pagkabigla. Tumawa na lang ako at isinawalang bahala ang pagtawag niya sa akin ng prinsesa. "Good morning din Inaki,” nakangiting sabi ko sa kaniya. Lumapit sa akin sina Inaki at Shin at sakto rin namang lumabas na ulit si Miro na may dalang tray. "Oh eto na po Prinsesa ang pagkain niyo,” sabi naman ni Miro. Gusto kong matawa sa kalokohan nina Miro at Inaki sa pagtawag nila sa akin ng prinsesa. Pero ang weird na naman ng nararamdaman ko. Feeling ko ay may ibang meaning ang pagtawag nila sa akin ng prinsesa o baka napa-praning lang ako. Sa dami ng nangyayari ay naaapektuhan na yata ang utak ko. Hindi na makapag-isip ng matino. "Seriously Akira? Yan ang kakainin mo?" nagtatakang tanong sa akin ni Inaki nang makita niya ang dalang pagkain ni Miro para sa akin. Inilapag naman ni Miro ang tray sa lamesa kaya nag-umpisa na akong kumain. "Healthy living. Kayo ba, kumain na?" tanong ko sa kanila habang kumakain ako ng carrots. Si Inaki naman ay nagpalipat lipat ng tingin kina Miro at Shin. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagkain ko. "After 30 minutes, mag-uumpisa na tayo ng training Ms. Akira,” biglang sabi naman sa akin ni Shin. Tumalikod pa siya at naglakad na palayo. Ang saya-saya niya nang si Inaki ang kausap niya pero pagdating sa akin, ang sungit at ang cold niya. Inubos ko na lang ang pagkain ko para makapag-umpisa na agad kami at para matapos na rin agad. "Akira,” pagtawag sa akin ni Miro. "May kailangan pala akong puntahan ngayon. Okay lang ba?" Napangiti naman ako. "Oo naman. Basta mag-ingat ka sa pagda-drive,” sabi ko naman sa kaniya. "Opo. I love you." Hinalikan niya ako sa noo then umalis na siya. Nakita ko pa siyang sumulyap kay Inaki ngunit katulad kanina ay hindi ko na lang iyon pinansin. KANJI SHIN’S POV Kitang kita ng dalawang mata ko ang paghalik ni Miro sa noo ni Akira. Gustong gusto kong iiwas ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pero hindi ko ginawa kahit masakit. Ganito na ba talaga iyon? Hindi pa man ako nag-uumpisang lumaban, talo na agad ako. "You know what, hindi mo siya mababawi kung tutunganga ka lang dyan." Napatingin ako kay Akira nang magsalita siya. Nasa harap ko na pala siya ngayon nang hindi ko napapansin. "Anong sinasabi mo?" naguguluhang tanong ko naman. Umupo siya sa damuhan at nilaro laro ang mga d**o. "Nabanggit kasi sa akin ni Inaki yung taong mahal mo. Sabi niya, hindi ka raw naaalala nito. And I bet na ang babaeng iyon ang iniisip mo." Alam mong yung taong mahal ko ang iniisip ko. Pero sana malaman mo rin na ikaw yung babaeng yun. "Suko ka na ba sa kaniya dahil lang sa nagka-amnesia siya? Ang bilis mo namang sukuan ang pagmamahal mo,” dugtong na sabi pa niya. "Hindi ako sumuko. Tinanggap ko lang na hindi ko pa man siya naipaglalaban, talo na ako,” seryosong sabi ko sa kaniya. Hindi dapat namin ito pinag-uusapan ngunit hindi ko napigilan ang sarili ko na magsalita. Kahit naman kasi pilitin ko na maalala mo ako, wala na rin namang saysay yun. Kasi si Miro ang mahal mo. Kaya bakit pa ako lalaban? "Ang tanong Shin, sigurado ka bang talo ka na? Nasubukan mo na bang ipaglaban siya?" sunod-sunod na tanong naman niya sa akin. Deretso siyang nakatingin sa mga mata ko kaya umiwas ako ng tingin. I want to hug her. I want to tell her how much I love her. I want to hold her hands and don't let her go. Pero heto ako, umiiwas. Nagpapakamartir. Mahal ko talaga ang babaeng ito. At konting konti na lang talaga, ipaglalaban ko na ang nararamdaman ko. Konting konti na lang, ipapaalala ko sa kaniya kung sino ako sa buhay niya. Ipapaalala ko yung mga pinagsamahan namin. Ipapaalala ko sa kaniya lahat ng alam niya tungkol sa akin. Ipapaalala ko sa kaniya ang sarili ko. Konting konti na lang. "Akira, may ipapakisuyo sana ako,” seryoso kong sabi sa kaniya. "Ano yun?" kunot noong tanong naman niya. "Pakipulot naman ng puso ko. Nahulog na kasi sa ‘yo,” walang pakundangan na sabi ko sa kaniya. Literal na nanlaki naman ang mata niya at natigilan siya dahil sa sinabi ko. "Ah ano. Kasi. S-sinubukan ko lang sa ‘yo. Sinabi ko na kasi ‘yan dati sa kaniya kaso wala siyang reaksyon. Corny ba?" dugtong na sabi ko. Hindi rin ako makatingin sa kaniya ng deretso kaya hindi ko na makita kung ano nang reaksyon niya ngayon. Bigla akong nahiya sa kalokohan ko. Parang gusto ko na lamang na bumalik sa kwarto ko at hindi magpakita sa kaniya. Pasalamat na lang ako na wala dito si Inaki dahil nasa kusina siya. Paniguradong uulanin ako ng pang-aasar galing sa kaniya. "Ha-ha-ha. Tatlong tawa para sa corny mong joke. W-wait lang ha. Nakalimutan ko palang uminom ng tubig. Excuse me." Umalis si Akira sa harap ko at agad na pumasok sa bahay. Napasabunot naman ako sa buhok ko. Maling mali ang ginawa mo Kanji. Out of nowhere ay bigla ka na lang magbibitaw ng korning pick up line at ang masaklap ay kay Akira pa. "Shin.” Napatingin ako kay Akira na nakasilip sa may pinto. Medyo namumula pa nga ang magkabilang pisngi niya. "If you didn't fight for what you want, then don't cry for what you loss because it is your fault anyway." Pagkasabi niya no’n ay pumasok na ulit siya sa bahay. Ako naman ay natulala na lang. Kalaunan ay napangiti na lang ako ng ma-realize ko ang sinabi niya. Akira, mahal talaga kita. At mas lalo kitang minamahal araw araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD