6

1701 Words
THIRD POV Sa ikalabing siyam na taon ng paghahanda at pagtitiis sa mga sakit na naramdaman niya ay sa wakas, nagbunga na ang lahat ng paghihirap niya. "Ikaw, Rachelle Montenegro ay isa nang ganap na Nine Tailed Fox. Welcome Queen Rachelle." Nagpalakpakan ang lahat ng mga Nine Tailed Fox sa nasaksihan nilang kaganapan. Ang kanilang reyna ay isa nang ganap na Nine Tailed Fox. Isa na siyang tunay na kalahi. Kailanman ay hindi na kukwestyunin ang kaniyang pagkatao sapagkat isa na siyang tunay na Nine Tailed Fox. Agad namang pinalabas ng reyna ang kaniyang siyam na buntot, katunayan na siya ay isang kalahi na talaga. Puting puti ang kaniyang siyam na buntot at ito ay nangingibabaw sa buong kaharian. Lahat ay masaya sa pangyayaring iyon. Lahat ay nagdidiwang. "Mahal ko." Napalingon ang reyna sa tumawag sa kaniya. Napangiti siya nang makita niya ang nilalang na siyang dahilan kung bakit ginusto niyang maging isang Nine Tailed Fox. Si Haring Alejandro, ang haring minahal at mamahalin niya. Agad siyang niyakap ni Haring Alejandro. "Mahal na mahal kita Rachelle." "Mahal na mahal rin kita Alejandro." Hinding hindi magsisisi si Rachelle na talikuran ang mundong kinalakihan niya, ang mundo ng mga tao, at pasukin ang mundong ginagalawan ng kaisa isang lalaking minahal niya. At ngayon, isa na siyang ganap na Nine Tailed Fox at tuluyan na siyang tanggap ng mundo ng mahal niya. "Mahal, paano ang anak natin?" nag-aalalang tanong pa niya sa asawa. Naalala niya ang kaisa isa nilang anak. Hindi kasi nila masiguro kung ano ang pagkatao ng anak nila. Isa siyang tao at si Alejandro naman ay isang Fox. Kaya ang kanilang anak ay kalahating tao at kalahating Fox. Pero may isang mangingibabaw sa kanilang anak at hindi nila alam kung aling lahi ang mananaig sa anak nila. "Malalaman natin iyon pagsapit ng kaniyang kaarawan,” seryosong sabi naman ni Haring Alejandro. Biglang kinabahan si Rachelle. Malapit na ang birthday ng kanilang anak. Kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung matatanggap ba sila ng kanilang anak kapag nalaman nito ang lahat lahat. "Huwag kang mag-alala, magiging maayos din ang lahat,” pag-aalo naman sa kaniya ni Alejandro. Kung tutuusin ay isang dugong bughaw ang kaniyang anak. Ngunit dahil nga sa hindi pa nila alam kung anong lahi ang mangingibabaw dito ay natatakot siya na baka pagdaanan ng kaniyang anak ang pinagdaanan niya. Mas gugustuhin pa niyang mangibabaw ang lahing Nine Tailed Fox sa kaniyang anak kaysa sa lahing tao. "Haring Alejandro at Reyna Rachelle, nakahanda na po ang konseho para sa nalalapit na kaarawan ng prinsesa." Nagkatinginan ang mag-asawa sa sinabing iyon ng isa nilang Celestial Fox. "Ibig bang sabihin ay pupunta rin sila sa mundo ng mga tao sa darating na kaarawan ng prinsesa?" nagtatakang tanong naman ni Haring Alejandro. "Oo, sasama kami sa inyo,” nakangiting sagot naman nang kadadating lang na si Ginoong Nandro. Siya ay myembro ng konseho at isa ring guro sa akademya. "Wala pang kaalam alam ang anak namin sa tunay naming pagkatao. At isa pa ay hindi rin natin alam kung anong lahi ang nangingibabaw sa kaniya,” pagsalungat naman ni Haring Alejandro. Paniguradong mapupuno ng katanungan ang isipan ng kaniyang anak sa araw ng kaarawan nito. At mas lalong magugulo ang isipin nito kapag nakita pa ang buong konseho. "Naniniwala ang konseho na isa siyang Nine Tailed Fox and besides, isa siyang prinsesa. Nananalaytay sa dugo niya ang pagiging isang dugong bughaw. Nais naming masaksihan ang kaarawan ng prinsesa,” nakangiting pahayag naman ni Ginoong Nandro. Nakaramdam ng pagkabahala ang reyna sa hindi niya malamang dahilan. Mabilis ang t***k ng puso niya at pakiramdam niya ay mayroong hindi magandang mangyayari. "At isa pa, kailangan nating protektahan ang prinsesa sa mga itim na Nine Tailed Fox. Alam niyo iyon kung bakit. Kaya sana ay paunlakan niyo kaming sumama sa inyo,” dugtong na sabi pa ng ginoo. Wala nang nagawa ang mag-asawa kundi ang pumayag sa kagustuhan ng konseho. At isa pa ay naniniwala silang para ito sa kabutihan ng kaisa isa nilang anak. Hindi lingid sa mga Black Nine Tailed Fox na mayroon silang anak. At dahil doon ay nais nila itong makuha at gamitin upang matalo at masakop ang mga White Nine Tailed Fox. Kaya gano’n na lang sila kapursigi na makuha ang prinsesa. "Paano kapag ang nanaig sa anak natin ay ang pagiging tao?” nag-aalalang tanong ni Rachelle sa kaniyang asawa nang makaalis na si Ginoong Nandro. Hinawakan naman ng hari ang kaniyang mga kamay at marahang pinisil iyon. "Naniniwala ako na ang pagiging Nine Tailed Fox ang mangingibabaw sa kaniya. Natatandaan mo ba noong muntikan na siyang makuha ng mga kalaban? Hindi ba’t simula noon ay natuto na siyang kumain ng gulay? Simula rin noon ay hindi na siya kumain ng kahit na anong klase ng karne. Ibig sabihin noon ay nagigising na sa sistema niya ang dugo ng pagiging isang fox," mahabang paliwanag naman ni Haring Alejandro. Dahil sa sinabing iyon ng hari ay nagkaroon ng kapanatagan ng loob ang reyna. Pero hindi rin niya maitatanggi na natatakot siya para sa anak niya. Dahil nasa panganib ang buhay nito. AKIRA’S POV "Tandaan mo, mas malakas ang kaliwang kamay mo kaysa sa kanang kamay. Now, punch me." Nagte-training kami ngayon ni Shin at inuutusan niya akong suntukin siya. Ibinigay ko naman ang lahat ng lakas ko at sinuntok siya gamit ang kaliwang kamay ko. Pero nasalag niya ito ng kanang kamay niya. Medyo sumakit pa nga ang balikat ko dahil doon. "Sa balikat mo kinukuha ang lakas ng pagsuntok mo kaya sumakit ito nang nasalag ko,” seryosong sabi pa niya. Hinigit niya ang kamay ko kaya napalapit ako sa kaniya. "Your strength must be in your forearm to avoid injury on your shoulder." Pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko dahil sa pagkakalapit namin. Napakabilis ng t***k ng puso ko. Ni hindi ko rin maintindihan kung anong sinabi ni Shin dahil nadi-distract ako sa masyadong pagkakalapit ng mukha namin. Bigla namang napabitaw sa akin si Shin at napa-aray na ipinagtaka ko naman. Lumapit naman agad sa kaniya si Inaki na nanonood lang sa aming dalawa. "What happened?” Punong puno nang pag-aalala ang boses ni Inaki. Lumapit na rin sa amin si Miro na kalalabas lang galing sa kusina. May dala pa siyang pitsel at mga baso. "Akira." Hinawakan ni Miro ang kamay ko ngunit napabitaw din siya agad katulad ni Shin kanina. Anong nangyayari? "Akira, mas mabuti muna siguro na magpahinga ka na muna." sabi sa akin ni Inaki. Nakahawak siya kay Shin at si Miro naman ay lumapit sa kanilang dalawa. "Pero.." "Sige na Akira. Kami na ang bahala kay Kanji. Magpahinga ka na muna,” sabi naman sa akin ni Miro. Kaya kahit naguguluhan ay tumango na lang ako. Tumingin muna ako kay Shin at nagsalubong ang tingin namin. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Hindi ko rin maintindihan kung anong nararamdaman niya dahil blangko lang siyang nakatingin sa akin. Pumasok na lang ako sa bahay at nagpunta sa kwarto ko. Ang daming tanong ang pumapasok sa isip ko. Ayaw ding mag-sink in sa utak ko kung ano ba talaga ang nangyari kanina. Mababaliw na ata ako sa kaiisip. KANJI SHIN’S POV "Ano ba talagang nangyari kanina?" tanong sa akin ni Inaki nang makaalis sa harap namin si Akira. "Bakit sobrang init ni Akira?" tanong naman ni Miro. Sinubukan niya nga palang hawakan si Akira kanina pero napabitaw din siya agad katulad ko. Tiningnan ko ang palad ko, namumula na ito dahil sa pagkapaso ko. "Malapit na ang birthday niya," mahina kong sabi ngunit alam ko narinig ng dalawa. "Aaaaaahhhhhhhhh" Sabay sabay kaming napalingon ng biglang may sumigaw. "Si Akira,” nag-aalalang sabi ni Inaki. Agad kaming tumakbo papunta sa kwarto ni Akira. May mga usok na lumalabas sa kwarto ni Akira habang siya ay nakatayo sa may pinto. "Anong nangyari Akira?" nag-aalalang tanong ni Miro sa kaniya. Alam kong gustong gusto niyang hawakan si Akira ngunit mapapaso siya kapag ginawa niya iyon. "H-hinawakan ko lang yung libro ko then bigla na lang itong nag-apoy,” umiiyak na sabi naman ni Akira. Dumating na sina Louie na body guard ni Akira. Agad nilang inapula ang apoy. Hindi ramdam ni Akira na tumaas ang temperatura ng katawan nyia. Kaya wala siyang kaalam alam sa mga nangyayari lalo na sa pagkaka-apoy ng librong hinawakan niya. Mabuti na nga lang na hindi nasunog ang buong kwarto niya. "Ano ba talagang nangyayari?" naiiyak na tanong ni Akira. Gustong gusto ko siyang yakapin at pakalmahin pero hindi ko magawa dahil mapapaso ako. Sinubukan ko rin siyang patulugin kaso hindi tumalab sa kaniya ang kapangyarihan ko. Unti unti na siyang lumalakas. “Louie, Inaki, Miro. Tulungan nyo akong patulugin siya,” sabi ko sa tatlo gamit ang isipan ko. Tumingin silang lahat sa akin at sabay sabay na tumango. Lihim naming pinalabas ang mga kapangyarihan namin at pinatama ito kay Akira. Unti unti siyang nakatulog, mabuti na lang na nasalo ko siya. Bumalik na sa dating temperatura ang kaniyang katawan nang mawalan siya ng malay. Kaya hindi na ako napaso nang binuhat ko siya. Inilapag ko siya sa higaan niya. "Kasama ng Hari at Reyna ang konseho sa araw ng birthday niya," seryosong sabi sa akin ni Inaki. Tumingin naman ako kay Miro. "Ipapakilala na kita sa konseho bilang anak ng dalawang Celestial Fox. Maghanda ka na Miro." Tumango lang sa akin si Miro. Isa rin palang Nine Tailed Fox si Miro. Nalaman lang namin ‘yon noong bago lumusob ang mga itim na Nine Tailed Fox. Anak siya ng dalawang Celestial Fox pero dito siya pinalaki sa mundo ng mga tao. Hindi namin alam ang dahilan kung bakit nagkaganoon. Hindi rin siya agad agad nakapagpalit ng anyo kaya nakatagal siya dito sa mundo ng mga tao. "Okay lang ba ang prinsesa?" tanong sa akin ni Inaki. Tumingin naman ako kay Akira na mahimbing na natutulog. "Sa tingin ko ay ayos lang siya. Sasabihin ko na lang ito sa Hari at Reyna sa lalong madaling panahon," seryosong sagot ko naman. Lumabas na ako ng kwarto ni Akira. Bumuntong hininga na lang ako at saka naglakad palabas ng bahay. Lalanghap na muna ako ng sariwang hangin upang ma-relax ang utak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD